11

118 11 2
                                    

Chapter 11

"M-ma..p-pwede po bang sagutin n-niyo ako?"patuloy ang pagtulo ng mga luha ko pababa sa pisngi ko, "k-kahit ngayon lang ma,k-kahit ngayon lang"may pagmamakaawa sa boses ko.

Hindi parin tumingin sa'kin si mama, nakatungo parin siya,gumalaw ang kamay niya at hinawakan ang plato niya.

Bahagya niya iyong itinulak palayo sa kanya,hindi parin siya nag-a-angat ng tingin,nakatungo parin siya,at doon ko lang napansin na umiiyak na pala siya,nang kay munting patak ng tubig ang bumasa sa mantel na nakapatong sa mesa.

Hindi ako nagsalita,dahil hindi ko rin naman kayang magsalita,masyadong nanginginig ang mga labi ko para makapagsalita pa.

Nanatili akong nakaupo,nakatitig sa kanya,hinihintay siyang magsalita, magpaliwanag,sabihin sa'kin ang totoo,sagutin ang tanong ko,at ganon nalang ang pagkabasag ng puso ko nang sumagot siya.

"O-oo,s-sobrang h-hirap m-mong mahalin"

Namanhid ang puso ko,kumikirot ito, pakiramdam ko naninikip ang puso ko,hindi ako makahinga dahil puro hikbi na ang lumalabas mula sa'kin.

Hindi ko mapigilang mapahigpit ag hawak sa mantel ng mesa,patuloy ang pagtulo ng aking mga luha, nanginginig ang buong katawan ko, lalo na ang mga labi ko dahil sa sakit, dahil sa hapdi.

"I-ikaw ang dahilan,k-kung bakit hindi ako pinakasalan ng l-lalaking mahal ko"

Parang tinutusok ng libo-libong kurayom ang puso ko,parang pinipiga iyon,parang tinapakan iyon,ang sakit, ang hapdi,ang hapdi-hapdi.

"I-isang buwan b-bago ang k-kasal namin,nagsimula akong m-magduwal, d-dahil sa takot ko na b-baka tama ang h-hinala ko,h-hindi ako nagpa check up,pero nang pati sila nanay ay napansin na nila ang pagduduwal ko at pagtaba ko,t-tinanong nila ako, k-kinompronta nila ako,

tinanong n-nila kung m-may nangyari n-na ba sa'min ni J-Jerick,ayokong magsinungaling,pinili kong magtapat kasi pamilya ko naman sila,k-kaya sinabi ko sa kanila ang t-totoong nangyari,

at doon ko pinagsisihan ang lahat, sana pala ay hindi kona sinabi,sana pala ay nagsinungaling nalang ako, dahil kahit ang sarili kong pamilya, p-para sa kanila,m-madumi ako, p-para sa kanila sobrang d-dumi ko, d-dahil nabuntis ako ng isang rapies,

sinubukan kong magpaliwanag sa kanila,na hindi ko sinasadiya,pero hindi sila nakinig" pumiyok ang boses ni mama habang patuloy ang pagsinghap niya.

Napapikit ako,hindi ako makatingin sa kanya ng diretso,nanatili akong tahimik habang hinihintay ang susunod na paliwanag niya.

"Itinakwil nila ako!"bahagyang tumaas ang boses ni mama dahilan para kabahan ako,"tumakbo ako papunta kay Jerick,para humingi ng tulong sa kanya,pumayag siya,kasi sabi niya mahal niya ako at kaya niyang tanggapin ang dinadala ko,

pero ang mga magulang niya ang hindi sumasang-ayon,nagbanta sila, pinapili nila si Jerick,kung ako ba o sila,kapag ako ang pinili niya, mawawalan siya ng mana galing sa pamilya niya,at itatakwil nila siya"

Kaya pala,iniwan siya ng lalaking 'yon dahil buntis siya sa'kin?'yon 'yong dahilan kung bakit sila naghiwalay, dahil ayaw ng lalaking 'yon na mawalan ng ma—

"Pero hindi nagpatinag si Jerick," napatigil ako sa iniisip ko,namuo ang pamamangha sa kaloob looban ko, pero hindi parin nawala ang sakit at hapdi na nararamdaman ko.

"Pinili ako ni Jerick,wala siyang pakialam sa pera at mana,ang sabi niya'y bubukod kami at namumuhay malayo sa kanila,ang sabi niya'y magtatrabaho siya para sa'kin,—para sa'tin,

ang akala namin ay pumayag na sila at patatahimikin na nila kami,p-pero nagkamali ako,dahil isang araw, naaksidente kami habang nakasakay kami sa nirentahan niyang motor, pupunta sana kami sa isang beach para mamasyal,

Against A Cruel World (Book 1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