Dalawampu't lima

754 24 0
                                    

Mag-mula ng umalis ang mga bata sa Pinas ay naging busy na si Greggy sa kanyang kumpanya at si Irene naman ay naging busy din sa pag-tulong at pag-suporta sa pag-takbo ng kanyang mga kapatid sa daratig na eleksyon. Halos bilang lang sa daliri ni Irene kung ilang beses silang nagka-usap ni Greggy sa text at mag-mula nang huli nilang pag-kikita nang ihatid ang ga bata sa airport ay hindi na rin sila nagka-kita pang muli maski na usap man lang sa tawag. Gaya nang mga ilang araw na dumaan ay maaga nanamang gumising si Irene dahl sasama siyang muli sa caravn ng kanyang mga kapatid.

Palabas na sana siya patungo sa bahay nina Bong ngunit nagulat siya nang may makita siyang letter na naka-ipit sa kanyang gate. Sa itsura nito, ay mukang kahapon pa ito naka-ipit don at hindi na niya napansin nung siya'y umuwi nuong isang gabi dahil sa kanyang sobrang pagod. Iitsura palang ng labas nito ay alam na niya agad ang nilalaman nito. Gayun pa man ay binuklat niya parin ito, at di siya nagka-mali sa nilalaman nito. Ito na nga ang kanilang annulment papers ni Greggy na nagpapa-walang bisa lang naman ng kanilang kasal. Hindi na niya namalayang tumulo na ang kanyang luha dahil sa halo-halong emosyon. Isa dito ang kanyang pagka-inis kay Greggy dahil hindi man nga lang siya tinawagan o binalitaan man lang nito na naka-labas na pala ang kanilang annulment. Masakit man ngunit itinigil na niya ang kanyang drama at minabuti nalang na tunguhin na ng bahay nina Bong na kanina pa nag-aantay sa kanya.

"Kumain ka na?" Tanong ni Imee sa kanya na kararating lang din at nagkakape.

"Coffee?" Tanong ni Liza sa kanya.

Tumango lang naman si Irene kay Liza bilang sagot nito. Agad namang nagka-tinginan si Imee at Irene dahil alam na din naman nila ang tungkol sa annulment ng dalawa dahil nga kaibigan ni. Liza ang abogado ni Irene dito. Sa ngayon ay iniintay nalang nila na si Irene nalang mismo ang mag-kwento sa kanila kaysa sila ang mag-bukas ng usaping ito.

"Si Bonget?" Tanong ni Irene.

"Andon sa garden." Turo ni Liza.

Agad namang lumabas si Irene at tinungo si Bong. Dahil sa sobrang chismosa nang dalawa ay dinungaw nila si Bong at Irene mula sa bintana ng kanilang kusina.

"Bonget!" Tawag ni Irene dito na dapat aasarin lang ngunit ang kanyang boses ay nahaluan ng pag-pigil ng luha.

Agad namang ibinuka ni Bong ang kanyang dalawang kamay habnag papalapit si Irene sa kanya. Hindi na rin napigilan pa ni Irene ang kanyang mga luha nang makita si Bong at dali-dali niya itong niyakap ng mahigpit. Habang nag-uubos ng luha si Irene ay panay lang anag hagod ni Bong sa likod nito.

"Huwag ka na muna kaya sumama?" Tanong ni Bong sa kanya.

Bumitaw naman si Irene sa yakapan ng dalawa at nag-punas ng luha.

"Ano ka ba? Wala to ano." Sabi nito."Okay na ulit ako." Nak-ngiting sabi ni Irene sa kanya.

"Are you sure?" Tanong ni Bong.

"Oo, lalo lang akong malulungkot kung hindi akoo malilibang at iiwanan niyo ko."

Wala nang nagawa si Bong kaya isinama nalang din niya ito gaya nang unang plano nila, ngunit hindi rin nama niya inalis ang tingin dito lalo na ni Imee. Kahit na alam nila na nasasaktan ito ay ngumi-ngiti parin ito sa taong bayan at kinakamayan parin ang mga taga-supora ng kanyang mga kapatid. Para sa kanilang mga nakaka-alam ay iisipin mo talaga na pilit lang ang kanyang mga ibinibigay na ngiti, ngunnit para sa hindi nakaka-alam ng kanyang pinag-dadaanan ng mga oras na yon ay iisipin mo na ganito lang talga si Irene. Nang matapos ang kanilang pangangampanya ay agad na nilang hinatid si Imee sa bahay nila ni Rodrigo at si Irene naman ay pinakiusapan ni Bong at Liza na manatili muna sa bahay nila upang may kasama rin ito kahit na hanggang sa matapos lang muna ang eleksyon.

"Bukas ba yung sa Pangasinan niyo?" Tanong ni Liza sa kanila.

"Oo. Hindi ba kasama ka don?" Tanong ni Bong.

"Susunod nalang siguro ko? May emergency meeting kasi sa opisina eh." Paiwanag ni Liza habang isinasalansan ang kanilang mga pinag-kainan.

"Ahhh, sige. Kasama ko naman yung dalawa eh. Kung hindi ka aabot kahit huwag ka na tumuloy para hindi ka na mapagod." Sabi ni Bong sa kanya.

"Hello?" Tanong ni Irene nang may tumawag sa kanya.

Nanahimik naman ang mag-asawa upang pasimpleng makinig sa usapan ni Irene at ng kabilang linya.

"Sino yon?" Bulong na tanong ni Liza kay Bong.

"Hindi ko nga marinig eh." Sabi ni Bong.

Tanging "hello" lang naman ang narinig ng dalawa. Dahil mula nang sagutin ito ni Irene hanggang sa matapos ang usapan ay hindi na nila mulingnarinig na nag-salita si Irene hanggang sa ibaba na nito ang telepono.

"Bonget, Liza, akyat na ko." Paalam ni Irene sa kanila na nasa labas na ng kusina.

Hindi man nakita ng dalawa ang mga muka ni Irene na lumuluha ngunit alam nila na umiiyak ito dahil iba na agad ang boses ni Irene, at sigurado si Bong na ganito ang boses niya sa tuwing umiiyak ito kaya alam nila na muli itong umiyak.

"S-sige." Tanging sagot ni Bong sa kanya.

Kinabukasan ay maaga siyang nagising ngunit hindi dahil sa kanilang kampanya ang dahilan ng kanyang paggising ng maaga.

"Bonget, okay lang bang hindi na muna ko sumama?" Tanong ni Irene sa kanya habang may hawak na tasa ng kape.

"Oo namna, mamahinga ka nalang muna diyan. Kami nalang muna ni Imee ang bahala." Sabi nito.

"May importante di kasi kong pupuntahan." Sabi ni Irene.

"Saan?" Tanong ni Liza.

"May mga aayusin lang ako, tsaka baka kitain ko si Atty. Marcelo."

"Hindi ba yun yung abogadong may hawak ng kaso ni Isabel?" Tanong ni Bong.

"Oo."

"May problema ba?" Tanong ni Liza.

"W-wala naman, may mga importanteng bagay lang daw siyang ididisscus sakin."

"Gusto mo samahan kita?" Tanong ni Liza.

"Nako hindi na. Sandali lang din naman ako tapos babalik na ko dito at gusto ko din namang mamahinga."

Maraming-maraming salamat sa inyong patuloy na pag-suporta at pag-tangkilik sa aking mga istorya. Nawa'y nandiyan patuloy niy pa rin akon suportahan hanggang ngayon saking bagong istoryang ito. Feel Free to comment ur thoughts! Again, tysm! And mag-iingat kayo lagi!

The Araneta FamilyOnde as histórias ganham vida. Descobre agora