25

103 10 3
                                    

Chapter 25

“Hello baby Nate!” bati ko kay Nate na mabilis namang lumapit sa'kin at nagpaikot-ikot sa aking mga paa at tumahol tahol pa.

“Miss mo'ko baby?” malambing kong tanong sa kanya at agad siyang binuhat. Agad naman siyang tumahol bilang sagot.

Agad akong napalingon nang may tumikhim sa aming likuran,only to find out it's Nathan. “Nagseselos na ako niyan.” aniya habang nakasimangot.

Mabilis ko siyang inirahan. “Iuuwi ko na siya sa'min,” imporma ko. “Nagpaalam na ako kay mama,sabi niya pwede daw,hindi naman daw talaga siya galit sa mga hayop,galit lang talaga siya sa'kin noon.” saad ko at niyakap si Nate.

Pinulot ni Natahan ang panyo kong nahulog sa sahig ng kanyag condo at pinagpag iyon,bago lumapit sa gawi ko at hinagkan ako sa noo.

“Okey na kayo ng mommy mo?” he asked as he incircled his arm on my shoulder,leading me to the sofa on his living room.

“Oo,” masigla kong saad at umupo sa sofa, “actually,gumaganda na buhay ko!” humagikhik ako at sumiksik sa mga braso ni Nathan.

“Hm... Mabuti naman kung gano'n.” Hinagkan niyang muli ang aking pisngi. “I wonder kung gusto din ako ng mama mo?” Tanong niya at tumingala pa sa kisame na para bang nag-iisip.

Alam kong nagdadrama na naman siya at nagpapalambing kaya niya sinasabi ang mga 'yan. Sa loob ng ilang buwan na nakasama ko siya, alam na alam ko na ang style niyang bulok.

“Baby diyan ka muna.” Ihiniga ko si Nate sa sofa at kinumutan siya gamit ang kanyang cute na kumot na may drawing na mga superman. Akmang lilingunin ko si Nathan para yakapin siya,nang agad akong nahinto nang makita ang matalim niyang pagtitig sa'kin.

Kumalabog kaagad ang puso ko nang kakaunti nalang abg distansiya ng kanyang mukha sa akin.

“Tinatawag mong ‘baby’ 'yang si Nate tapos ako Nathan lang ang tawag mo?” Tanong niya na may pagtatampo sa boses.

Nahigit ang aking hininga at kaagad na umatras para bigyan ng distansiya ang isat isa. “T-tinatawag naman kitang love ah! T-tapos ‘babe’,kasi 'yon ang gusto ko.” Napasimangot din tuloy ako dahil sa pagseselos niya. Sa lahat ba naman kasi ng pagseselosan niya ay si Nate pa! Ang tutang siya naman ang nagbigay sa'kin!

Biglang similay ang malawak na ngisi sa kanyang labi,kasabay ng pag taas ng kanyang kilay. “Babe huh?” Tanong niya na may pangtutukso sa kanyang boses.

Kaagad akong nag-iwas ng tingin habang nag-iinit ang aking pisngi. “O-oo,m-mas gusto ko ang b-babe k-kaysa l-love.” patuloy kong iniwas ang aking tingin sa kanya at tumingin na lamang sa tanim na nasa gilid ng pinto papuntang kusina. Malapit na talaga akong magka-crush sa cactus.

“Okey then,whatever you prefer. But for me,I like calling you ‘love’,”he paused before leaning in,he held my jaw and made me face him. “‘my love’.” he continued before capturing my lips.

Pakiramdam ko'y nagising nang muli ang mga paru-parong natutulog sa loob ng tiyan ko at nagsimula na namang magliparan.

Init na init ang aking buong paligid habang ramdam na ramdam ko ang pamamawis ng aking noo. I felt his hand incircled in my waist while he used his other hand to support our weight in the sofa.

His lips moved slowly as his hand on my waist started to rub up and down, sending an unexplainable heat all over my body.

I responded to his kisses with all my heart. Napahawak ako sa kanyang magkabilang braso when his tongue licked my lower lip. Hindi ko alam ang gagawin kaya napatigil ako sa pagbabalik ng halik sa kanya.

Looks like he noticed my confusion at tumigil din siya. Pareho kaming mabibigat ang pahinga at tanging iyon lang ang maririnig sa buong silid,dahilan para mag-init lalo ang aking mukha.

