Christmas Eve

793 32 8
                                    

"Mag-palit kayo." Utos ni Irene sa mga bata na ngayon ay iniintay nalang sila ni Maria par sa pag-punta ina Imelda.

"Bakit mom? Di po ba red naman talaga tayo every Christmas Eve?" Tanong ni Victoria.

"Yan lang ba mom?" Tanong ni Luis kay Irene.

"Oo, nandiyan na lahat." Sagot naman niya. "Yung sa inyo ba?" Tanong niya.

"Naisakay na po namin yung mga gifts namin." Sagot naman ni Tine.

"Mom oh." Sabay abot ni Maria ng paperbag na puti kay Irene.

"Suot mo nga yung hood." Utos ni Tine kay Maria.

Agad namang inangat ni Maria ang hood ng kanyang onesie at agad na natuwa ang apat dahil sa ka-cutan ng kanilang kapatid na naka-suot ng pulang dinosaur onesie.

"Oh, mag-palit kayo." Sabay abot ni Irene sa kanila ng paper bag na may lamang onesie na kagaya kay Maria.

"Hahahahahahaha ang cute!" Natatawang sabi ni Tine habang binubuklat ito.

"Sige mom, magbibihis lang kami." Sabi naman ni Alfonso.

"Dalian niyo at nandun na daw ang mga tito niyo."

Bumababa palang ng hagdan ang apat na dinosaur ay natigilan na sila ng makita ang kanilang ina.

"Really mom?" Tumatawang sabi ni Luis.

"What?"

"I can't believe this is happening!" Sabi ni Victoria habang tumatakbo pababa ng hagdan.

"Kaninong ideya to?" Tanong naman ni Alfonso.

Ngumiti lang naman si Maria dahil dito.

"Great job!" Natatawang sabi naman ni Tine kay Maria.

"Oh tara na mga baby dinosaur, magsi-sakay na kayo sa sasakyan at nang maka-alis na tayo."

"Mom!!! Ang harot!" Natatawang sabi ni Luis sa kanya.

"Don't be such a KJ kuya!" Natatawang sabi naman ni Maria.

"Okay, sorry. Hindi na po KJ." Sabi naman niya.

Ngayon ay inaayos nalang ni Irene ang parada ng kanyang sasakyan upang maka-parada din ng ayos sina Aimee pag dating nila dito.

"Ayan na pala si dad eh." Sabi ni Alfonso na naka-tingin sa gilid.

Agad namang binuksan ni Greggy ang pinto ng sasakyan ni Irene upang maka-baba ang mga bata.

"Ayos ah, mga dinosaur?" Natatawang sab ni Geggy pag-bukas niya ng pinto.

"Daddy, oh." Sabi ni Maria sabay abot ng isang paper bag.

"Ano to?" Natatawang tanong naman ni Greggy.

"Isuot mo." Utos ni Irene ng maka-baba siya ng sasakyan.

"Ikaw din?" Natatwang tanong ni Greggy nang makita ang suot ni Irene.

"Oo, at ikaw din, kaya sumakay ka na at mag-bihis." Sabi ni Irene habang itinutulak si Greggy papasok ng sasakyan.

The Araneta FamilyWhere stories live. Discover now