KABANATA 30

341 7 0
                                    

Kabanata 30

Last

--

"Hindi mo ba ilalagay sa locker mo 'yan?" si Sarah habang tinitingnan ang napaka rami kong dalang libro.

Hindi ako sumagot. Inaayos ko pa 'yon sa braso ko para hindi malaglag.

"Hindi mo naman na yata 'yan kailangan sa mga susunod mong klase. Ba't mo pa dala?"

"Dadalhin ko sa bahay."

"Oh? E, mamaya pa naman ang uwian? Pinapahirapan mo ang sarili mo. Why don't you put it in your locker first?"

Ayokong pumunta sa locker. Ilang araw na akong hindi pumupunta do'n.

Hinarap ko si Sarah. Papunta kami ngayon sa cafeteria. Nagkita lang kami sa hallway. I haven't told her what happened yet and right now, I don't seem to be able to keep my problem to myself. Kung ano ano na ang naiisip ko at pakiramdam ko kailangan ko nang ilabas 'yon.

"W-What?" kumunot ang noo ni Sarah at halata agad ang iritasyon sa kanyang mukha.

Hindi ko siya tiningnan. Sinabi ko na sa kanya ang lahat. Nasa isa sa mga bench kami ng field. I'm shocked I didn't cry. Siguro napagod na ako kagabi. At ayoko na ring umiyak.

"Okay. I know Vince is a playboy but you seriously believed Monica?" parang napaka laking pagkakamali ang nagawa ko sa tono ni Sarah.

Hindi ako nagsalita. Tumingin lang ako sa kawalan. Hindi ganong marami ang students dito kaya dito ko naisipang pag usapan 'to. And the air is also refreshing. It helps me relax.

"Issa!" inalog ako ni Sarah para mapatingin ako sa kanya.

Tiningnan ko siya. "Akala ko kilala mo si Vince? That he's a playboy? Sobrang lala? Malala pa sa ex mong si Marco?" nanginig ang boses ko, parang kinukumbinsi rin ang sariling gano'n nga.

"Yes! But--," bahagya siyang natawa, I saw no humor in it. "Playboy si Vince pero kilala natin si Monica. She's worse more than anything! You know that!"

Hindi ako nakapag salita.

"And yet you believed her? My gosh, Issa! Dapat nga hindi mo 'yon ginawang big deal dahil alam nating dalawa na baliw lang talaga ang babaeng 'yon! She's crazy over the things that are yours!"

She's right. My heart hurt.

"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin? Ilang araw tayong nagkakasama, tapos wala manlang akong kaalam alam na may problema ka na pala! Hindi manlang kita nadamayan! I'm busy but you know I can make time for you. I will listen!"

Nangilid ang luha sa mga mata ko. I don't want to look weak so I remained my face cold.

"Marco told me na ngayon ang alis ni Vince. Aalis na siya mamaya! What are you going to do about it? Hindi pa kayo nakakapag usap nang maayos!" naghihisterya na si Sarah.

She stood up and walked back and forth, tila nag iisip ng pwedeng gawin.

Alam ko 'yon. At alam ko rin kung saan sila sasakay ng Mama niya. Pwede kong puntahan. Pwede akong magpaalam.

I closed my eyes tightly and covered my face with both hands. I don't know what to do. What should I do?

Naging sila ni Monica, Issa! Huwag mong kalimutan 'yon! Niloko ka niya. Niligawan niya si Monica noon. Katulad lang din siya ni Joaquin. Or maybe he’s even worse than Joaquin! My mind keep on saying that to me.

Mas lalo akong pumikit nang mariin. Para akong mababaliw. Nag aaway ang dalawang 'yon sa utak ko. Isa, ang pumipigil sa akin, at ang pangalawa naman ang tumutulak sa akin, sinasabi na habulin ko si Vince. That we should talk about it. Bago manlang sana siya umalis.

Forgotten Letters (Agravante Series #4)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu