KABANATA 4

508 10 4
                                    

Kabanata 4

Stay

--

Pinanood ko kung paano unti unting kumunot ang noo ni Lorie nang naririnig ang ingay sa may pool area. Papunta kami ngayon sa table na palagi kong tinatambayan. Wala pa man ay nakikita ko na ang iritasyon sa mukha niya.

Pareho naman talaga kaming naiirita kay Monica pero pansin ko lang nitong mga nakaraang araw, simula nung umuwi siya, mas lalong naging malala ang pagiging moody niya. Madali na siyang magalit sa mga simpleng bagay. Hindi ko alam kung may naging problema ba siya roon sa lugar na 'yon o sadyang ganito na talaga siya.

"Nandito na naman si Monica?" she asked.

"Yes. Obviously."

"Paano tayo makakapag review kung merong maiingay?" pagkatapos niyang sabihin 'yon ay unti unti siyang naglakad palapit sa pool.

"Lorie," pigil ko dahil may pakiramdam ako sa balak niyang gawin.

Matagal na kaming naiirita pareho rito. It's always like this whenever we want to relax. Halos buong likod ang sakop ni Monica at mga kaibigan niya dahil sa ingay nila. Walang lugar kung saan pwede kang makapag pahinga.

I also wanted Monica to leave but not in this way. I know my sister. She doesn't have that good manners when it comes to such things. Wala siyang pakialam sa iisipin ng mga tao sa kanya basta ang gusto niya, ay gusto niya.

"Excuse me?" humalukipkip si Lorie at tumigil sa paglalakad.

Napatingin sa amin ang halos sampu yatang mga babae at lalaki roon. Sama sama sila sa mga table namin sa tapat ng swimming pool at 'yong iba ay nagsuswimming pa sa pool. Ang mga kasambahay na naglalagay ng napaka raming pagkain ay natatarantang umalis nang nakita kaming dalawa ni Lorie.

"H-Hi, Loreleil!" natatarantang kaway ng isang babae.

Ni hindi siya binalingan ni Lorie.

"Yes, Lorie?" nagtaas ng isang kilay si Monica na nasa may table at humalukipkip din.

"Oh, please, don't call me by that name. We're not close."

Napawi ang ngisi ni Monica sa sinabing 'yon ni Lorie at napatingin sa mga kaibigan niyang natahimik at nagbulungan.

"Monica, I thought you guys treat each other as sisters?" narinig ko pang bulong ng isang babae.

I also saw Vince in their group. He's wearing a white shirt and shorts. Magulo na naman ang kanyang buhok at puro mga babae ang kasama sa tapat ng table na kinatatayuan niya. Nakita kong nilalapag niya sa table ang chips na kinakain kanina.

Pilit na tumawa si Monica sa pagkapahiya. "Lorie, naman... My friends are here. Gusto mo ipakilala kita sa kanila?"

"No thanks. Kung aalis kayo, mas magugustuhan ko pa."

Mas lalong nagbulungan. Napakurap kurap si Monica.

Bumuntong hininga ako at wala nalang sinabi. Sobra na rin kasi 'to. Pamamahay namin 'to tapos kami pa ang hindi makapag pahinga.

"Lorie, ano bang prob--"

"Can't you see? Magre-review kami pero hindi namin magawa dahil sa ingay ninyo. Kayo ba wala kayong balak mag aral? The exam is coming up. I don't care about all of you but you really have no plans in your life but to party? At dito pa talaga kayo lagi sa bahay namin? Hindi kayo nahihiya?"

"Lorie--"

"Aalis kayo o gusto mo pa lalong mapahiya?"

Halatang halata na ang iritasyon sa mukha ni Monica at magsasalita na sana siya nang magbulungan ang kanyang mga kaibigan.

Forgotten Letters (Agravante Series #4)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