Chapter Four

39 1 0
                                    

Small Crowd

“Tubig.”

Rhysand handed me the glass of water before sitting next to me. Tahimik akong nagpasalamat sa kanya at bumaba lang ang tingin sa tubig. Inisip ko lahat ng mga bagay na hindi ko magagawa pa para sa gabing ito. All my plans to uphold some productivity, shattered.

Nawalan na ako ng gana.

Katatapos ko lang umiyak sa harapan niya. We are currently in his room since he can’t make me stay in the guest room. Malapit kasi iyon sa quarters ng mga maids nila. Baka mahuli pa ako at siya ang malalagot.

“Tahan na…”

I jumped when his thumb suddenly touched my cheek. Hindi ko na namalayan pa ang patuloy na pag-agos pa rin pala ng mga luha ko. Napakurap ako at mabilis na inalis rin ang mga iyon. “Ayos na ako. Salamat ah? What would I do without you, Rhy?”

“You’ll get depressed.” Mahina siyang humalakhak sa tabi ko. “At higit sa lahat, magrerebelde. Baka magpatulong ka pang lumayas…”

I chuckled while looking down. “Hindi ko kayang gawin ‘yan…”

“I know.”

Umalis siya sa tabi ko at tumayo. He faced me with his arms folded. “You’re not that kind of daughter… unlike most kids in this generation.” Napailing-iling siya.

I remained my eyes on the cup I was holding. Ayoko lang na ma-disappoint pa sila at ayoko nang palakihin pa ang gulo kung saan maaari pang madamay ang mga kapatid ko at ibang tao. I would rather tolerate their treatment to me for as much as I can instead of defending myself and cause conflicts. That would only make things worse.

“Sabi ko na nga bang dapat sinamahan na kita kanina para matulungan kitang makapaliwanag. You know we always got each other’s back, right Aria?” seryoso niyang tanong.

“This is the problem with you, Aria Solace. Hindi ka tumatanggap ng alok. I know you can’t defend yourself so I’m here ready to settle with that but you won’t let me. You always won’t let me.” He continued.

Mariin akong napapikit. “Rhysand, tapos na. I dealt with it. Pwede bang huwag na nating pag-usapan ito?”

I heard his frustrated grunt. “I hate that about you.” He murmured before walking away from me.

Malungkot akong napaangat ng tingin sa kanya. Pinagmasdan ko ang likuran niya hanggang sa makalabas siya ng pinto. Napabuntong-hininga ako at kinigat ang ibabang labi para pigilan ang pag-iyak na naman.

It’s okay, Aria. Ilang beses na itong nangyari. This too will pass just like the ones before.

I breathed in and out a couple times before deciding to get up from his bed. Niligay ko ang baso sa lamesang malapit sa kama niya bago lumapit sa study table niya. To my surprise, it looks like he was not joking about the paper plane. Maraming eroplanong papel sa table niya na may mga sulat sa iba’t ibang mga parte. It seems like they are to labelling planes and even their engines.

Wala akong may naintidihan sa mga proyekto nila pero hindi ko maiwasang hindi mamangha. Mukhang ibang klaseng mga papel rin ang ginagamit nila para rito. He also has different kinds of rulers, may mga calculations rin sa mga papel niya at equations. I think it’s about momentum.

Hinawakan ko ang mga wires na nakakabit sa laptop niya patungo sa isa pang laptop niya. Napangiti ako. I wonder how much does this cost. He’s this devoted huh?

“Don’t touch that.” Saway niya sakin nang makabalik.

Agad ko namang nilayo ang kamay roon. “Hindi ko naman sisirain.” Sagot ko at bumalik nalang sa pagkakaupo. Nagsimula na akong makaramdam ng pagod.

Platonic Hearts (Compass Series #1)Where stories live. Discover now