Pito

791 29 2
                                    

Sinadya ni Tine at Fonso na magpa-tanghali gising upang hindi na sila maka-kain ng almusal at sa daan nalang kumain.

"Dad, tara na." Aya ni Tine dito.

"Eto na, eto na." Sabi ni Greggy habang nag-mamadaling uminom ng tubig. "Bye hon." Sabi ni Greggy sabay halik nito kay Isabel bago umalis.

Umabot naman ang dalawasa klase kahit na medyo late na silang nagising.

"Kumain kayo ng marami mamayang lunch ha!" Sigaw na bilin ni Greggy dito habang papasok ng gate.

Tumango lang naman ang dalawa bilang sagot dito tsaka na sila tuluyang iniwan ni Greggy. Hindi na din naman kalayuan ang opisina ni Greggy sa iskwelahan ng mga bata kaya agad dn siyang naka-pasok sa opisina. Agad niyang hinarap ang kanyang tambak na trabaho upang maaga siyang matapos. Halos alas quatroo na din ng matapos siya at ngayon ay namamahinga nalang siya habang hinihintay ang kanyang inorder na pagkain dahil hindi pa din siya nag-hahapunan. Maya-maya pa ay kinatok na siya ng kanyang secretary upang ibigay ang kanyang pagkain at agad na din siyang kumain. Ngayon ay inaayos na niya ang kanyang mga gamit upang maka-uwi na din siya.

"Sir." Tawag ng kanyang secretary habang kumakatok ito.

"Hindi ba ako ang asawa niyan? Bakit hindi mo ako papasukin?" Inis na sabi ni Irene.

Agad namang naagaw ang atensyon niya nang marinig ang inis na boses ni Irene.

"Sige na Grace, iwan mo na kami." Sabi niya dito.

Tiningna naman ni Greggy si Irene na para bang tinatanong niya it kung ano kailagan nito.

"Tumawag si William kay Aimee. Pumayag daw si Veronica na magpa-test ngayon." Nag-mamadaling sabi ni Irene.

"Talaga?" Tanong ni Greggy.

"Oo, kaya tara na at papunta na sila sa clinic." Nag-mamadaling sabi ni Irene.

Pag-baba nila sa basement ay nagula si Greggy ng makita si Aimee at Julian na nasa unahan ng sasakyan.

"Sinundo lang din namin si ate nung tumawag sakin si William." Kwento ni Aimee dahil nakikita niya ang pagka-gulat ni Greggy sa mga pang-yayaring ito.

Nang marating ang clinic na napag-usapan nila kung saan gagawin ang test sa kanila ay agadna bumungad sa kanila si William at Veronica.

"Si Bettina?" Tanong ni Irene kay William.

"Masama ang pakiramdam eh." Sagot naman ni William.

"Hi tita." Nakangiting bati ni Veronica sa kanila.

"Hi!" Masayang bati naman ni Aimee.

Lumapit si Irene dito at lumuhod upang mapantayan ito. "Salamat sa pag-payag mo." Naka-ngiting sabi ni Irene.

"Start na tayo?" Tanong ni Dr. Cruz sa kanila.

"Oh, halika na." Naka-ngiting aya ni Irene kay Veronica.

Mabilis lang ang ginawang test sa kanila ngunit madilim na din nang lumabas sila sa clinic dahil nag-tagal sila sa mga discussion.

The Araneta FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon