Labing-walo

729 27 8
                                    

Ngayon ay nag-lalaro ng video games ang mag-aama habang si Irene naman ay nag-luluto ng kanilang tanghalian.

"Greg, kumuha nakayo ng dahon ng saging!" Sigaw ni Irene dito.

"Tara na nga, mamaya na yan." Sabi naman ni Greggy.

Agad na kumuha si Greggy at AAlfonso sa labas ng dahon ng saging habang si Victoria naman at Luis ang nag-ayos at nag-linis ng lamesang gagamitin nila sa garden. Si Tine naman ang naiwan sa sala upang ligpitin ang kanilang pinag-laruan at si Maria nama ay katulong ni Irene sa pag-aayos ng kanilang kakainin.

"Andon na yung dahon ng saging, alin ba ang ilalabas?" Tanong ni Greggy.

"Yang kanin, ilatag niyo na." Sabi naman ni Irene.

"Eto din po ba mom, ialalgay na?" Tanong ni Alfonso

"Oo, ilabas mo na din."

"Mom, may itlog na pula?" Tanong ni Maria dito.

"Oo, andiyan sa ref kunin mo at ipa-ayos mo na sa daddy mo. Hahanguin ko lang to tapos susunod na ko don."

"Mommy juice?" Tanong ni Tine sa kanya.

"Ayaw mo ba ng coe anak?" Tanong ni Irene.

"Pwede din naman po."

"Diyan sa ref, kunin mo." Utos naman ni Irene.

Nang matapos ang niluluto ni Irene ay lumabas na din siya upang sabay-sabay na silang kumain. Masaya ang naging kain nila dahil sama-sama silang muli at ngayon lang ulit sila kumain sa dahon ng saging.

"Masarp ba Maria?" Tanong ni Irene.

"Opo." Sagot naman nito.

"Syempre, ang mommy mo nag-luto niyan eh." Pag-mamayabang ni Greggy.

"Ikaw dad, masarap ba?" Tanong naman ni Victoria.

"Ay oo naman!"

"Bakit hindi ka ba nakaka-kain ng ganyan sa inyo?" Tanong ni Irene.

"Hindi mom, kasi puro prito lang naman si ttita Isabel eh." Kwento ni Tine.

"Ganon?" Irene.

"Namimiss ko na nga yung kare-kare mo eh." Natatawang sabi naman ni Greggy.

"Pagka-simba bukas, dumaan tayo sa grocery at nang makapamili tayo." Sabi naman ni Irene.

"Mag-luluto ka mom?" Tanong ni Maria.

"Oo, bakit paborito mo ba yon?" Tanong ni Irene.

"Opo!  Si lola lang po kasi ang nag-luluto non sa baha eh." Kwento ni Maria.

"Ano ba tong mag-aama ko, hindi ko alama kung matatawa ko dahil mga kala mo nag-lilihi o maawa ko dahil hindi nakaka-kain ng kare-kare."

Gaya nang dati ay uling napuno ng tawanan ang kanilang bahay at kahit papaano ay bumalik ang saya nito. Ngayon ay namamahinga sila sa hardin dahil sa sobrang dami nilang mga nakain.

The Araneta FamilyWhere stories live. Discover now