"Andiyan na daw ba siya?" Tanong ni Aimee.

"On the way na daw kanina nung nag-text ako, eh nasa village palang tayo non." Kwento ni Irene.

"Ahhh, baka dun na siya dumerecho after work." Bong.

"Parang ganon na nga." Liza.

Habang lilinga-linga sila ay tumunog naman ang telepono ni Irene at nang buksan niya ito ay sinabi na nasa isang kainan ito.

"Ako nalang ang pupunta sa kanya." Sabi ni Irene.

"Sige, dito ka din naman babalik kung sakali eh, kaya dine ka nalang din namin iintayin." Sabi ni Imee sa kanya.

Hinawakan naman ni Bong ang braso ni Irene upang tanungin ito. "Sigurado ka?"

Tumango naman si Irene bilang sagot dito. "Okay na ko kuya, buo na ang desisyon ko." Naka-ngiting sabi ni Irene bago iwanan ang mga kapatid.

Nang marating niya ang nasabing restaurant ay agad na niya itong nakita kaya naman dali-dali na niya itong nilapitan.

"Long time no see." Naka-ngiting bungad niya.

"Bakit naman sa dinami-dami nang pwede nating pagkitaan dine pa?" Tanong ni Greggy. "Ano ba kasi yung importanteng sasabihin mo?"

Bago nag-salita si Irene ay kinuha niya muna ang kamay ni Greggy at hinawakan. "Gusto ko lang sanang mag-paalam sayo." Pag-uumpisa ni Irene.

"Huh?" Naguguluhang tanongni Greggy. "A-anong mag-papaalam?"

"Sigurado naman akong pinuntaha ka na ni Isabel kahapon." Sabi ni Irene.

Hindi naman naka-sagot si Greggy kaya tama ang nasa isip ni Irene.

"D-dahil ba sa kanya?" Tanong ni Greggy. "Wala n, iniwan ko na siya. Matagal ko na siyang kinalimutan. Gumagawa n anga ko ng paraan para magka-ayos tayo."

"Huh? Talaga?" Tanong ni Irene.

"Oo. Inaayos ko lang lahat ng problema sa kumpanya sa ngyon." Greggy.

"Alam mo Greg, huwag mo nang sayangin pa ang panahon mo sakin. Kung ako sayo, mas paglalaananko na ng oras si Isabel at ang magiging anak mo."

"P-pero Ir-----"

"Minsan ka nalan ulit magiging tatay, huwag mo nang sayangin ang pagkakkataong ito. Minsan na sating ipinag-kait ng tadhana ang mga ganitong bagay kay Maria, ayokong isa nanamang bata ang mawalan ng kalinga ng ama habang lumalaki."

"P-pwede naman nating palakihin ang bat ng tayong dalawa, ung yun ang gusto mo."

"Tapos iiwanan mo si Isabel ng ganon lang? Greggy, huwag mo nang sayangin ang pag-kakataong to. Kung ang pamilya natin, hindi mabuo-buo...... kahit man lang sa kanya, buuin mo. Tutal, hindi na rin naman tayo kasal hindi ba?"

"P-paano ang mga bata?" Tanong ni Greggy.

"Ako na ang bahalang magpa-liwanag sa kanila sa mga nangyare."

"Irene." Tawag ni Greggy sa kanya.

"Nandito lang naman ako, para tapusin na ang lahat. Dalawin mo yung mga bata sa oras na gusto mo. Ako naman, dun na muna ko sa UK para makalimot."

"Bakit ba kasi kailangan mong makalimot? Hindi na ba talaga natin maayos to?" Tanong ni Greggy.

"Greggy, masyado nang huli ang lahat. Pagod na rin ang puso kong mag-hintay. Sabi ko nuon, iintayin kita. Pero ano? Walang Greggy na dumating, tapos malalaman ko na buntis pala si Isabel." Sabi ni Irene at agad na pinunasan ang kanyang mga luha dahil ayaw na niya itong mag-tuloy.

"H-hindi ko alam."

"Kaya nga, kailangan mong bumawi! Kung ako ang nasa kalagayan ng bata ngayon? Kamumuhian kita! Greggy, mabuti kang ama, ipakita mo sana yon sa magiging anak niyo ni Isabel."

"Papaano ka?" Tanong ni Greggy.

"Ako? Kaya ko ang sarili ko." Naka-ngiting sabi ni Irene. "Kaya nga nagpapaalam ako sayo, kasi gusto ko bago ko tuluyang umalis ng bansa..... ikaw man lang ang huling makita. Ko, bukod sa pamilya ko." Naka-ngiting sabi ni Irene. "Sa ngayon, hindi ako okay... pero pasasaa pa't magiging ayos din ako."

Hindi na nag-dalawang isip pa si Greggy at dali-dali na itong tumayo at niyakap si Irene na nasa kanyang harapan. Ganon din naman ang ginawa ni Irene at niyakap rin siya ng napaka higpit habang may luha sa mga mata nilang dalawa.

"Last call for flight A3198 to London. Again, last call for flight A3198 to London."

"That's my flight na." Sabi ni Irene kay Greggy na hanggang ngayon ay ayaw siyang biatawan.

"Please stay." Bulong ni Greggy.

"Greg."

"Please." Sabi nito ng pakawalan si Irene.

Nag-lalakad na palayo si Irene ngunit nang lingunin niya si Greggy ay may parang bumulong sa kanya na muli niya itong yakapin. Kaya naman kahit na malapit na siya sa kanyang mga kapatid ay muli siyang bumalik kay Greggy upang yakapin itong muli sa huling pagkakataon. Niyakap niya ito ng mahigpit na mahigpit at isang mabilis na yakap.

"Thank you for everything. Thank you for all your love, and thank you for being a part for almost half of my life."

Nang makapag-paalam kina Bong ay agad na siyang tumakbo patungo sa kanyang gate dahil siya nalang din ang iniinta na pasahero.

Hindi pa man nakaka-lipad ang eroplano ni Irene ay tumunog na ang telepono ni Greggy.


Irene Araneta...

"We will see each other again. If not in this life, then in another. We will get it right in another lifetime. Thank you so much for everything mi amore."

~END

The Araneta FamilyWhere stories live. Discover now