Labing-dalawa

821 29 5
                                    

"Napandaan po kayo?"  Sabi ni Irene habang sinasalubong ang magulang ng beso.

"Sinabi kasi ni Aimee na nabawi niyo na daw si Maria, kaya inaya ko yang mommy mo." Paliwanag ni Macoy.

Agad din namang tumayo ang mga bata at isa-isang nag-mano sa dalawa.

"Ria, this is your lolo Macoy and mama Meldy." Pag-papakilala ni Irene dito ng lumapit si Maria.

Agad din namang nag-mano si Maria sa dalawa at bnigyan ito ng matamis na ngiti.

"Kiss lolo." Sabi ni Ferdinand tsaka. Ito yumuko upang maabot siya ni Maria.

Agad naman siyang binigyan ng halik ni Maria sa kaliwang pisngi.

"Huwag na huwag mong tatawaging lola ang mama Meldy mo. Ayaw na ayaw niyang tinatawag na lola." Sabi ni Ferdinand.

"Ano nanaman ang sinasabi mo sa bata!" Inis na sabi ni Imelda tsaka ito hinampas sa balikat.

"Ano? Wala naman akong sinasabi." Natatawang sabi ni Ferdinand.

"Halika nga dito apo." Sabi ni Imelda tsaka nito niyakap si Maria.

"Join us mom." Sabi ni Grreggy sa dalawa.

Agad din namang kumuha si Irene ng dalawang plato upang maka-salo sa kanila ang dalawa.

"Hija, sino ka?" Tanong ni Imelda ng makita si Isabel na naka-upo sa harap ni Irene.

Hindi alam ni Greggy ang kanyang isasagot dahil hindi naman siya handa na ipakilala si Isabel sa lahat sa ganitong klaseng sitwasyon.

"Girlfriend po ata ni tito Greggy." Sagot naman ni Maria na ikinagulat ng lahat.

"Tito Greggy? Bakit hindi daddy?" Natatawang tanong ni Victoria.

"Girlfriend?" Tanong ni Imelda.

"Hindi ko po sure kung girlfriend o asawa eh." Maria.

Parang gusto namang magpa-kain ni Greggy sa lupa sa sobrang hiya.

"Bakit mo naman nasabi yan?" Tanong ni Macoy.

"Kasi po, sila mag-kasamang tumira sa bahay. Eh si tita Irene naman po mag-isa dito, kaya baka po." Inosenteng kwento ni Maria dito.

Tumingin lamang si Macoy at Imelda kay Irene dahil sa pagka-gulat sa mga sinabi ni Maria tungkol sa kanilang dalawa. Tumango lang naman si Irene bilang sagot dahil alam na niya ang ibig-sabihin ng mga ganitong titig ng kanyang ama't ina.

"Saan naka-tira anag mga bata?" Tanong ni Imelda.

"Kami po ni kuya Luis dito kay mommy, tapos sila Tine naman po nandun kay daddy." Victoria.

"Kelan pa to?" Tanong ni Macoy.

"Paano na ngayon? Andiyan na si Maria?" Tanong naman ni Imelda.

"Aba ehh kung hindi lang din naman pala kayo mag-sasama, ibalik niyo nalang si Maria sa mga kumupop sa kanya. Duon, buo ang pamilya niya. Edi parang ang nangyari lang, kinuha niyo siya ulit upang malipat sa isang broken family." Macoy.

The Araneta FamilyWhere stories live. Discover now