22

96 9 0
                                    

Note:Places are purely fiction,don't take it seriously po hehe.

Chapter 22

“It was so lonely being away from you,you know?”

Napahinto ako sa pagsubo ng pagkain nang marinig ko ang sinabi niya. Akala ko guni-guni ko lang o nagkamali lang ako ng dinig,pero mali ako,dahil ang titig ng kanyang mga mata ay nagsasabi ng totoo.

“Kasalanan mo!” paninisi ko sa kanya, “dapat kasi nagpakilala ka kaagad sa'kin!” reklamo ko at pilit na isinubo ang kutsara na puno ng pagkain para pigilan ang sariling maluha.

I heared his soft chuckle making my body shiver,“Ang layo layo nang nilipatan niyo,” tumawa siyang muli at nagpatuloy, “buti nalang nagka- branch ang bar ni kuya Rony dito, kung hindi baka nasa San Isidro pa ako.” he chuckled again.

Naisimangot ko naman ang aking mga labi,“Saan ka tumira n-no'ng umalis ka sa inyo?” I asked,guilt being visible on my voice.

Hindi ko maiwasang makonsensiya, lalo pa nang malaman ko ang totoong nangyari kaya hindi niya natupad ang  usapan namin sa sulat. Galit na galit ako sa kanya no'ng mga panahong iyon,kasi akala ko kagaya lang din siya ng iba. Akala ko mapanghusga din siya. Not knowing na matindi rin pala ang pinagdaanan niya.

“Well,like I said,isang taon din akong tumira sa kalsada,but after that, nagtrabaho na ako sa bar ni Kuya Rony,kaya nang makapag-ipon na ako, umupa ako nang murang apartment, do'n ako tumira. When I turned third year,saka na ako pumunta dito.” he explained.

I swallowed the lump on my throat before asking again,“B-bakit pala huminto ka sa pag-aaral?” hindi ko maiwasang magtanong dahil sa kuryusidad.

“Hindi sapat ang perang kinikita ko pang tuition,but I promised myself na mag-aaral ulit ako kapag sapat na ang ipon ko.” he smiled.

I saw sweats dropping down from his forehead down to his red cheeks.

Napangiti ako nang mapansing paiwas iwas siya ng tingin,minsan ay tumitingin siya sa'kin,tapos kapag nahuli ko siyang nakatingin sa'kin, bigla nalang siyang mag-iiwas ng tingin at iinom ng tubig,to the point na nakailang lagay na ng tubig ang waiter sa baso niya.

“Sorry.”

Muli akong napatigil sa pagsubo ng kutsara nang marinig ko ang sinabi niya,agad naman akong nag-angat ng tingin. “For what?” tanong ko.

“K-kasi ikaw...you're already on fourth year. Ilang buwan nalang makakapagtapos kana.” bakas ang lungkot at hiya sa kanyang boses.

Naitaas ko ang aking kilay dahil hindi ko maintindihan kung bakit niya iyan sinasabi. Kung bakit siya nagkakaganyan.

“What do you mean?” tanong kong muli.

“It's just...nakakahiya kasi...ikaw makakapagtapos na,tapos ako...mag thi-third year palang.” aniya,bakas ang lungkot sa kanyang boses.

Halos malaglag ang panga ko dahil sa rason niya. For fucks sake! Hindi ko nga yan naisip eh!

Inabot ko ang tubig sa aking tabi at hindi pinili ang orange juice saka sumimsim doon ng kaunti,bago nagsalita.

“Ano ngayon?” nanlaki ang mga mata niya,marahil hindi inaasahan ang isasagot ko. “Ikaw ang nagturo sa'kin na maging matapang at harapin ang mga problema ko,tapos ngayon sasabihin mo sa'kin yan?” may bahid ng panunumbat sa aking boses.

Umiling naman siya,“I love you,” kumalabog ang puso ko nang marinig ko iyon galing sa kanya,“kaya gusto kong maging disente. I want to have a good profession and job in the future. Para maging proud naman sa'kin ang mga magiging anak natin.”

Muntikan ko ng maiubo ang nginunguya kong vegetable salad dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay mukha na akong kamatis ngayon dahil ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko.

Mabilis kong nilunok ang kinakain ko gamit ang panulak na tubig at binigyan siya ng matalim na tingin.

