24

99 11 0
                                    

Chapter 24

Nagpakawala ako ng isang mahabang buntong hininga,habang ang aking mga mata ay nakatuon sa pinto ng simbahan.

Naluluha ang mga mata ko habang nakatingin doon,gustong gusto kong pumasok pero kinakain ako ng kaba at hiya.

Hiyang hiya ako sa kanya,nahihiya ako dahil baka sabihin niyang lumalapit lang ako sa kanya porket maayos na ang lahat,at noong hindi ay iniiwasan ko siya.

When I was still a kid,I believe in God, lagi akong nagsisimba kapag linggo. Nagpapasama ako kay Manang Emelia,at sabay kaming nagsisimba.

Kapag may church activities, sumasama ako sa kanya pagkatapos kong sagutan ang mga takdang aralin ko. Lagi akong sumasama at sumasali pa nga ako sa mga choir.

But when I turned sixteen,I stopped believing that God exist. I stopped believing that he can heal,that he can do miracles,that he can help those people who needed his help.

Tumigil ako sa paniniwala na mayroon talagang Diyos,dahil namulat ako sa totoong mundo sa labas.

When I was still a kid,lagi akong nagdadasal sa kanya na tulungan ako. Na pabaitin na si mama sa'kin,na pumunta sa bahay namin ang papa ko at maging isang masaya kaming pamilya. Pero walang nangyari. Sa mga oras na 'yon,unti unti nang nanghihina ang pananampalataya ko sa kanya.

Kinumbinsi ko ang sarili ko na nagpapakatanga lang ako sa kakadasal at kakabumbinsi sa sarili ko na nakikinig siya,dahil ang totoo ay hindi naman talaga.

Ilang beses ko siyang kwinestiyon kung totoo ba talaga siya. Kung totoo talaga na buhay siya ay tulungan niya ako na mahalin ako ni mama. Ilang beses ko siyang hinamon. Pero walang nangyayari. So I stopped believing in him.

Until now.

Ngayon ay parang kinukulit na ako ng konsensiya ko na bumalik na ulit sa kanya. Ramdam ko sa puso ko ang pangamba at pagsisisi  dahil sa pagiging immature ko.

Gusto kong bumalik na sa kanya,pero hindi ko alam kung paano ko iyon gagawin. Hindi ko alam kung paano ako lalapit sa kanya at hihingi ng tawad.

Hiyang hiya ako sa kanya. Napakamakasalanan ko!

“S-Sinister,hija?”

Naikurap ko ang aking mga mata nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Ang boses na ilang taon ko ng 'di naririnig.

Dahan dahan akong lumingon dahil sa kabang nararamdaman,“S-Sister Jean,” tawag ko nang ma-kumpirmang siya nga si Sister Jean.

“Sinister ikaw nga!” puno ng kasiyahan na saad ni Sister Jean at dali daling lumapit sa 'kin at mabilis na ipinalibot ang kanyang mga braso sa akin. “Ang tagal kitang hindi nakita hija!”

“S-sister J-Jean... K-kamusta k-ka p-po?” nanunubig ang aking mga mata habang nakayakap siya sa akin na para bang na-miss niya ako.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin,“Maayos pa naman ako iha, salamat sa Diyos. Ikaw? Kamusta kana hija?”

Parang may humahaplos sa puso ko nang marinig ang tanong niya na puno ng pag-aalala. Hindi ko akalain na sa kabila ng lahat ng nangyari noon at ang pagkawala at hindi ko pagpapakita sa kanila sa loob ng maraming taon ay kaya parin niya akong kausapin at tanungin kung kamusta ba ako.

“S-Sister Jean..” tuluyan nang tumulo ang mga luha sa aking mga mata at kusang yumakap sa kanya ang aking mga braso. “I-I'm sorry po...” wala akong ibang masabi kundi ang salitang ‘sorry’ dahil sa sobrang kahihiyan.

Puro hagulhol ang lumalabas sa aking bibig habang yakap yakap ko ang isang taong naging nanay ko rin noon.

Ang lahat ng nangyari bago ako tuluyang bumitaw sa pananampalataya sa Diyos ay maliwanag pa sa aking isipan.

Against A Cruel World (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon