Christmas pt.1

745 31 1
                                    

Nang matapos silang kumain ay naglabas na si Ferdinand ng mga alak mula sa kanyang mahiwagang kabinet kung tawagin ng kanyang anak dahil ssa sobrang dami ng alak na lman nito galing iba't ibang bansa.

"Yun oh, nag-uumpisa na ang daddy." Natatawang sabi ni Bong ng ibaba ni Ferdinand ang mga bote ng ala sa lamesa.

"Oh kayo, kung iinom kayo... dun kayo sa garden uminom. Huwag na kung saan-saan pa." Sabi ni Imee sa mag-pipinsan.

"Dun kayo kumuha ng alak sa bandang itaas, yun ang tinabi ko para sa inyo." Ferdinand.

Agad namang tumayo ang mga bata at namili na ng kanilang alak na nais inumin.

Agad nang nanguna si Bong Bong sa pag-sasalin ng mga alak sa mgabaso.

"Ayang champagne ang inyo ha! Wala nang mag-hahard sa inyong mga babae!" Natatawang paalala ni Greggy.

"At lalong huwag niyong lasingin ang daddy niyo at napaka-kulit. Lalo na nung huling beses na nag-inuman kayo jusko, ang hirap ko." Imelda.

"Makulit lang ba mommy o nag-lalambing?" Tanong naman ni Imee.

"Ime!!! May mga bata." Sabi naman ni Liza.

"Mommy, sguro mas maganda kung dun na kami sa taas." Sabi naman ni Victoria na kungware ay hindi alam ang pinag-uusapan ng matatanda.

"Mabuti pa nga, tatawagin nalang namin ayong tatlo pag uuwi na." Sabi naman ni Aimee.

Nang maka-alis ang tatlo ay muli silang bumalik sa kanilang kwentuhan.

"Hoy Ime, huwag ka nang maki-inom saken at baka mamaya malasing ka nanaman." Bong.

"Tinikman ko lang naman." Imee.

"Eh ganyan din ang sinabi mo nung birthday ni Simon hindi ba?" Irene.

"Oo nga, tapos ang ending kinailangan natin siyang hilahin sa sobrang lasing." Natatawang sabi ni Aimee.

"Oo! Sila ng daddy." Tumatawang sabi naman ni Irene.

"Aba lalo si Bonget, nung nakaraang birthday ni Martin iniwan namin siya ng mga bata sa bahay nila Martin dahil hindi na talaga kayang umuwi." Natatawang kwento ni Liza.

"Mag-aama nga kayo!" Imelda.

"Yan! Si Aimee hahahahahaha kala mo hindi pa kita nakikitag lasing ano? Eh diba umuwi ka nga nung college ng bangenge." Natatawang kwento ulit ni Imee.

"Si Irene nalang ata ang hindi pa natin nakikitang malasing." Sabi ni Ferdinand bago tunggain ang alak sa kanyang baso.

"Tssss! Kung alam niyo lang." napapa-ngiwing sabi ni Greggy.

Agad naman silang napa-tingin kay Greggy kabilang na si Irene.

"Nalasing ka na?" Tumatawang tanong ni Bong.

"Ewan ko diyan." Sabi naman ni Irene.

"Tingnan niyo, hindi na niya maalala sa sobrang kalasingan hahahhahahha"

The Araneta FamilyWhere stories live. Discover now