A playful smile made its way unto his lips. He licked his lower lip before innocently asking,“What...?”

Mas lalo kong tinaliman ang tingin ko sa kanya,“Anong mga anak?!”

A sexy laugh burst out from him making me stun of him for a moment. I can't stop noticing his dimple on his left cheek everytime he laughs,kahit nga na kumakain lang siya,sa pagnguya niya at lumalabas na kaagad ang dimple sa kanyang pisngi.
Pero hindi ko maitatangging mas lalo siyang gumagwapo kapag nakangiti, o tumatawa siya.

“You paled love,” natatawa niyang saad,“You didn't think of us,having babies in the future?” tanong niyang muli,na para bang siya lang ang nakakarinig.

Nag-init ang pisngi pati ang taenga ko,—actually ang buong mukha ko nang mapansing pinagtitinginan kami ng ibang mga tao sa restaurant habang tinataas baba pa ang mga kilay. Like they are teasing me because of what they've heard.

“Sshh!” saway ko sa kanya, “t-tsaka n-no! H-hindi ko pa 'yon naiisip. K-kasi nag-aaral pa ako.” Hindi ko maiwasang mag-iwas sa kanya ng tingin habang sumasagot. Ramdam ko kasi ang mainit niyang pagtitig sa'kin.

“Hindi ko naman sinabi na ngayon na, sabi ko in the future. What I mean about that is when we get married, kapag may matino na akong trabaho. Kapag mapakasalan na kita,kapag may maayos na akong trabaho at kapag nakapagpatayo na tayo ng sarili nating bahay,saka tayo gagawa ng babies.”

“Nathan!” saway ko kasabay ng pandidilat ko ng aking mga mata sa kanya.

Mas lalo siyang humagalpak ng tawa, dahilan para mas lalong magbulong bulungan ang ibang tao sa restaurant habang tumatawa. May iba pang napapa ‘ayiiee’ at ‘sana all’.

“No worries love,I promise,I will only make love to you pagkatapos nating makasal.” aniya at itinaas pa ang kanyang kanang kamay para mangako.

Parang may humahaplos sa puso ko dahil sa kanyang pangako. I feel like the happiest woman alive. But alas, I know,from my experience,promises are meant to be broke.

“P-paano ka naman n-nakakasiguradong a-ako ang papakasalan mo?” nauutal kong tanong,habang pinaglalaruan ang aking mga daliri.

He stopped laughing,as if shock of what he've heard,“I will not wait for six years kung hindi ako siguradong ikaw ang babaeng gusto kong pakasalan.” sa isang iglap lang ay naging malamig ang kanyang boses.

“Finish eating,ihahatid na kita sa inyo,malapit na ang curfew mo kay tita.”

Pilit kong kinagat ang ibaba kong labi dahil sa ka-cute-an niya. Imbes na matakot ako dahil pakiramdam ko galit siya,parang natuwa pa ako dahil bigla niyang pinasok si mama sa usapan. At kung maka ‘tita’ siya,akala mo naman ang close-close na nila ni mama.

“Kainin mo pa 'tong gulay,para magkalaman ang braso mo.” aniya at naglagay ng gabage sa plato ko, dahilan para maisimangot ko ang aking mga labi.

Pero kahit ganoon,naiintindihan ko siya,kaya sinunod ko ang sinabi niya.

“Stop drinking too much sodas for now okey? Ang payat payat mo,baka sabihin ni tita pinapabayaan ko ang anak niya.”

“Here love,eat some fruits,it has a lot of vitamins.”

“Don't eat that!” biglang sigaw niya nang akmang isusubo ko ang chips na kinuha ko mula sa backseat ng kotse.

Kumunot ang noo ko kasabay ng pagtalim ng tingin ko sa kanya na nakaupo sa drivers seat habang nagmamaneho.

“Kanina ka pa,” I sounded like I was threatening him.

I heared him heaved a sigh,as if calming himself. “I-I just want you to be healthy,and eating chips is bad for your health.” aniya.

“Ngayon nga lang ako kakain ng chips bawal pa?Kanina pa ako kain ng kain ng vegetables ah!”

“Kahit na!Nakakabawas yan ng resistensya sa katawan!Baka magkasakit ka niyan,malayo pa naman ako para maalagaan ka!”

Auh!the sweetness of this man!

❦︎


Against A Cruel World (Book 1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें