Prologue

3.4K 67 14
                                    

Ang pamilyang Araneta ay isa sa tinitingalang pamilya sa buong bansa ng Pilipinas. Dahilan din ito ng kanilang sobrang yaman dahil sa sobrang lalaki ng negosyong hawak ni Gregorio, na asawa ni Irene na anak ng dating pangulo ng Pilipinas. Mag-mula ng mag-isang dibdib ang dalawa ay mas pinili nilang mag-karon ng pribadong buhay ngunit hindi sila nag-tagumpay. Bukod sa nasa politika ang dalawang kapatid ni Irene ay hindi  din pwedeng patago-tago si Greggy dahil malalaking mga tao din ang kanyang hinaharap dahil sa kanyang negosyo. Ngayon ay mayrong apat na anak ang dalawa. Dalawang lalaki at kambal na babae. Hindi naging madali sa dalawa ang kanilang buhay kahit pa mayaman sila dahil hindi biro ang mag-karon ng sunod-sunod na anak, lalo na ngayon na halos pitong taon nang hindi nasisilayan ni Irene at ni Greggy ang kanilang bunsong anak, na nawawala pitong taon na ang naka-lilipas.

"Mom, gising na ba ang daddy?" Tanong ni Celestina, ang bunso sa kanilang kambal.

"Nung bumaba ako kanina tulog pa, sandali at tatawagin ko na para maka-sabay satin." Sabi ni Irene habang hinuhubad ang kanyang apron.

"Good morning mom!" Masayang bati ni Alfonso kay Irene.

Si Alfonso ang  panganay sa limang mag-kakapatid na Araneta. Isang taon lang ang pagitan nito kay Luis at isang taon lang din naman ang tada ni Luis sa kanyang mga naka-babatang kapatid na kambal.

"Good morning." Naka-ngiting sabi ni Irene habang sinasalubong ito dahil patungo din naman siya sa taas. "Hmm, si Luis?" Tanong ni Irene.

"Hindi pa po ata tapos mag-bihis." Sagot nito.

"Oh siya, maupo ka na don at ako na ang tatawag sa kanila." Sabi ni Irene habang tinatapik ang balikat ni Alfonso.

Una niyang pinuntahan si Luis sa kwarto at sakto namang palabas na ito kaya inutusan nalang niyang mag-tungo na ito sa kusina. Sunod naman niyang pinuntahan ang kwarto ni Victoria at nakita niya na nag-aayos palang ito ng mga gamit.

"Ano na? Malelate na kayo oh." Naka pameywang na sabi ni Irene mula sa pinto ng kwarto nito.

"Eto na po, inaayos ko lang naman eh." Natatawang sabi ni Victoria sabay suot ng kanyang bag at iniwan na si Irene dahil dali-dali na itong bumaba.

Pag-pasok ni Irene sa kwarto ay gaya ng inaasahan niya, tulog parin si Greggy.

"Greggy." Mahinang tawag ni Irene dito.

"Hmmm."

"Gregorio, bumangon ka na diyan at kanina ka pa hinihintay ng mga bata!" Inis na sabi ni Irene.

Sa tono ng boses ni Irene at sa tawag nito sa kanyang pangalan ay alam na niya na hindi na din itong magtya-tyaga pang gisingin sya at iiwan na din siya. Kaya naman agad na siyang tumayo at dali-daling tumungo sa banyo upang mag-hilamos.

Sa mga gantong usapin lamang nakakapag-usap ang dalawa dahil mag-mula ng mawala ang bunso nilang si Maria ay nawalan na ng gana si Irene na kausapin si Greggy dahil sa sama nito ng loob sa asawa.

"Daddy?" Tanong ni Victoria kay Irene ng matanaw si Irene na hindi kasama si Greggy.

"Pababa na. Pinauna lang ako." Sabi ni Irene habang nag-hihila ng upuan.

The Araneta FamilyWhere stories live. Discover now