KABANATA 20

334 8 1
                                    

Kabanata 20

Allow

--

Bumaba ako sa aking sasakyan at sinakbit ang kulay puting shoulder bag ko sa aking balikat. I'm wearing a white off shoulder longsleeve crop top and sky blue jeans with my white stilettos. Nakalugay ang mahaba at straight kong buhok. While my bangs is in normal style.

Pumasok ako sa coffee shop na sinasabi ni Vince. Oo, pumunta ako. Hindi para sa kanya kundi para sabihin sa kanya na tumigil na siya. Kung hindi kami magkakausap nang maayos, hindi talaga siya titigil so here I am. I'm gonna make him stop now.

Nakangisi agad si Vince nang nakita akong palapit sa kanya. Nakita ko agad siya dahil kapansin pansin ang itsura niya. He's wearing a white t-shirt and leather jacket, black jeans and brown leather boots. Nakataas ang buhok niya at nasa maayos na style.

Ngayon ko lang siya nakitang naka ayos and he looks so damn playful but... so fresh and handsome.

Tumayo siya at nakapamulsa akong sinalubong. Humalukipkip naman ako at tumigil sa harapan niya.

"You came," he said while smirking.

"Oh, yeah. But not for you. I came here because I want you to stop," deretso ko agad sinabi.

He chuckled.

"For what, Issa? Bakit mo ba talaga ako pinapa iwas sayo?"

"At bakit ayaw mo ring umiwas sa akin? For what is this, also? Para saan ang palagi nating pagkikita? It is not necessary."

"It is necessary."

"Sabi mo, titigilan mo na ako? You said that in the letter!"

"Kung hindi ka pupunta. But you came so..." he smirked. "Hinding hindi na kita titigilan."

I groaned in frustration. Oh, damn it! Ang kulit niya!

But my heart... it went crazy just because of what he said! Shit!

"Take a sit, please. Huwag tayong magtalo rito," natatawa niya pang sinabi at nilahad sa akin ang kaharap niyang upuan.

Iritado kong nilagay doon ang bag ko at umupo. Umupo na rin siya. I am very irritated again with his playful smirk on his lips. It was as if he's not taking this seriously. He is not taking whatever I am saying seriously!

"Ano ba talagang gusto mo?" tanong ko pagkaupo palang naming dalawa.

"Ikaw? Anong gusto mo? Coffee, juice, chocolate juice--?"

"Vince!" iritado kong bulong dahil may kaunting tao sa loob ng shop.

Humalakhak siya at nagtaas ng dalawang kamay.

"Ayaw mo muna bang kumain o uminom manlang ng juice?"

"Wala akong panahon para rito, Vince. Take this seriously!"

"Alright!" he said but I can still see the smile he's just hiding.

I glared at him. Ngumuso siya.

"I don't want all of these. Hindi ba, sinabi ko nang iwasan mo na ako? Bakit may padala ka pa ng mga rose at letters?" kunot noo kong tanong.

"Don't tell me ayaw mo? I know you like those."

What?!

"Vince!"

"What?" natatawa niyang tanong.

I groaned again. Wala naman yatang kwentang makipag usap sa kanya!

"Hindi kita maintindihan, Issa. I'm not doing anything wrong and I know you know that. Maayos nating ginawa 'yong sa dagat tapos bigla mo nalang gustong iwasan natin ang isa't isa? Why? Did I do something wrong? Wala naman. Sa pagkakatanda ko, nag away lang tayo no'ng sinuntok ko ang ex mo. I already said sorry but you suddenly want me to avoid you?"

Forgotten Letters (Agravante Series #4)Where stories live. Discover now