31

95 10 3
                                    

Chapter 31

“Ang kapal ng mukha mong magpakita pa sa'kin! Ang kapal ng mukha mong hayop ka!”

“Ilang beses na akong humingi ng tawad sa'yo Tanya! I even send myself to jail para lang pagbayaran ang kasalanang nagawa ko sa'yo nang gabing iyon!”

“Please po! 'wag po kayong mag-away sa harap ni Sinister!”

Patuloy ang pag-agos ng aking mga luha pababa sa aking mga pisngi habang yakap yakap ko ang aking tuhod.

Puro sigawan ang naririnig ko sa aking paligid. Mga pagtangis at pagsumbat.

Gusto kong magsalita ngunit tanging mga hikbi lamang ang lumalabas mula sa aking mga labi. Gulong gulo ang aking isipan habang nakaupo sa gilid.

Parang mababaliw na ako kakaisip kung anong nangyayari sa paligid ko. Hindi ko alam ang dapat na maramdamam. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

“Lumayas ka dito! 'Wag ka ng babalik!”

“This is my house! Tatapak ako dito kung kailan ko gusto! Sinunod ko lahat ng gusto mo! No'ng gusto mong lumayo ako sa inyo ng anak natin,ginawa ko! Hindi ako nagpakita sa kanya para lang hindi mo siya saktan! You promised me that day na aalagaan mo siya! But what did you do?!”

“Wala kang karapatang sumbatan ako! Hindi mo buhay ang nasira! Buhay ko! Hindi sa'yo!”

“Kaylan mo ba ako mapapatawad?! Humingi na ako ng tawad sa'yo! Pinakulong ko ang sarili ko! And most of all,humingi na ako ng tawag sa Diyos! Ikaw nalang ang hindi pa ako pinapatawad!”

“Dahil hindi ka dapat patawarin! Kasalanan mo kung bakit ako itinakwil ng mga magulang ko! Kung bakit ako pinandidirian ng mga taong nakakakita sa'kin! Ikaw amg dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal namin ni Jerick!”

“Alam ko! Pero wala ka paring karapatang saktan ang anak ko!”

“Tama na!” Sigaw ko. “Tama na please... Ayoko na... Ayoko na...” I shaked my head repeatedly.

Naninikip ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay tinutusok ito ng daan daang karayom. Namamanhid ang puso ko,at hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin.

Maraming katanungan ang sumasagi sa isip ko,mga katanungan na ilang taon ng hindi nasasagot. Gusto kong magtanong pero natatakot akong malaman ang totoo.

Gusto kong malaman kung bakit ngayon lang siya nagpakita sa'kin?

Kung bakit hindi niya man lang ako dinalaw?

Kung anong ibig sabihin niya nang sabihin niyang ipinakulong niya ang sarili niya.

Gusto kong malaman kung bakit umaakto siya ngayon na may pakialam siya, samantalang ng mga panahong kailangan ko siya hindi siya nagpakita!

“Tama na... Ayoko na...” Patuloy ang aking paghagulhol habang nakikita ang senaryo sa harapan ko.

Paulit ulit na sinasampal ni mama ang lalaking nasa harap niya. Ang lalaking sinasabing tatay ko. Ang lalaking patuloy na sinasalag ang mga kamay ni mama,at si Nathan na pilit silang inaawat.

“Tama na... Ayaw na... Ayaw na...”

Patuloy kong ipiniling piling ang ulo ko na parang bata. Na parang masisiraan na ako ng bait dahil sa halo halong emosyong nararamdaman ko. Sa dami ng iniisip ko.

Ang bilis bilis ng pangyayari. Ang tanging naaalala ko lang,nasa bahay ako ni Nathan nang matanggap ko ang text ni mama. Sa mga oras na 'yon,nagtaka na kaagad ako kaya agad akong nagpumilit na umuwi na,at nagpumilit din si Nathan na ihahatid na niya ako.

Malayo pa kami sa bahay ay dinig na dinig ko na kaagad ang mga sigawan na nanggagaling sa loob ng bahay. At pagkapasok ko...naabutan ko nalang sila mama at ang lalaking nasa harap niya na nagsisigawan.

Lumapit sa aking gawi si Nathan at hinawakan ang magkabila kong braso. “Love,iuuwi muna kita,okey love?” marahan ang kanyang boses,kaya napatango na lamang ako habang gulong gulo parin ang isipan ko.

“Mag-usap ho kayo ng masinsinan. Maawa ho kayo sa anak niyo.”

“Ayaw ko na...” Patuloy kong ipiniling piling ang aking ulo nang muling nagbabalik ang mga alaala ng nakaraan sa aking isipan.

Ang masasakit na alaala namin ni mama. Masasakit na alaalang kakalimutan ko na sana. Pero muling nagpapakita sa akin.

“Wala kang kwenta! Manang mana ka sa tatay mo!”

“Hindi mo na makikita ang hayop mong tatay! Masaya na 'yon nang wala ka!”

“No'ng gusto mong lumayo ako sa inyo ng anak natin,ginawa ko! Hindi ako nagpakita sa kanya para lang hindi mo siya saktan! You promised me that day na aalagaan mo siya! But what did you do?!”

“Wala ka paring karapatang saktan ang anak ko!”

“Love... I'm here love,I'm here...” I felt his hands caressed my hair,habang ang aking mukha ay nakabaon sa kanyang dibdib.

“A-ayaw ko na Nathan... P-pagod na ako Nathan....”

“Sshh... Magpapahinga ka,pero hindi ka susuko. I'm here,I am willing to be your strength love. I'm here,I'm here.”

“Ayaw... ayaw ko na...” Patuloy ang pag-agos ng aking mga luha pababa sa aking pisngi. Ramdam ko ang panginginig ng aking kalamnan,habang nanlalamig ang aking mga kamay.

“Sshh... Magiging maayos din ang lahat...”

“She said.... n-na m-masaya na a-ang papa ko n-na wala ako... T-then w-why is he... looking for m-me?...”

“I can't answer that love. Hayaan mong ang mama mo ang magpaliwanag sa'yo okey? Sshh...”

“I hate them... l-lagi nalang nila akong... s-sinasaktan...”

Ang akala ko ay magiging maayos na ang buhay namin dahil nagkaayos na kami ni mama. Pero ano na naman 'to?!

Gusto ko lang namang maging masaya! Mahirap ba 'yon?! Bakit panandaliang kaligayahan lang ang naramdaman ko?! Bakit kailangan pang magbalik ang mga sakit at kalungkutan?!

Mula pagkabata,tanging kalungkutan lang ang bumabalot sa mundo ko. Kalungkutan na ni isa ay walang nakatanggal. At ngayong dumating na ang taong nagtatanggal ng kalungkutan ko,may dadating din namang magbabalik ng kalungkutang naramdaman ko sa loob ng maraming taon!

“Love... Tahan na mahal ko... Tahan na...”

“Akala ko o-key na eh...” I cried as I burried my face deeper into his chest. “M-masaya na ako eh... B-bakit pa kailangang masira 'yon?...”

“May plano ang Diyos. That's why. Lord has a plan for you love. Trust God on his plans... I believe you can win this war okey? Just make sure that in that war,kasama mo ang Diyos. He will guide you. He will help you. Just like how he did to me. Just trust on God's plans my love.”

Lord God... Is this really part of your plan for me?

If yes... Why does it needs to be this painful?

❦︎

Against A Cruel World (Book 1)Where stories live. Discover now