19

94 10 0
                                    

tw:abuse,harassment.

Chapter 19

I was so happy and contented just seeing her everyday,kahit hindi ko siya lapitan basta't nakikita ko siya, sumasaya na ako.

Kaya ngayong umalis na ako sa'min, hindi na kami madalas kung magkita,
lagi akong nale-late sa school,nakatira na ako sa gilid ng kalsada,as a skwater.

Skwater. Iyan ang madalas na itawag sa'kin ng mga tao na nakakakita, simula nang umalis ako sa puder nila tito,tumira na ako sa gilid ng kalsada, I managed to make my own tiny house gamit ang pinagtagpi-tagping gamit.

At the first one week of my life in the street,I find it so difficult,lagi akong napapaaway sa mas malalaking kalalakihan dito,I always get bullied on that one week of my life.

Well,wala namang nagbago,sa bahay palang lagi na akong bugbug sarado sa uncle ko,pero pagkatapos ng isang linggong iyon,natuto na akong lumaban,one thing I learned in my one week life on the street,yun ay ang hindi mo kailangan maging mabait sa mga taong nananakit sa'yo,dahil hindi ka talaga mabubuhay kapag pagiging mabait ang pinairal mo.

Nang gabing umalis ako,kamuntikan pa akong mahuli ni uncle,mabuti nalang at lasing siya nang gabing 'yon, I managed to get a hundred thousand pesos on my parents' cabinet.

Para sa'kin hindi iyon pagnanakaw, dahil pera ko naman dapat 'yon,pera 'yon ng mga magulang ko at dapat na ipapamana nila iyon sa'kin,pero kinuha lang nila uncle.

Sa katunayan,kunting-kunti ang one hundred thousand pesos na kinuha ko,dahil marami pa ang natirang bag ng pera sa closet ng mga magulang ko na inaangkin na ni uncle. At napakarami pa din ng pera na nasa bangko,kaya kulang na kulang at sobra-sobra pa nga ang nakuha ni kumpara sa'kin.

With this amount of money,I'm sure na hindi ito sasapat para matapos ko ang highschool at college,siguro ay hanggang highschool ko lang 'to,so I decided to just leave in the street than leaving on an expensive condo nor an apartment.

Tinatago ko ng maayos ang pera na nakuha ko,at alam ko din na walang may naghihinala na pera ang laman ng bag na pinaglagyan ko,dahil sinigurado ko na luma iyon at mukhang basura para hindi pagkainteresan ng mga magnanakaw.

“Balita ko naglayas ka daw?!” Alex asked,frustration and confusion visible on his face.

I lightly chuckled before nodding,“I have to.” mas gugustuhin kong umalis sa pamamahay na 'yon at malaya akong gawin ang gusto ko.

“Shit!” he cursed,“how did you—how?—saan ka nakatira ngayon?!” pautal utal niyang tanong at ang higpit ng pagkaka-kapit sa gilid ng mesa.

Mahina akong tumawa bago umiling, “Why do you have si many questions?” I raised an eyebrow.

His brows furrowed,“Fuck you!” he cursed again bago tumama ang palad niya sa gilid ng noo ko,sinapak niya ako,“gago ka ba?!natural kaibigan mo'ko!bestfriend!” He yelled as his grip on the fork tightened,na parang gusto niya 'yong itarak sa lalamunan ko.

Hindi ko maiwasang matawa dahil sa over acting niyang mga reaksiyon.

“Akala ko ba nagpapaka good boy ka? Ba't ang dami mong mura?” I teased.

Napasimangot naman kaagad siya bago sumagot,“Kasalanan mo naman! 'Di ka manlang nagsasabi ng mga plano mo sa'kin!Pwede ka naman sa bahay namin tumira!” he yelled.

I rolled my eyes,“Para kang tanga! Tsaka ayaw ko ng idamay pa kayo,if uncle finds out na nakatira ako sa inyo kung sakali man,sigurado akong susugod 'yon doon at pilit akong pauuwiin,siguradong mai-issue na naman kayo lalo pa't sikat ang mga magulang mo.”

Against A Cruel World (Book 1)Where stories live. Discover now