KABANATA 40

373 8 0
                                    

Kabanata 40

Eyes

--

"My name is Adreanna Louissa Agravante. Happy now?"

Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako ngayong parang hindi na nga talaga sumasakit ang ulo niya. Inabangan ko ang magiging reaksyon niya. Para kung sakali mang sumakit ang kanyang ulo, maka tawag agad ako ng guards.

Pero hindi. Walang nangyari. Nakatitig lamang siya sa akin.

Ilang sandali siyang hindi nagsalita. Ano? Lalayo na ba siya sa akin? Iiwas na ba siya? At tutal hindi naman pala siya nagtatrabaho sa resort, ngayon lang dahil may party at kailangan ng maraming waiters. Mas lalo kaming hindi na magkikita.

I know it's for his own good but why do I feel like I don't want him to go?

I don't want him to go because I missed him so much. And I will miss him again if he leaves. He won't leave but I won't see him again. Kaya ko ba 'yon? Of course, kaya ko. Nakaya ko nga ng labing isang taon.

Pero ngayong nakita ko na ulit siya... pakiramdam ko hindi ko na siya kayang mawala pa sa paningin ko. Pero hindi naman ako lalayo, 'diba? I will still watch him. I would go to their house every day. Not exactly in their house but I will just look at him from the distance. At makikipag usap din ako kay Monica minsan para makibalita sa kalagayan ni Vince.

I then wondered... nasa iisa silang bahay ni Monica. May... nangyari... na kaya sa kanila?

Napalunok ako nang naisip 'yon. Naramdaman ko agad ang sakit sa aking puso. Paano kung sa paniniwala niyang mag asawa nga sila ni Monica, nagustuhan niya na talaga siya? Paano kung mahal niya na si Monica? At kung gano'n nga, paano kung kapag bumalik na ang mga alaala niya, si Monica pa rin ang mahalin niya at hindi na ako? Kahit naaalala niya na lahat lahat?

After all, si Monica ang nag alaga sa kanya nung mga panahon na nahihirapan siya. Limang taon siyang inalagaan ni Monica sa ospital hanggang sa magising siya. At ilang taon din siya nitong tinulungang bumalik sa dati.

Si Monica ang nandyan palagi para sa kanya. He must be so in love with her right now. Hindi niya na kakayaning iwanan si Monica sa oras na maka alala siya. Kahit maalala niya ako at ang lahat lahat.

Tumawa ako. Pwede. Kasi hindi rin naman naging maganda ang paghihiwalay naming dalawa noon. Akala niya wala na akong pakialam sa kanya. Ni hindi niya alam na hinabol ko siya noon. He doesn’t know how I really feel. He doesn't know how much I was hurt when he disappeared.

I smiled sadly. Ni hindi ko manlang nasabi sa kanya na minahal ko rin siya noon. At kung makaalala siya, hindi na rin siguro importanteng malaman niya pa 'yon. Dahil si Monica na ang mahal niya. There's no point anymore.

Natahimik na si Vince, tila malalim ang iniisip. Nagpasya nalang akong iwan siya roon dahil marami pa akong gagawin. At ayoko ring makita niya ang mga emosyon sa mga mata ko. I don't want him to see how much I want to run to him right now.

Nakatanaw ako ngayon sa veranda ng aking villa habang iniisip ang mga 'yon. The crushing of the waves is so relaxing. Gusto ko yatang subukang matulog dito hanggang sa mag umaga pero hindi naman pwede 'yon. Masyadong malamig, magkasakit pa ako.

"Ano? Kumusta? Ano nangyari?" sunod sunod agad ang tanong ni Sarah nang sinagot ko ang tawag niya.

I rolled my eyes. Alam ko namang kailangan niya ring malaman pero akala mo kasi dakilang chismosa siya sa tono niya.

"Did you talk to him? Nakilala ka ba niya? Pero wait... bago 'yan siya ba si Vince? Or was he just someone else? He seemed confused when I said his name. Hindi ba siya si Vince? Kung hindi, kamukhang kamukha niya si Vince, kung gano'n! May kakambal ba si Vince na nawala...?" nagtuloy tuloy siya.

Forgotten Letters (Agravante Series #4)Where stories live. Discover now