12

135 12 3
                                    

Chapter 12

"I respect your mom,pero hindi parin tama ang ginawa niya sa'yo"Nathan said as he caressed my hair.

Nasa likod kami ng bar ngayon, pagkatapos ng nangyari ay bahay ay dumiretso na kaagad ako dito.

Hindi ko alam,pero nitong mga nakaraang araw,kapag nalulungkot ako,presensiya niya kaagad ang hanap ko.

Inisip ko na baka dahil siya lang naman talaga ang taong nakakaintindi sa'kin,siya lang naman ang kaibigan ko.

Kwenento ko sa kanya ang nangyari, kwenento ko sa kanya kung bakit ganoon nalang ang galit sa'kin ni mama,at kung anong mga piangdaanan niya ng dahil sa'kin.

"W-wala naman akong kasalanan eh..."patuloy ang paghikbi ko habang yakap yakap niya ako.

Nakaupo kami habang ang ulo ko ay nakasandal sa kanyang dibdib,habang hinahaplos ng kanyang kamay ang aking buhok.

"S-sanggol pa naman ako nun eh... Wala pa akong alam..p-pero bakit gano'n si mama,k-kung ako ang nasa posisyon niya,m-mamahalin ko naman ang magiging anak ko, k-kasi, dugo't laman niya din naman ako eh.. nakakaramdam ako ng g-galit eh.."

Hinaplos niyang muli ang buhok ko, "Sshh,'wag kang magalit sa mama mo, she's still your mother,tsaka,diba sabi mo sumabay siyang kumain sa'yo?" tanong niya,tumango naman ako, "see?siguro pagkatapos ng argumento niyo no'ng mga nakaraang araw, maybe she already decided to be a good mother to you"

Hindi ko maiwasang mamangha sa sinabi niya,kasi kahit gaano pa ka-negatibo ang mga pangyayari, ang lagi niyang pinanghahawakan ay ang pagiging positibo.

Laging positibo ang pananaw niya.

"T-tinanong ko siya eh...tinanong ko kung m-mahirap ba akong m-mahalin, t-tapos sabi niya oo,sabi niya paano niya mamahalin ang isang tao,—n-na sumira sa buhay niya?"pumiyok ang boses ko habang pahigpit ng pahigpit ang hawak ko sa kanyang T-shirt.

"Sshh,hindi ikaw ang sumira sa buhay ng mama mo,your father did,and the family of your mother's lover"

Patuloy siya sa pagsasabi ng mga mabubuting salita,para pagaanin ang loob ko,at gumagana naman kahit papaano,pero hindi ko maikaailang andito parin 'yong sakit,kasi hindi naman 'yon basta bastang mawawala eh.

"Gusto mong puntahan natin sa appartment ko si Nate?"tanong niya na may malawak na ngiti sa kanyang labi.

Tumango naman kaagad ako,"Sigi" sagot ko,para naman kahit papaano ay mabawasan ang kalungkutan at sakit na nararamdaman ko,medyo namimiss kona din kasi si Nate.

Simula kasi no'ng araw na magkasagutan kami ni mama, binilin ko muna si Nate kay Nathan,ayaw ko kasing masaktan na naman ni mama si Nate.

"Lika na"hawak niya ang isang kamay ko habang nakapalibot sa bewan ko ang isa niyang kamay para alalayan akong makatayo.

'di ko nga din siya maintindihan eh, hindi naman ako imbalido para alalayang tumayo.

"Pero teka,"pigil ko sa kanya at nagpaawat nama siya,"diba may trabaho ka?baka magalit ang boss mo"pagpapaalala ko sa kanya habang pinupunas ang mga luha ko sa pisnge.

"No he won't,nakita niya tayo kanina, he just playfully smiled like a jerk" aniya at pinalibot ang kanyang mga mata.

Napailing naman ako habang mahinang tumatawa,isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya,ngumiti nman siya bago ako inakbayan habang naglalakad kami palabas ng bar.

"Hindi mo ba pinabayaan si Nate habang nasa 'yo siya?"tanong ko na may pagbibintang sa boses ko.

He lightly chuckled before looking directly at my eyes,"Kapag ginawa ko 'yon,magagalit ang mommy niya, syempre,I'm being a good dad you know"he said,while there's a playfull smile on his lips again.

Against A Cruel World (Book 1)Where stories live. Discover now