Argh!Nakakahiya!

“When I lick your lower lip,it means you should open your mouth. Understand love?”

I swallowed the lump on my throat as I kindly nodded. Nag-iinit lalo ang pisngi ko dahil sa tinuturo niyang napaka-pilyo.

“Should we try it again love?” Tanong niya na tila ba hindi pa nakontento kanina.

Napalunok ako ulit bago sumagot. “E-eh,p-pa'no pag... M-ma carried away tayo? D-diba sabi mo ano... K-kapag kasal na tayo,s-saka lang tayo mag-aano...”

Pakiramdam ko ay tuluyan ng naging kamatis ang mukha ko dahil sa sobrang pamumula.

Naalala ko kasi ang sinabi niya. Na gagawa lang daw kami ng baby kapag kasal na kami...

Oh God!

Sinabi niyang pagkatapos ng kasal kami gagawa ng baby,pero wala siyang sinabing pagkatapos ng kasal kami mag-a-ano!

“You're face is getting red,” biglang saad niya,dahilan para mapakurap ako at mapatakip ng mukha gamit ang dalawa kong palad. “What are you thinking,huh my love?” Tanong niya at pilit na tinaggal ang kamay kong nakatakip sa aking mukha.

“I don't want to have sex!” sigaw ko habang patuloy na tinatakpan ng aking mga palad ang aking mukha.

I felt his hands left my wrists as I hear silence. Ilang segundo ding natahimik ang paligid bago ko narinig ang malakas at mapang-asar niyang tawa.

Gigil kong tinanggal ang mga kamay ko sa aking mukha at paulit-ulit siyang pinagpapapalo gamit ang aking mga palad.

“Don't laugh at me!” Sigaw ko habang hindi ko padin siya tinitigilang hampasin. When he did not stop laughing,tuluyan na akong napikon.

Tumayo ako at akmang aalis na pero may malalakas na kamay ang humawak sa aking pulsuan at agad akong hinila pababa,pabalik at paupo ulit sa sofa.

“What?!” inis kong sigaw sa kanya.

“What did I told you about having sex? Or making babies?” nakataas kilay niyang tanong dahilan para matigilan ako.

“P-pero ano eh...”

“I told you,I will only make love to you once we're married. What we were doing earlier is called kissing, wala akong balak na gawin ang iniisip mo.” Aniya na wala paring expresyon sa kanyang mukha.

“E-eh p-pano pag ma carried away tayo?!” hindi ko napigilang tanong.

“You mean pa'no kung ma-carried away ka?” Pagtatama niya,dahilan para mas mag-init ang pisngi ko.

“H-hindi!” I denied. Pero ang totoo,sa loob ko,pakiramdam ko'y totoo nga ang sinabi niya. Siguro nga ako ang mukha maki-carried away.

“How can you b-be so sure na h-hindi ikaw ang maki-carried away?!”

“Because I know I can control myself. I respect you,bilang babae at bilang girlfriend ko. Hindi ako gagawin ang isang bagay na alam kong pwedeng sumira sa kinabukasan mo. Hindi kita hahalikan kung alam kong hindi ko mako-control ang sarili ko. Kung sisimulan kita,sisiguraduhin ko na kinaumagahan na tayo matatapos.”

“Nathan!”

Okey na sana eh! Naiiyak na sana ako dahil sa mga salitang binibitawan niya,bakit kailangan niya pang dagdagan?! And seriously?! Kinaumagahan?!

My God!

“What?” painosente niyang tanong. “You asked,kaya sinagot kita.”

“Hindi mo naman kailangang sabihin na h-hanggang k-kinaumagahan!”

“Okey then,” mahina itong tumawa, “five rounds.”’

“Nathan!” kinurot ko siya tagiliran dahilan para mas lalo siyang tumawa. “Argh! Uuwi na ako! Dadalhin ko na si Nate!” Mabilis kong dinampot si Nate, at nagulat pa nga ito,pero hindi kona iyon pinansin.

“Love sorry na!” Dinig kong sigaw niya habang palabas na kami ng bahay.

“Heh!” Hindi ko napigilang mapangiti habang naglalakad paalis.

That guy!

❦︎





Against A Cruel World (Book 1)Where stories live. Discover now