Chapter Sixteen

26 1 0
                                    

Forbidden Friendship

My friendship with Rhysand was the longest I have. I have known his moves, the tone of his voice, the way his expression changes and all—he has been an open book to me. But we’ve never been in an awkward situation such as this.

Kanina ko pa gustong magmura habang nakatitig sa mga swimsuits na ibinili sa akin ni Rhysand. Nakalapag ang tatlong bikinis na may iba’t ibang desings sa higaan ng room na kinuha niya para sa amin. Hindi ako makapaniwala… Alam niyang kahit kalian ay hinding-hindi ako magsusuot ng ganito!

There were three colors. Maroon, yellow, and black bikinis. Tapos may malaking towel rin siyang binigay sa akin, shades, at lotion, it’s as if he already knew the things I would need. Pero ganun pa man, wala akong balak na suotin ni isa sa mga ito! Even though I can tell by the size, sakto lang ang mga ito sa akin… w-which is kind of weird. Paano niya nalaman na kasya sa akin ang mga ito? My frame is way smaller than it looks, so it’s hard to guess…

Napailing-iling ako sa isipan. Baka kinuha nalang niya ang pinakamaliit na nakita niya sa pinagbilhan niya ng mga ito.

Nasapo ko ang noo ko bago tumingin sa bintana. I can see the number of people on the beach from here. At hinding-hindi ko makikita ang sarili ko na naglalakad na suot-suot lamang ang bikini. “Shit…” tuluyan na akong napamura. Bahala na… Basta hindi ko ito gagamitin! Babayaran ko nalang siya…

Napatango ako sa sarili. I walked towards the door with a made up mind. I’ll just wear my dress in swimming… pagkatapos ay bibili nalang ulit ako ng damit rito, at gagamitin ang bikini para sa panloob ko nalang.

I pushed the door with a frown on my face. Agad kong naanig ang likod ni Rhysand sa balkonahe na para bang kanina pa naghihintay. Mabilis akong napahinto nang wala na siyang suot pang-itaas. My mouth parted while I pull down my gaze on his back. S-Since when did he became this muscular?

I must say his body changed a lot. Noong High School parang buto at balat nalang ang natitira sa kanya. Mas malaki pa ako sa kanya noon. But now, he does looked ripped--almost like a man now.

Tahimik akong lumapit sa kanya. Hindi ako gumawa ng kahit anong sa bawat hakbang at ng abot-kamay ko na siya ay hindi ko na ang pinalampas ang pagkakataon. I slapped his head from the back.

“The fuck--Aray! Ano ba?!” singhal niya at inis na bumaling sa akin.

He eyed me from head to toe. “What? I picked your favorite colors for the bikinis, Aria…”

“Kahit na!” asik ko. “Sa tingin mo masusuot ko ang mga iyon? Rhysand, I have never wore a bikini before! You can’t just m-make me now…”

He bit his lower lip, as if trying to stop his mocking grin.

“Ah, ganun ba?” parang wala lang sa kanya na tanong habang pinipigilan pa rin ang sariling ngumisi. “Well then, just take those bikinis as a token of my appreciation. See? May souvenir ka na.”

“Tanga…” singhal ko sa kanya at tinupi ang mga braso. “Talagang nananadya ka, ah? Gusto mo talagang magsimula tayo rito?”

“Hmm, pwede naman...” He mumbled then flashed his grin. Kumindat pa siya bago sinuot na ang shades niya ulit.

Ilang sandali siyang napaangat ng mukha na para bang dinadama ang hangin sa balkonahe. Few people started to walk in front of the room where we are and most of them are taking pictures. Napangisi ako nang may naisip habang tinitignan siya. Ah, ganun? Gusto niya palang magsimula dito, ah…

I quietly head back and grabbed one of the bikinis. Napahagikhik ako bago nagtungo ulit sa labas.

I watched him as he stretched both of his arms on the air. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at mabilis na tumalon sa harapan niya at nilapag ang bra sa mukha niya bago tumakbo papalayo.

Platonic Hearts (Compass Series #1)Where stories live. Discover now