Apat

757 35 0
                                    

Habang nasa byahe ay tumunog ang telepono ni Greggy. Iniiwasan man ni Irene na tingnan ito ngunit talagang nalingon niya ito at nakita ang lumabas na text sa screen ni Greggy. Natingin naman si Greggy kay Irene dahil alam niyang naapetuhan ito sa nabasang text message.

"Malapit ka na pala talagang umalis. Good for you." Sabi ni Irene habang nakatingin sa bintana.

"Huwag mo na munang intindihin yon."

"Eh mukang ikaw nalang din naman ang iniintay ni Isabel sa paglipat niyo eh."

Hindi na nakipag-talo pa si Greggy kaya hanggang a maka-uwi ay hindi sila nag-ikibuang dalawa.

"Ano? Ako na ba ang mag-aayos ng gamit mo?" Tanong ni Irene habang paakyat sila sa kwarto.

"Irene pwede ba? Pareho tayong pagod." Sabi ni Greggy.

"Bakit? Minamasama mo nanaman ang sinasabi ko? Ipag-iimpake na nga kita para mapa-bilis na ang pag-sasama niyo ni Isabel eh."

"At papaano ang mga bata?"

"Edi sila ang tanungin mo kung maiiwan ba sila dito o sasama sila sayo. Ay pero hindi! Baka mamaya kawawain lang nung kabit mo ang mga bata."

"Bakit? Ao ba tingin mo kay Isabel? Ganong klaseng tao? At sa tingin mo hahayaan ko ding apihin niya ang mga bata?"

"Aba eh papaano kung ganon nga?"

"Sige, bukas na bukas kakausapin ko ang mga bata at tatanungin ko kung san sila sasama. Diyan ka na matulog at dun na ako sa sala!" Inis na sabi ni Greggy ngunit ng pababa na siya ay bigla siyang natigilan dahil naka-rinig ito ng iyak.

Agad namang nagka-tinginan ang dalawa dahil pati sila ay nagulat at sigurado sila na ang kambal iyon.

"Mag-hihiwalay na kayo?" Tanong ni Ceestine sa dalawa habang umiiyak na galing sa kanilang veranda.

"A-anong ginagawa niyo diyan?" Tanong naman ni Irene.

"Sa veranda kasi kami sabay-sabay na nag-dinner. Patulog na sana kami, pero sadly bago kami tumungo sa kwarto eh narinig namin kayo." Sabi ni Alfonso in his sarcastic voice.

"Oo, mag-hihiwalay na kami ng mom niyo. Lilipat lang ako sa isang maliit na bahay sa kabilang village para madadalaw ko paren kayo lagi." Sabi naman ni Greggy.

"Dad, sasama ko." Sabi ni Celestine kay Greggy.

"Ako din dad, isama mo ko." Sabi naman ni Alfonso.

"Dito nalang kayo, pupuntahan ko din naman kayo lagi." Paliwanag ni Greggy dito.

"Eh dad, gusto ko talaga sumama sayo." Celestine.

"Tine, dito nalang kayo ni Fonso. Sabi nga ng dad mo, dadalwin naman niya kayo." Paliwang ni Irene habang nag-pipigil ng luha.

"Pero mom, walang kasama si dad. Ikaw, andiyan si kuya tsaka si ate Victoria. Kaya please kay dad nalang kami." Umiiyak na sabi ni Tine.

The Araneta FamilyWhere stories live. Discover now