Labing-apat

665 24 0
                                    

Natutuwa si Irene dahil kahit na mahiyain pa rin si Maria sa kanila minsan ay unti-unti nang napapalagay ang loob nito sa mga kapatid. Madalas niyang naririnig ang lima sa may sala na nag-lalaro ng board games habang nag-kukwentuhan kaya kung minsan ay nakikinig nalang siya sa tawanan ng mga ito at gumagawa ng mga meryenda para sa lima. Kung minsan ay sumasali pa siya. Isa ito sa mga naging bonding sa mag-hapon ng mga bata. Natutuwa rin naman siya dahil kahit papaano ay nababawasan ang paggamit ng mga bata sa kanilang mga gadgets. Ngayon ay naka-tanaw si Irene mula sa Veranda sa mga bata dahil nag-lalaro ito ng kanilang water gun sa may garden.

"Tama na yan, magsi-ahon na kayo at baka magka-sakit pa kayo. Okay na yung ganyang katagal." Saway ni Irene dito dahil mahamog na rin.

Agad namang bumaba si Irene upang asikasuhin ang lima. Kahit na hinanda na nila ang kanilang mga tuwalya ay inaasikaso parin ang mga ito ni Irene.

"Bilisan niyong magsi-ligo at nang maka-kain na tayo."

"Mom, pwede fries?" Tanong ni Maria.

"Wala ata tayong fries eh." Sabi ni Irene habang tumitingi sa ref.

"Mom, mag-pizzanight nalang tayo." Sabi naman ni Tine.

"Oh sige, magpapa-deliver ako at magsi-akyat na kayo at magsi-ligo."

"Yay!" Sabi ni Maria.

"Tine, Victoria, tulungan niyo mag-ayos si Maria ha."

"Opo." Sagot ng dalawa habang paakyat ng hagdan.

Nang matapos ang lima. Ay sabay-sabay silang bumaba at sakto namang nsa labas na si Irene ahil dumating na ang knilang ipina-deliver. Agad din namang lumabas ang dalawang lalaki upang tulungan si Irene sa pag-bibitbit ng kanilang pagkain.

"Masarap ba?" Tanong ni Irene kay Maria habang kumakain sila ng pizza.

"Opo!" Sagot ni Maria na punong-puno na nag bibig.

"Anak, hinay-hinaya lang naman. Baka naman mabilaukan ka na." Natatawang sabi ni Irene dahil ang daming nakain ni Maria.

"Pauwi na dawba si daddy?" Tanong ni Tine.

"Baka, nag-tatanong na ng pasalubong eh." Sagot ni Alfonso dito.

"Ahh, tumawag sa inyo?" Tanong ni Irene.

"Kay kuya lang, kanaina daw pong umaga." Luis.

"Eh hinahanap nga po sila Tine, kaso mga tulog pa eh." Dagdag naman ni Alfonso.

"Ano pinauwi niyo?" Tanong ni Irene.

"Eh sabi ko po, bahala na siya."

"Hmmm, naisip ko lang... ibenta kaya natin tong house tapos bumalik tayo dun sa lumang bahay." Sabi naman ni Irene.

"Why mom?" Tanong ni Victoria.

"Kasi naisip ko lang, ang dami nating malulungkot na memories dito eh." Sabi ni Irene habang naka lagay ang baba sa kanyang kamay.

"eh diba mom marami din naman tayong masasayang memories dito." Tine.

"Oo, pero kasi mas masaya dun sa lumang bahay remember?" Irene.

"Hmmmm, alam naman namin na namimiss mo lang si dad dito eh." Sabi naman ni Alfonso habang kumakain.

Natahimik naman si Irene dahil sa sinabi ni Alfonso.

"Ikaw mom, kung saan ka naman po dun kami." Sabi naman ni Luis.

"Kasi dun sa lumang bahay, atleast puro happy memories namin ng dad niyo ang maalala ko, kaysa dito na nalulungkota talaga ko."

"Sasama na ko sa inyo mom." Tine.

Bigla namang nabuhayan ng loob si Irene dahil sa sinabi ni Tine.

"Talaga?"

"Opo, malungkot din kasi dun sa bahay ni daddy eh. Kasi wala sila Victoria, eh tatlo na silang magka-kasama." Sabi naman ni Tine.

"Ako din mommy, sasama na ko. Sasabihin ko nalang kay daddy na pumunta siya dun every weekend." Alfonso.

"Ano ba yan, pinaluluha niyo naman ako. Hahahahaha." Sabi ni Irene habang nag-pupunas ng kanyang luha.

"Mas masaya din po kasi pag mag-kakasama kaming magkakapatid kahit wala si daddy." Sabi naman ni Victoria.

"Pero mas masaya sana kung nandito ang daddy. Pero masaya na rin naman." Naka-ngiting sabi naman ni Maria.

"Oh, kakausapin ko na ang daddy niyo tungkol dito. Kung hindi siya papayag na ibebenta tong bahay, wag nalang natin ibenta pero lilipat parin tayo." Paliwanag naman ni Irene.

Maraming-maraming salamat sa inyong patuloy na pag-suporta at pag-tangkilik sa aking mga istorya. Nawa'y nandiyan patuloy niy pa rin akon suportahan hanggang ngayon saking bagong istoryang ito. Feel Free to comment ur thoughts! Again, tysm! And mag-iingat kayo lagi!

The Araneta FamilyWhere stories live. Discover now