33

128 9 0
                                    

Chapter 33

“Sigi,iwan mo na ako. Sumama kana do'n sa mayaman mong tatay.”

Parang kinukurot ang puso ko nang makita ang kalagayan ni mama. Nakaupo siya sa kanyang kama,yakap yakap ang kanyang mga tuhod habang tumutulo ang kanyang mga luha sa kanya pisngi.

Kaagad akong lumapit at umakyat sa kama. Tumabi ako sa kanya at ipinalibot ang aking mga braso sa kanya. Mahigpit ko siyang niyakap.

“Ma naman... Diba sabi ko sa'yo? Kahit anong mangyari,sa'yo parin ako sasama...” hinalikan ko ang kanyang pisngi.

“Heh! A-alam kong m-mas gusto m-mo ang p-papa mo k-kaysa sa'kin!” Sigaw niya, dahilan para mapangiti ako.

Ramdam ko sa kaloob-looban ko na hindi na naman talaga galit si mama dahil sa nangyari sa kanila ni papa,dalawampung taon na ang nakakalipas.

“Ma,sinabi na ba ni papa sa'yo... na hindi siya nag-asawa dahil iisang babae lang ang minahal niya?” Mapanuya kong tanong kay mama.

Biglang natigilan si mama at parang hindi ma proseso ng kanyang utak ang aking sinabi. Nanatili akong nakangisi habang yakap yakap siya.

“S-sinungaling 'yang papa mo! Alam kong may sarili na siyang pamilya! A-alam ko! N-nakita ko siyang m-may kasamang babae sa mall!”

Mas lalong lumawak ang ngisi ko sa labi nang makompirmang hindi na nga talaga si mama nagagalit sa nangyari sa kanila ni papa,kundi nagagalit si mama sa pag-aakalang may ibang pamilya si papa. Nagseselos siya!

Sa pag-uusap namin kanina ni papa,nalaman ko na walang pinakasalan si papa dahil wala naman daw ibang babae siyang minahal kundi tanging ang mama ko lang.

He also said na paano siya makakapag-asawa kung nasa loob siya ng kulungan sa loob ng labin limang taon?

Ang sabi niya ay nang makalabas siya, inasikaso niya kaagad ang lahat tungkol sa'kin,sa amin ni mama,dahil hindi niya daw iyon nagawa noon dahil ipinakulong niya ang kanyang sarili.

“Ah... 'yon po ba ma? Kapatid niya daw po iyon.” Nakangisi kong saad,dahilan para mas lalong mapahagulhol si mama.

“H-hindi! Nakita ko! Nagyakapan pa nga sila eh! Wag kang basta bastang maniniwala diyan sa papa mo!”

“Ayie...ikaw ma ha... Umamin ka sa'kin ma... hindi kana galit kay papa noh?...” may panunuya sa aking boses.

Tinampal naman ni mama ang aking braso. “At anong ibig mong sabihin diyan?!” Pasigaw niyang tanong,pero halata naman na namumula ang kaniyang mga pisngi.

“Galit ka kasi akala mo may ibang gusto si pa—aray!” natigil ako nang bigla nalang niya akong hampasin sa mukha ng unan.

“Magtigil ka ngang bata ka! Masyadong marumi 'yang utak mo!”

“Ayiiee,si mama kinikilig—ah!” natigil muli ako nang kurutin niya ang tagiliran ko.

“Ang sabihin mo tinutukso mo lang ako,oara hindi ako masyadong masaktan kapag iwan mo na ako at sumama kana do'n sa tatay mo!”

“Ma naman!” saway ko sa kanya. “Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na HINDI NGA KITA IIWAN!”

“Siguraduhin mo lang na bata ka! Alam kong naging masama akong ina sa'yo pero nangako ako na magbabago na ako!”

“Yes po!” nag salute sign pa ako. “I am loyal to commander mama!” pagbibiro ko,dahilan para mabalot ng halakhakan ang buong kwarto.

“Nahahawaan kana niyang boyfriend mo...” panunuya naman ni mama.

“Hindi naman ma...”

