Araneta Companies big night.

641 24 0
                                    

Halos isang buwan na ang nakalilipas mag-mula ng magbalik Pilipinas sila mula California. Aminin man ni Irene at Greggy o hindi ay masasabi nila na malaki ang pinag-bago ni Alfonso. Lalo itong naging independent at ngayon ay halos hindi na umaasa sa allowance na ibinibigay ng dalawa dahil dalawa na silang nag-tutulong ni Chloe sa pag nenegosyo. Dahil hindi pa naman ganong kalakihan ang tiyan ni Chloe ay maliksi parin ito sa pag-kilos at hindi pa ganong hirap. Lalo na ngayon na tinutulungan din siya ni Alfonso sa kanyang ginagawang live selling kaya pati ang mga kaibigan nila Irene ay natutuwa dito. Lumabas ang balita tungkol sa nangyareng eskandalo ng dalawa ngunit dahil wala namang pakealam si Chloe at Alfonso dito ay hindi narin ito pinakealaman nina Irene at nanahimik nalang kaya naman mabilis lang ding nawala ang issue tungkol dito. Gaya nang naging reaksyon ni Irene at Greggy ay nagulat din ang iba nilang kamag-anak ng malaman ang tungkol dito. Dahil sa sobrang ka-excitedan ni Irene ay hindi pa man nila alam ang gender nito ngunit panay na siya bili ng mga gagamitin nito. Halos makumpleto na ni Irene ang mga gamit pang-bata ng kanyang apo kahit na matagal-tagal pa ito bago lumabas.

"Ang kuya niyo?" Tanong ni Irene habang nag-hahain ng pagkain.

"Asa bahay pa ata, tatawagan ko na." Sabi ni Greggy.

"Andito na kami dad." Sabi ni Alfonso nakapapasok lang ng bahay kasama si Chloe.

"Maupo na kayo at nang maka-kain na tayo." Sabi naman ni Irene.

Nang matapos mag-dasal ay agad na silang nagsi-kain.

"Isa sa makaka-tanggap ng award bukas ay ang kumpanya. Gusto ko andon kayong lahat kapag tinanggap ko yung award." Sabi ni Greggy.

"Really dad?" Masayang tanong ni Tine.

"Yeah, kaya talagang pinilit kong makapag-dinner kasama kayo para masabi ko sa inyo ang balita personally." Sabi ni Greggy.

Habang kumakain ay nag-kwentuhan pa sila habang si Irene naman ay nakikinig lang sa kwentuhan ng mga bata. Nang matapos ay agad na nag-tulong ang kambal sa pag-liligpit ng kanilang mga pinagkainan.

"Ano bang bago?" Tanong ni Greggy kay Luis.

"Wala dad, eh hindi naman tayo naka-bili ng bala non sa Cali eh." Sabi naman ni Luis.

"Tsaka madalang na din kasi silang mag-laro niyan." Sabi naman ni Irene na naka-higa isnag sofa.

"Bakit?" Tanong ni Greggy.

"Busy." Sabi ni Luis.

"Hmmm." Sabi ni Greggy habang salubong ang kilay. "Busy saan? Kay Celine?" Tanong ni Greggy.

"Ganon na nga dad." Sabi naman ni Victoria.

"Oh ngayon, mag-laro muna tayo. Halika muna Alfonso." Sabi nito nang makita si Alfonso na palabas ng kusina.

"Pass muna ko dad. Uuwi na kami ni Chloe." Sabi niya.

"Sige mag-laro ka muna, sumunod ka nalang mamaya." Sabi ni Chloe.

"Diba mag-live pa tayo?"

"Oo, pero kaya ko naman mag-isa kaya sumunod ka nalang."

"Hindi na, tara na." Sabi niya sabay kuha ng kamay ni Chloe at nag-paalam bago tuluyang umalis.

"Bukas maka-lawa wala na kong kalaro." Sabi ni Greggy.

The Araneta FamilyWhere stories live. Discover now