KABANATA 29

294 8 0
                                    

Kabanata 29

Call

--

I distracted myself in the days that followed. Marami naman akong ginagawa sa school at gano'n din sa trabaho kaya medyo nalilibang ako. Minsan wala sa sarili pero kahit papaano nakatulong 'yon sa akin para kalimutan ang mga nangyari.

Vince won't stop texting me. I don’t know if he doesn’t understand the word space o talagang makulit lang siya. I don’t have time for him right now. My head is hurting so much with everything that I'm thinking about. Kung magpapatuloy pa kami, baka sumabog na ang ulo ko. Hindi ko pa siya kayang makasama sa ngayon.

"Magma-masters ka pagka-graduate mo, 'di ba?"

Napatingin ako kay Sarah sa tanong niya. Katatapos lang ng klase ko at nandito kami ngayon sa cafeteria, sabay na kumakain. Wala ulit ang mga pinsan ko dahil busy sa kanya kanya nilang ginagawa. Minsan nalang din kaming magkasama sama sa ngayon.

"Yeah. Why?" sagot ko at nagpatuloy sa pagkain.

"I heard Vince will also do his masters abroad. In America? Ikaw? Saan ka?"

Natigilan ako. Hindi ko pa nakukwento sa kanya ang nangyari kaya wala pa siyang alam. Hindi ako nakasagot agad.

"England," I said.

"Oh! Kung gano'n, magkahiwalay pala kayo? And... I also heard na aalis na ngayon si Vince. I don't know kung kailan pero baka ngayong buwan na raw. Mauuna siya since graduate na siya."

Hindi ako nagsalita.

"So... long distance relationship, huh?" ngisi niya sa akin.

I sighed. Wala siyang alam kaya ganito talaga. Sasabihin ko naman sa kanya, hindi nga lang sa ngayon. Hindi pa ako handang ilabas ang nararamdaman ko.

"Saan mo na naman ba narinig na aalis siya?" tanong ko.

"Uh... kay Marco," nag iwas siya bigla ng tingin.

Nanliit ang mga mata ko sa kanya. Pero sa dami ng inaalala ko ngayon ay wala pa muna akong panahong magtanong tungkol sa kanilang dalawa ni Marco.

Binalik ni Sarah ang tingin sa akin nang hindi ako nagsalita.

"What? Huwag mong sabihing hindi mo alam na aalis siya? He didn't tell you?"

"He did," nakatingin lang ako sa pagkain.

She smirked. "At sa barko daw siya sasakay? He's going with his Mom. You know that too?"

Tumango nalang ako.

"Tss. Ba't ganyan itsura mo?" anya nang napansin na ang katahimikan ko. "Nalulungkot ka, noh?"

Hindi ako nagsalita.

"Naku! Sinasabi ko na nga ba! You like him? You like him!" sigurado niyang sinabi.

"Tss. Kumain nalang tayo nang tahimik, Sarah," sabi ko.

Her eyes narrowed and she stared at me for a moment. Ramdam kong gusto niya pang magtanong at magsalita pero nanahimik nalang siya. Siguro napansin na talagang seryoso ako sa katahimikan ko.

Vince:

Hi. Can we meet later after your class? I have something important to tell you. I will wait in the field.

Ilang sandali kong tinitigan ang text ni Vince bago 'yon binalewala at pinagpatuloy ang pag aayos ng gamit. Kanina niya pa tinext 'yon at uwian na namin ngayon.

Hindi ko alam kung pupuntahan ko ba siya. My mind are full of what ifs. What if lokohin ulit ako? What if masaktan ulit ako? What if umiyak na naman ako? What if... iwan na naman ako?

Forgotten Letters (Agravante Series #4)Where stories live. Discover now