“Siguraduhin mo lang na hindi ka muna magpapatira diya—”

“Ma! Ang bastos niyo po! 'Yan siguro ang tinuro sa inyo ni tatay 'no?! Aray!” muli akong napaungol ng hampasin muli ako ni mama ng unan.

“Para sabihin ko sa'yong bata ka,hindi ko in-enjoy ang gabing 'yon! Kaya walang turo turo ang nangyari!” Depensa niya.

“Eh ngayon ka nalang ma magpaturo!” Panunukso ko sabay halakhak.

Kinurot naman ulit ni mama ang tagiliran ko. “Na bata ka talaga! Masyado na akong matanda para diyan!”

“Ay so kung bata ka pa po why not po 'diba?”

“Sinister Flores!” Sigaw niya dahilan para mapahiga ako sa sobrang tawa.

“Why not ma? Look at my dad,he's still handsome! Parang thirties lang ang edad! I'm sure kayang kaya niya pa— ouch!” Kinurot niya ulit ako sa tagiliran.

“Saan mo 'yan natututunang bata ka ha?!”

Muli akong umupo sa kama. “Pero seryoso ma,patawarin niyo na po si papa please?...” I gave her puppy eyes.

Nag-iwas naman kaagad ng tingin si mama. “Hindi iyon ganoon kadali Anak.” Pinahid niya ang isang butil ng luha na tumulo sa kanyang pisngi.

Napasimangot naman kaagad ako. “E ma kahit hindi mo agad siya mapatawad,bigyan mo naman po siya ng chance. Look at him ma! Hindi siya nagpakasal sa ibang babae kasi ikaw lang ang mahal niya! Hindi gaya ng Jerick mo,na nagpakasal na sa iba!” Naitakip ko sa aking bibig ang aking kamay dahil sa nasabi ko.

Patay!

Bumagsak ang mga balikat ni mama bago luhaang tumingin sa'kin. “Hindi mo siya masisisi,ang alam niya,patay na ako.”

“How can you be so sure ma? Malay mo hindi siya agad na naniwala? Or what if hindi yon ang sinabi ng mga magulang niya?”

“Kasi 'diba ma,kung totoong mahal ka niya, hindi siya magpapakasal sa iba!”

“It's been twenty years Sinister! Ano sa tingin mo?”

“Eh... Basta ma.. Give papa another chance ma! Please! Please!...” I begged.

“Fine! Pero hindi ko mapapangakong mapapatawad ko agad siya!”

“Yieee!” sa sobrang saya ay napayakap kaagad ako kay mama.

Hinawakan ko ang kanyang pulsuan at dali dali siyang hinila palabas ng kwarto,papunta sa direksyon pababa ng hagdan.

“Saan mo ako balak dalhin na bata ka?!” giit ni mama.

“Pa! Pa! Pa!...” tawag ko.

Ilang segundo ang lumipas at malakas ma bumukas ang pinto,at humahangos na pumasok si papa doon.

“Jesus Sinister! Akala ko naman kung anong nagyari—Tanya...” natigilan si papa nang makita niya si mama sa tabi ko.

“Ayie ayiee ayiieeeee...” tukso ko sa kanilang dalawa at tinulak tulak pa si mama palapit kay papa.

“Sinister ano ba!” Sigaw ni mama.

“Pa! Sabi ni mama naging crush ka din daw niya!” I yelled excitedly.

“What?!” 'di makapaniwalang sigaw ni mama.

“Kaya nga pa bibigyan ka niya ng Second chance! Kasi crush ka din niya! Sabi pa niya kahit road to fifty kana,ang gwapo gwapo mo parin daw!”

“Sinister!” Saway ni mama dahilan para mapahalakhak ako.

“My girl is happy...” isang baritonong boses ang nagsabi sa likuran ko.

Kaagad naman akong lumingon at agad na niyakap si Nathan. “Pa! Si Nathan po!” Pakilala ko kay Nathan at hinila ito palapit kay Nathan.

“I know this boy,nagtatrabaho siya sa bar na lagi kong pinupuntahan.”

“Nice to see you again,sir.”

Nakipagkamay naman sila sa isa't isa.

“You've got to be kidding me!”

❦︎

Against A Cruel World (Book 1)Where stories live. Discover now