Labing-siyam

760 30 8
                                    

"Mag-banlaw ka na muna." Utos ni Chloe dito.

"Mamaya na, intayin ko na sila Tine para may kasama ka dito."

"Dali na at baka sipunin ka pa!"

Sakto namang palabas na si Victoria at katatapos lang mag-banlaw kaya naman pumasok na den si Alfonso upang siya naman ang makapag-banlaw.

"Happy birthday!" Bati nito tsaka niyakap si Chloe.

"Thankk you." Naka-ngiting sagot ni Chloe.

"Uhm, actually.. kasalanan ko talaga kung bakit naging epic yung surprise eh." Natatawang sabi ni Victoria.

"Hahahaahahaha bakit naman kasi may mga surprise pa?" Natatawang tanong ni Chloe.

"Eh para namang hindi mo kilala si kuya."
___________________________________________________

"Bilisan mo, at nang tulungan natin yung dalawa." Sabi ni Irene kay Greggy.

"Iyan naman kasing anak mo, wala man lang pasab hahahahahaha." Sabi naman ni Greggy. "Panay ang dala ng babae dine sa bahay wala man lang pasabi."

"Hmmm, nag-mana lang naman sayo iyan eh."

"Hindi kaya no!"

"Kahit itanong ko pa sa mga mommy?" Tanong ni Irene. "Kamusta na nga pala ang mga mommy?"

Lumapit si Greggy kay Irene. "Actually, hinahanap na nga tayo eh." Sabi nito.

Huli na ng marealize ni Irene na sabay na pala silang naliligo ni Greggy.

"Greggy!" Sigaw ni Irene saba takip neto ng katawan.

Agad naman siyang tinawanan ni Greggy.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?!" Inis na sabi ni Irene sabay hampassa asawa.

"Kahit naman kasi takpan mo yan, eh ilang beses ko na dn namang nakita yan." Natatawang sabi naman ni Greggy.

"Lumabas ka!" Sigaw muli ni Irene dito.

Unti-unting lumalapit si Greggy dito habang si Irene naman ay paatras ng paatras hanggang sa madikit na siya sa pader at ma-corner na ni Greggy.

"Ano nanamang binabalak mo?!"

Nagulat naman siya ng halikan siya ng mariin ni Greggy hanggang sa hindi na siya maka-hinga.

"Nag-mamadali ang mga bata!" Sabi nito sabay muling hampas sa balikat ni Greggy.

"Bilisan mo na diyan at tara na." Sabi naman ni Greggy bago ito lumabas ng banyo at nag-bihis.

Maya-maya pa ay kasunod na niya si Irene kaya naman sabay na silang bumaba upang tulungan sa pag-aayos ang mga bata.

"Bakit naman kasi hindi mo sinabi samin agad ng dad mo na dito pala mag-cecelebrate ng birthday si Chloe? Edi sana napag-handa natin siya." Sabi ni Irene habang inaayos ang iba pang mga decoration na binili ni Alfonso.

The Araneta FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon