KABANATA 33

315 9 4
                                    

Kabanata 33

Name

--

I'm leaving early morning. Kailangan maaga ako dahil ako ang isa sa mga pinaka hinihintay doon. Marami akong babatiin na mga guests bago magsimula ang party.

I can't believe Cassandra won't come to accompany me. I can do it alone but seriously? Ngayon lang ako a-attend na ako lang mag isa at hindi kasama ang ibang mga pinsan ko!

Tss. Ayos lang naman talaga sa akin. Medyo nagtatampo lang.

"Hello? Mom?" it's late at night and I just finished packing when my mother called.

"Anak?" her voice was cold as always.

"How are you, Mom? Bakit po kayo napatawag?"

"I heard you're leaving tomorrow? For the party in Batangas?"

"Yes, Mom. Katatapos ko lang pong mag impake ng mga dadalhin kong gamit."

Umupo ako sa upuan ko sa teresita ng aking kwarto. Malakas ang simoy ng hangin. Tanaw ko ulit sa ibaba ang napaka gandang mga city lights. It's so peaceful again. Just like how I want it.

"Alright. By the way, for sure, your Lolo already told you that you can take a vacation if you want? You're free to stay there a little longer if you want to."

"Yes, Mom. Sinabi na po ni Lolo."

"Okay, then. Take care. Call me tomorrow when you get there, okay?"

"Okay..."

She turned off the call while I remained on the veranda. To have a vacation is so tempting. Alam kong ilang taon akong walang pahinga kakatrabaho kaya pinagbibigyan nila ako ngayon. At matagal naman nang sinasabi ni Lolo sa akin na kailangan ko talaga ng bakasyon kahit saglit lang. He's so concerned about me.

Simula nang nangyari ang trahedya, naging seryoso na ako sa lahat. Sa pag aaral ko, nang pumunta akong ibang bansa para gawin ang masters ko, nang bumalik ako, at hanggang ngayon.

And yes, of course, I also want to take a vacation. Pero sa ngayon mas gusto ko munang mag focus sa trabaho. Tsaka sa pagtatrabaho ako nare-relax so I think this is just okay. Masyado lang silang worried.

I have a life of my own now. May sariling pera, may sariling tinitirahan, may sariling ipon, may sariling trabaho. Matanda na raw ako, sabi ng mga pinsan ko. Pero hanggang ngayon wala pa ring boyfriend. Napag iiwanan na raw ako.

Tss. Hindi lang naman ako. Si Lorie rin. Kaya sinasabi nila, magkapatid talaga kami.

But... I don't need a boyfriend. I know that one day I will also need to get married pero... hindi muna ngayon. Wala pa akong natitipuhan. O nagugustuhan.

I sighed and decided to take a shower. Maaga pa ako bukas. Kailangan ko nang matulog.

At five o'clock in the morning, I arrived at the said resort in Batangas where the party will be held. I have three bodyguards with me. Dala nila ang suitcase ko at kung ano ano pang gamit. They took it to my villa while I immediately went to the resort's restaurant to eat.

I haven't eaten yet. I don't know how to cook so I have a hard time living alone. Pinag aaralan ko naman. Busy lang sa trabaho kaya madalas nagpapa deliver nalang.

After eating, I went up to my villa. My room is big. May isang king sized bad at mahabang sofa. Malaki ang banyo at kulay puti lahat. I also have a veranda where I can overlook the very nice beach. I will also see the sunrise from there.

I don't really like the beach but it's so beautiful, you can't hate it. I sighed when I remember something.

Nagsimula nalang akong mag ayos ng mga gamit para mabaling sa ibang bagay ang utak ko. I called Mom while arranging my things to tell her that I arrived safely. Ilang minuto rin akong nag ayos bago naligo at nagbihis ng mas komportableng damit, 'yong babagay kung nasaan ako ngayon.

Forgotten Letters (Agravante Series #4)Where stories live. Discover now