Back in Manila

572 23 0
                                    

Maaga ang nakuhang oras ni Greggy nang siya'y magpa-rebook dahil ito ang gusto ni Alfonso at nag-aalala din naman sila sa nangyare kay Chloe. Mahaba ang byahe nila ngunit hindi man lang naidlip si Alfonso dahil sa sobrang pag-iisip nito kay Chloe. Sinabi rin kasi sa kanya ni Casey na babalitaan agad siya oras na malaman ang resulta ngunit mag-mula ng ibalita ni Casey sa kanya ang nangyare nung isnag gabi ay hindi na ito muling tumawag. Kahit text ay wala siyang na-recieve mula dito.

"Matulog ka muna." Sabi ni Irene sabay abot ng kamay ni Alfonso na nasa tapat lang niya.

Ngumiti lang naman si Alfonso dito ngunit hindi parin io natulog.

Matapos ang mahabang byahe ay lumapag na ang eroplano nila sa Pinas. Inintay lang nina Irene si Aimee at Julian na masundo sina Luis at ang iba pang mag-kakapatid bago sila tumungo sa parking lot at kunin ang kanilang iniwang sasakyan. Pinauna na nila sa bahay ang mag-kakapatid at ang kanilang mga gamit maliban kay Alfonso dahil sasamahan nila ito ni Greggy na tumungo sa ospital kung saan isinugod si Chloe.

"Alfonso! Kalma!" Sigaw ni Irene sa kanya dahil natanaw niya itong nilalaro ang kanyang kuko na kadalasang ginagawa lamang ni Alfonso tuwing kinakabahan ito o nag-papanic.

"Dad, malayo pa po ba tayo?" Tanong ni Alfonso.

"Sandali lang, eto na tayo sa parking lot oh." Sabi naman ni Greggy na natataranta na din dahil kay Alfonso.

Pag-baba ay inakbayan siya agad ni Irene at nginitian. Habang pumapasok sila sa ospital ay naka-akbay pa rin si Irene dito dahil kumakalma naman kahit papaano si Alfonso. Nang maituro ng nurse ang room number ni Chloe ay natanaw nila si Casey na nasa labas ng pinto habang kausap ang isang nurse.

"Casey!" Sigaw ni Alfonso at dali-dali itong nilapitan. "Anong lagay niya? Ano sabi ng doctor?" Nag-aalalang tanong ni Alfonso.

"Siguro dapat kayo mag-usap." Sabi ni Casey.

"Huh?" Tanong ni Alfonso.

"Si Ana?" Tanong ni Greggy.

"Nag-kaon po kasi ng emergency meeting sa office kaya dun na po sila tumuloy ni ate." Kwento nito. "Ready for discharge na din po pala si Chloe, inuubos nalang yung dextrose na naka-saksak." Sabi ni Casey.

"Gising ba siya?" Tanong ni Alfonso.

"Oo. Pumasok ka na, sigurado kong matuuwa yon pag nakita ka." Casey.

Agad namang pumasok si Alfonso na sinundan din naman agad ng mag-asawa at ni Casey.

"Chloe." Tawag ni Alfonso dito dahilan para lingunin siya nito.

Nang harapin siya nito ay nakita ni Alfonso na may luha ito kaya agad niya itong nilapitan sa kama at dali-daling niyakap. Tumayo din naman si Chloe upang mayakap din niya ng mahigpit si Alfonso habang umiiyak.

"Anong nangyare sayo?" Tanong ni Alfonso.

Nag-punas muna ito ng luha at tumingin muna kina Irene na para bang nag-dadalawang isip mag-salita.

"Ano?" Tanong ni Alfonso.

Yumuko ito at tsaka nag-salita. "I'm sorry." Sabi nito at muling tumulo ang luha.

The Araneta FamilyWhere stories live. Discover now