KABANATA 41

378 11 2
                                    

Kabanata 41

Remember

--

Kahit na kabado, naglakas loob pa rin akong lumapit kay Vince na tahimik lang akong pinagmamasdan doon. Dumeretso ako sa mga gamit ko sa lounger at nilagpasan siya.

"What are you doing here?" I asked and picked up my towel.

Akala ko ba hindi na kami magkikita pa? Anong ginagawa niya rito? Nalaman niya na ang pangalan ko, 'diba? Ang sabi niya titigilan niya na ako sa oras na malaman ang pangalan ko.

Humarap siya sa akin. Nagkatinginan kami. His jaw clenched and his eyes drifted down my body slowly. Tumikhim ako. His eyes then bore to me again.

"May gusto akong malaman," he said coldly.

Tinigil ko ang pagpupunas at pagod na bumuntong hininga. Binaba ko ang mga kamay kong nagpupunas sa aking buhok.

"What else do you want to know? I already told you my name."

"Kilala mo ba ang asawa ko?"

Natigilan ako roon. Hindi agad ako nakasagot. Bakit siya magkakaroon ng konklusyon na kilala ko si Monica? May naalala na ba siya?

"I remember something... someone..." sinagot niya ang tanong sa utak ko.

Kumalabog ang puso ko sa tuwa. Ngunit hindi ko pinahalata 'yon. Anong naalala niya? Si Monica ba? O... ako?

"Some faces that... looks like you and... my wife... Maxine..."

Parang nagbabara ang lalamunan ko. Hindi pa rin ako nakapag salita. Nakatitig lang kami sa isa't isa.

"In the kitchen... I don't know where that place is and which house is it. I saw you... and Maxine. It's vague but... I'm sure. It's you two," he said.

Huminga ako nang malalim at nag iwas ng tingin sa kanya. "Bakit hindi ang asawa mo ang tanungin mo?"

"Pumunta ako rito para ikaw ang tanungin."

"Bakit ako?" tiningnan ko siya.

Hindi siya sumagot.

"Bakit hindi ang asawa mo?"

Ilang sandali pa siyang hindi nagsalita, nakatitig lamang sa akin.

"Because I don't feel anything with her. Sayo... may kakaiba akong nararamdaman," malamig niyang sinabi.

Natawa ako. Binaba ko ang aking tuwalya sa lounger at naglakad paikot doon.

"Hindi ka ba mahilig sa mga teleserye? Sa mga palabas sa tv?" mapaglaro kong tanong habang mabagal na naglalakad papunta sa lounger, papunta sa likuran niya. "Ang mga may amnesia na kagaya mo, unang naaalala ay ang past nila. Tatakbo sa nakaraan, iiwan ang kasalukuyan..."

Tumingin siya sa akin, seryoso ang mga mata. Ngumisi ako at hinawakan ang kanyang likuran.

"Masasaktan ang asawa mo. At huli mo nang mapagtatanto na siya pala talaga ang tunay mong mahal..."

I felt the reaction of his body when I touched his arm. It was hard and even harder when I touched it. He didn't face me, nanatili siyang nakatalikod. I smirked.

"Bumalik ka na sainyo. At ang asawa mo ang tanungin mo," sabi ko at tatalikod na sana para bumalik sa resort.

His firm hand suddenly held my wrist. Marahas niya akong binalik sa kanya at kung hindi ko lang pinigilan ang sarili'y baka sumubsob na ako sa kanyang dibdib! My eyes widened, shocked and not expecting that! Wala nang kasing bilis ang puso ko at natatakot ako na baka naririnig niya 'yon!

Forgotten Letters (Agravante Series #4)Where stories live. Discover now