28

95 9 0
                                    

Chapter 28

Buong gabi akong hindi nakatulog dahil sa nangyari kahapon. Hindi ko alam kung tama ba o mali ang pagkakabasa ko sa galaw ng mga labi ng lalaki sa gilid ng mall kahapon.

Ang pagkakabasa ko  kasi sa galaw ng mga labi niya,ang sabi niya ay ‘your dad’. Hindi ko alam kung anong iisipin o mararamdaman. Pero kahapon,nang mabasa ko ang labi niya, kumabog ng malakas ang puso ko.

“M-ma.” Tawag ko kay mama na nagtatahi ng palda na binili niya kahapon sa mall. Masyado daw kasing malaki kaya medyo sinisikipan niya.

“Hm?” Sagot ko ni mama na hindi parin nag-aangat ng tingin,at naka focus parin sa tinatahi niya.

“N-nasaan na po ngayon ang papa ko?”

Biglang nahinto si mama sa pagtatahi niya. Napansin kong biglang humigpit ang hawak niya sa karayom at tela na nasa kamay niya. Bumigat din ang kanyang paghinga na tila ba kinakalma ang sarili.

“Bakit mo naman tinatanong?” May bahid ng pagkainis sa boses ni mama na tanong.

“A-ah... W-wala naman po,g-gusto ko lang po itanong. Hehe.” Kinakabahan akong tumawa bago napalunok nang maramdamang hindi nagustuhan ni mama ang tanong ko.

“'‘Wag mo nang hanapin ang hayop mong tatay,masaya na 'yon sa buhay niya ngayon.” Sagot niya pero hindi parin siya nag-aangat ng tingin sa akin.

Pakiramdam ko ay kinukurot ang puso ko dahil sa pagtawag niyang ‘hayop’ sa tatay ko. Siguro nga'y napatawad na niya ako, pero hindi ang tatay ko.

“P-paano niyo po n-nasabing masaya na s-siya? N-nagkita po ba k-kayo uli—”

“Sinabi ng 'wag ka nang magtanong!”

Nanigas ang katawan ko dahil sa biglang sigaw ni mama. Napatayo pa ito mula sa sofang kinauupuan niya.

“S-sorry ma.” Napatungo ako dahil sa kabang nararamdaman ko.

Mukhang napansin ni mama ang gulat ko dahil biglang bumagsak ang kanyang mga balikat at tila pinakalma ang sarili.

“P-pasensiya kana 'nak,ayaw ko lang talagang pinag-uusapan ang t-tatay mo.” Dinig kong saad ni mama.

Tumango naman ako habang pinaglalaruan ang mga daliri ko,pilit kinakalma ang sarili. “S-sorry din po.”

“Oh siya,halika't ipagluluto nalang—” biglang napahinto si mama sa pagsasalita at biglang nasapo ang kanyang ulo. “A-ah!...”

“Ma?” Agad akong naalarma at napatayo dahil sa kaba at kaagad na lumapit sa kanya. “Ma ayos ka lang?” Hinawakan ko siya sa braso at iginiya paupo sa sofa.

“Ikukuwa kita ma ng tubig. Wait lang po.” Agad akong tumayo at nagmadaling kumuha ng tubig sa ref.

Pagkabukas ko ng ref,ganoon nalang ang pagtatakang naramdaman ko ng makakita ako ng isang pakete ng gamot sa loob, katabi ng tubig.

Magtatanong na sana ako,pero kaagad kong binaliwala iyon ng marinig kong muli ang nahihirapang ungol ni mama.

“Ito na ma!”

Agad kong dinampot ang baso sa counter at hinugot mula sa ref ang babasaging pitsel na may lamang tubig.

Pagkarating ko sa sala ay agad akong nagbuhos ng malamig na tubig sa baso at inabot kay mama. Kaagad din naman niya iyong ininom.

“Ma,what happened?” Nag-aalala kong tanong habang hinahaplos ang kanyang likod.

“W-wala 'to 'nak,siguro dahil lang 'yan sa napag-usapan natin tungkol sa tatay mo. Alam mo na,ayaw ko kasi talagang bumabalik ang alaala ko ng gabing 'yon.”

Against A Cruel World (Book 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora