KABANATA 17

362 12 2
                                    

Kabanata 17

Ever

--

Bago pa man ako makapag salita para mapa alis na si Vince dito, sumabog na ang pintuan ng clinic dahilan para manlaki ang mga mata ko. Nagtatakbo ang mga pinsan ko sa akin na nag aalala at agad agad akong hinawalan sa kahit saan! Medyo napatabi pa si Vince dahil tinulak siya ni Lorie para maharap ako.

"Issa! Ayos ka lang ba?" si Mina na totoong nag aalala.

"We heard you fainted!? Gosh! Ano bang nangyari?" Johanna said, medyo oa.

"This is the first time! Are you really okay? Should I call Mom and Dad?" isa pa 'tong oa na si Lorie.

"Uh..." si Cassandra lang ang nakapansin kay Vince sa gilid.

Sabay sabay silang napatingin kay Vince. Nag iba agad ang timpla sa mukha ni Lorie nang nakita siya.

"What is he doing here? Kaibigan 'to ni Monica, right?"

"Monica?!"

Nanlalaki ang mga mata ni Johanna nang bumaling sa akin.

"Oh, gosh. Don't tell me ang Monica na 'yan ang dahilan kung ba't ka nandito?!"

"Who the hell is Monica?" kunot noong tanong ni Cassandra.

"Tss. Huwag nga kayong oa!" sabi ko.

"May lagnat siya kaya siya nahimatay at sobrang init din kanina dahil lunch time 'yon nung naglalakad siya sa field," si Vince na ang nagpaliwanag.

Bumuntong hininga ako at napahawak sa noo sa kahihiyan.

"Sabi na nga ba mangyayari 'to. Hindi na maganda lagay mo kagabi dahil sa nangyari," Lorie said and shook her head.

"What happened?" kuryosong sabay sabay na tanong ng mga pinsan ko.

Nakita ko ring kumunot ang noo ni Vince at napatingin sa akin, parang gusto ring malaman kung ano ang nangyari.

Tumikhim ako at iniba agad ang usapan.

"Huwag na kayong mag alala. Ayos na ako. Iinom nalang ng gamot."

"Gosh! Nag alala ako, ah! Last subject na naming lahat ngayon pero um-absent kaming lahat nang nabalitaan namin ang nangyari sayo!" si Johanna.

Last subject na? Ang tagal ko palang nakatulog.

"I'm fine now. Bumalik na kayo sa mga klase niyo."

Umiling si Cassandra.

"Nagpaalam na silang lahat at alam na ng mga teachers 'yon. Pinayagan silang apat na bantayan ka."

"Tss. Kayong lahat? May lagnat lang ako."

"Still!" si Lorie.

Umirap ako at bumaling kay Vince na tahimik. Tumikhim ako dahil talagang naririnig niya lahat ng 'to.

"Maayos na ako. Nandito na ang mga pinsan ko at siguradong hindi nila ako hahayaang hindi uminom ng gamot. You can leave now," malamig kong sinabi.

Natahimik ang mga pinsan ko roon. Ilang sandali kaming nagkatinginan ni Vince hanggang sa ako ang unang bumitaw. Napaka seryoso ng mga mata niya. Hindi ako sanay.

"Make sure that she will take her medicines. Kailangan niya 'yon. Excuse me," bago umalis at naiwan na kaming lima roon.

Sinundan ko siya ng tingin habang umaalis. Gusto kong humabol para makapag pasalamat ulit ngunit hindi ko na ginawa. Pina alala ko nalang sa sarili ko na nakapag pasalamat naman na ako kanina at sapat na 'yon.

Forgotten Letters (Agravante Series #4)Where stories live. Discover now