KABANATA 15

336 10 2
                                    

Kabanata 15

Ink

--

"Hindi talaga ako titigil hanggat hindi ko napapa amin ang isang 'yan," bulong bulong ni Lorie habang naghihintay kami sa opisina ni Dad.

"Anong oras maayos pa ang mga papeles, Issa?" tanong ni Dad na nasa table.

"Bago mag dinner, maayos pa 'yon, Dad. Pagbalik ko, wala na..."

"Nadaanan ko ang kwarto mo kanina at bukas ang pintuan, Ate. Ako ang huling bumaba," si Lorie.

"Why are you leaving your door open? You should always lock your door, I said, right?" kunot noong sinabi ni Dad sa akin.

"Yeah, I know. Pagkakamali ko 'yon..." sabi ko.

He sighed and turned to Lorie.

"When you saw your sister's door open, did you see that the papers were ruined?"

"No. Hindi naman ako sumilip. Napansin ko lang na bukas tapos dere deretso na ako pababa."

Saktong may kumatok sa pintuan at pumasok doon sina Mommy at Monica. She's smiling but when she saw me and Lorie sitting on the sofa, her smile immediately faded.

"Ikaw!" tumayo agad si Lorie at tinuro si Monica.

"Loreleil!" saway ko at tumayo na rin.

"What's wrong?" Mom asked.

Si Dad ang sumagot.

"Louissa's important papers were ruined. She left her door open and when she came back after dinner, naabutan niya nalang na sira sira na ang mga papel."

"What?" gulat na tanong ni Mom.

"Yes. And now, I want to know who did it. Halatang sinadya because there's also an ink in the papers. Lorie and Monica, kayong dalawa ang huling bumaba para sa dinner."

"I didn't do it, obviously! Siguradong 'yang babae na 'yan ang may gawa!" duro ni Lorie kay Monica.

"Lorie!" mariin kong bulong at binaba ang kamay niya. "Don't be so immature. Let's talk about this properly!"

Matalim ang titig niya kay Monica. While Monica's eyes widened.

"I didn't do it, too!" she said.

"Oh, come on! You're the only one who can do that! Don't even pretend, you jealous thief!"

"Loreleil!" galit na sigaw ni Dad.

"Dad, come on! Sino pa bang gagawa no'n kay Ate? Ate has been preparing that papers for a long time because she wanted Lolo to be proud! Tapos may sisira lang? And how funny na ngayon lang nangyari 'to kung kailan nandito ka?" binalingan niya si Monica.

Pumikit ako at napaupo na lamang ulit sa sofa. Nangingilid ang luha sa mga mata ko dahil nag aalala at kinakabahan pa rin ako sa magiging reaksyon ni Lolo kapag nalaman niyang nabigo kong gawin ang simpleng mga papeles lang.

Simple lang 'yon, Issa! Ba't hindi mo pa nagawa? At naiiyak din ako kasi kahit kailan hindi ko ginustong mag fail. Iyon ang pinaka iniiwasan ko. Iyon ang pinaka ayaw ko.

"I didn't do anything! Mom..." binalingan ng naiiyak na agad na si Monica si Mom.

"Don't be so dramatic. Sa harap nina Mom at Dad para kang pusang takot na takot pero sa tuwing wala sila at nasa harap ka na namin kulang nalang lumabas mata mo sa pagtataray!"

Nilingon ni Monica si Lorie dahil sa sinabi niya.

"Ano?!" hamon ni Lorie.

"Lorie, that's enough. What's wrong with you? We can talk about this properly," Mom said.

Forgotten Letters (Agravante Series #4)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz