Dalawampu

663 30 2
                                    

Ngayon ay kagagaling lang nila sa misa at umakain sila sa isang karederia na palagi nilang kinakainan nuon sa tuwing makakatapos sila ng misa.

"Dad......" malambing na sabi ni Luis.

Sa tono ng boses nito ay alam na agad niya na may kailangan ito kaya naman napa-hinga na siya ng malalim bago niya ito sagutin. Napatawa lang naman si Irene dahil alam din niya na may hihilingin ito sa ama kapag ganito na ang tono ng boses.

"Ano nanaman yon?" Naka-kunot noong sabi ni Greggy.

"Galit agad dad?" Victoria.

"Wala pa nga eh hahahaahahaha." Sabi naman ni Maria.

"Ano kasi yon?" Tanong muli ni Greggy.

"Diba dad, malapit na birhday ko and---"

"Luis sa isang buwan pa ang birthday mo!" Napapa-iling na sabi ni Greggy.

Agad naman siyang hinampas sa balikat ni Irene.

"Aray!"

"Patapusin mo muna kasi!" Sabi naman ni Irene.

"Oh ano yon?" Mataray na tanong ni Greggy kay Luis.

"Eh diba legal age na po ko non, so baka naman po pwedeng magpunta naman tayo sa San Francisco at dalawin naman natin sila lola? Namimiss ko na kasi sila eh, and gusto ko po sana na dun tayo mag-celebrate ng birtthday ko. Sinabi ko lang po ng maaga para maayos niyo po yung schedule niyo sa office."

Nagulat naman ang mag-asawa dahil hindi naman nila inexpect na ganito ang hihilingin ni Luis para sa kanyang kaarawan. Tuminin lang naman si Irne kay Greggy at iniintay lang din ang magiging sagot nito.

"Sige." Makling sagot ni Greggy tsaka ito muling nagpa-tuloy sa kanyang pagkain.

"Yes!" Masayang sabi ni Luis.

"San Francisco, here we come!" Masayang sabi naman ni Tine.

"Hashtag, AranetainvadingSanFranciscoOnceAgain!" Sabi naman ni Victoria.

Napapailing nalang talaga ang mag-asawa sa mga pinag-sasasabi ng kanyang mga anak.

"Kuya, pano ba yan?" Sabi ni Tine kay Alfonso habang tumataas-taas ang kanyang magkabilang kilay.

"Haha you lose!" Sabi naman ni Victoria.

"A-anong meron?" Tanong ni Irene.

"Kasi po sabi ni kuya Alfonso, hindi daw po papayag si dad sa gusto ni kuya luis, kaya po nag-pustahan sila na pag napapayag si dad, bibili niya tayo ng tig-iisang mga trench coat, pero kung hindi naman daw po mapapayag ni kuya Luis si dad si kuya Alfonso naman daw po ang ipag-shoshopping ni kuya Luis ng lahat ng gusto niya sa loob ng isang araw." Kwento ni Maria.

"Don't worry mom, kasama kayo ni dad sa ibibili niya ng bagong coat." Luis.

Natawa lang naman muli si Irene at Greggy dahil parang namomroblema na si Alfonso sa kanyang napasok.

"Oh tara na, ngayon na tayo bumili." Sabi ni Irene.

Nanlaki naman ang mga mata ni Alfonso dahil sa sinabi ng kanyang ina. "Ngayon na agad mom?"

"Bakit ayaw mo ba?"

"H-hindi naman po." Sabi ni Alfonso.

"Hindi naman kayo excited?" Tanong ni Greggy dahil halatang-halata na sa muka ng lima ang agka-excite maliban kay Alfonso at Greggy.

Nang matapos silang kumain ay agad na silang tumungo sa pinaka-malapit na mall na along the way lang sa kanilang pag-uwi. Hindi naman talaga sila palabili ng mga designer clothes dahil mas sinusuportahan nila ang mga local business lalo na ang kanilang ina at mama Meldy na unti-unti na ring naa-adapt ng kambal. Nakaka-bili lang sila ng mga designer clothes kapag ganyang mga pang-ginaw na damit ang kanilang kailangan dahil wala namang nanahi na ganito na pinoy dahil sa klima ng pinas.

"Mukang maganda to." Sabi ni Irene sa isang coat na naa-display sa bungad.

"Bets mom." Sabi naman ni Victoria.

"Bets? Anong bets?" Tanong naman ni Greggy.

"Pwede, maganda." Paliwanag ni Tine sa ama.

"Ikaw ba Tine?" Tanong ni Irene.

"Pwede din naman po." Sabi ni Tine.

"Ikaw Maria?"

"Eh mom, yan pa talaga tinanong mo eh alam mo namang parehoo kayo ng taste niyan." Natatawang sabi naman ni Luis.

"Okay, apat kami talo kayo kasi tatlo lang kayo. So kukuha ko ng pito niyan para sating lahat at ako ang mag-babayad. Kaya pumili kayo ng isa pa at si Alfnso ang pag bayarin niyo." Natatawang sabi naman ni Irene.

"Tingnan mo ka! Napaka-tino mo talaga." Sabi ni Greggy dito.

"Syempre, matino ang mga anak eh... edi lalo ang ina." Sabi nito tsaa sila iniwanan.

"Gusto mo ba yan?" Tanong ni Alfonso nang makita nito si Maria na tinitingnan ang isang winter boots.

Ibinaba naman ito ni Maria at ibinalik sa kanyang kinuhanan. "Hindi na kuya, yung trench coat nalang. May boots pa naman po ako dun eh." Sabi ni Maria.

"Sige na, kunin mo. Alam ko namang gusto mo eh."

"Hindi na po, okay na po ako sa coat."

"Oo nga, kunin mo nga tsaka ka mamili ng coat. Halika dali mag-hanap tayo ng size mo." Sabi ni Alfonso tsak ito inakay.

"Ehem dad, baka naman." Pag-paparinig ni Tine sa ama nang makitang sinusukatan ni Alfonso ng boots si Maria.

Lahat naman sila ay kuripot, ngunit iba talaga ang taglay na ka-kuriputan ng kanyang anak na kambal.

"Oo nga dad, baka naman." Singit naman ni Irene.

As usual, dahil gusto ito ng kanyang naunang tatlong Maria, kaya sa huli ay hinayaan niya rin ang mga ito.

"Daig pa natin nag-exchange gift ah." Natatawang sabi ni Alfonso.

"Exchange gift na walang ambag yung kambal! Hahahahahahhahaha!" Sabi ni Luis.

Dahil napansin ni Luis na halos kumpleto na ang kanilang winter outfit ay hinayaan na niyang mamili ng mga sumbrelo at gloves ang kanyang pamilya at siya naman din ang mag-babayad.

"Ang kukuripot!" Sabi ni Irene.

"Hayaan mo na, malay mo sa US pala tayo ililibre." Sabi naman ni Greggy na nag-mamaneho.

"Ay oo nga! Baka dun maka-tikim tayo ng libre." Alfonso.

"Asa." Sabi ni Tine sabay tawa.

Maraming-maraming salamat sa inyong patuloy na pag-suporta at pag-tangkilik sa aking mga istorya. Nawa'y nandiyan patuloy niy pa rin akon suportahan hanggang ngayon saking bagong istoryang ito. Feel Free to comment ur thoughts! Again, tysm! And mag-iingat kayo lagi!

The Araneta FamilyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz