Bar

779 27 8
                                    

Tanghali na ng magising si Greggy dahil napuyat sila kagabi ni Isabel.

(Nanood po sila ng movies, huwag kayo issue :>)

Nang malingon siya sa kabilang banda ng kwarto ay bumungad sa kanya ang naka-busangot na muka ni Isabel.

"Katanghaliang tapat ganyan ang muka mo?"

"Sino ba namang hindi sisimangot kung makikita mong kayakap ng fiance mo yung asawa niya?" Sabi nito sabay hagis ng telepono na may picture nila ni Irene.

"Isabel, pwede ba? Hindi pa ba tayo tapos dito? Hindi ba tinuloy ko na ang hiwalayan namin? Hindi ba ikaw na ang pakakasalan ko? Ano pa bang kulang na assurance na ikaw na ang mahal ko?" Inis na tanong ni Greggy.

"Aba, malala. Ikaw pa galit ngayon?"

"Sino ba namna kasing hindi magagalit diyan sa ugali mo? Tsaka kelan ba yan? Hindi ba nung isang buwan pa yan? Kailan ba ko nag-propose sayo? Hindi ba ning isang araw lang?"

"Baka nga kaya nag-propose ka eh dahil alam mong may kasalanan ka!"

"Jusko naman Isabel."

"Ano? Sabihin mo sakin ngayon na walang nangyare sa inyo ni Irene nung nasa US kayo!"

"Heto nanaman tayo! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na walang nangyari samin kasi lumalayo kami sa isa't isa!"

"Kilala kita, sa itsura mong yan sigurado kong nagalaw mo na ulit siya."

"Bahala ka nga, kung yan ang nasa isip mo!"

"Ano? Tama ko ano? Ganon kasi ang ginawa mo sa kanya hindi ba? May asawa ka, pero ginalaw mo ko."

"Minsan nakong nag-kamali sa kanya nuon at wala na kong balak ulitin yon dahil ang daming nawala dahil sa kamaliang ginawa kong yon."

"Ahh, so kamalian na ko ngayon?"

"Isabel pwede ba? Kung puro bunganga lang din ang aabutin ko sayo, edi sana natulog nalang ako."

"Ano gusto mo? Matuwa ako?"

"Tssss, malayong-malayo ka nga sa ugali ni Irene."

"Talagang malayo, dahil magka-iba kami. Siya kasi tatanga-tanga!" Sabi nito.

Bigla namang nag-init ang ulo ni Greggy dahil sa sinabi ni Isabel.  "Ano sabi mo?"

Hindi nananakit si Greggy kaya kahit na anong gigil niya ay hindi niya nagawang hawakan man lang si Isabel na dulot ng kanyang pagka-gigil.

"Eto tatandaan mo, hindi talaga kayo magka-pareho ni Irene. Dahil si Irene, hindi selosa at lalong hindi bungangera sa mga gantong bagay. Malaki ang pinag-kaiba niyo. Kaya kahit na mas mahal kita sa kanya, kakayanin kong magalit sayo kung pag-sasalitaan mo lang siya ng ganyan!" Sabi nito sabay labas ng kwarto.

Bumaba na muna si Greggy dahil hindi na niya kaya ang pagka-inis kay Isabel. Alam niya sa loob niya na mahal niya ito at gustong pakasalan, ngunit tila ba may pumipigil sa kanya dahil sa ganitong ugali nito. Sa tagal ng pinag-samahan nila ni Irene ay hindi naging ganito sa kanya si Irene. Kapag si Irene ay nag-tatampo sa kanya, agad itong sinasabi ni Irene. Okaya naman kapag nagagalit o naiinis na si Irene ay malalaman niya ito agad dahil bigla nalang itong tatahimik at sasamaan ng muka. Sa tingin niya ay nasanay nalang din siya kay Irene na ganon at lagi niya ito agad sinusuyo kapag alam niyang may tampo ito sa kanya dahil ganon din naman si Irene sa kanya.

The Araneta FamilyWhere stories live. Discover now