32

97 11 2
                                    

Chapter 32

“Anak... Magpapaliwanag ako.”

Nanghihina man,ngunit pinilit kong tumango at umupo sa mahabanh couch,katabi ni mama at nasa harap naman namin ang lalaking sinasabing papa ko daw.

Sinabi ko kay Nathan na 'wag na akong samahan kasi ayokong makita niya kung gaano kagulo ang pamilya namin. Pero nagpumilit siya,ang sabi niya'y sasama daw siya para may yayakap sa'kin kapag hindi kona kaya ang mga maririnig ko.

“S-siya ang p-papa mo... S-siya ang l-lalaking g-gumahasa sa 'kin...”

“Tanya! 'wag mo akong ipakilala sa anak natin sa ganyang paraan!” Saway ni ‘papa’ na halatang may galit sa kanyang boses.

“Anong gusto mong sabihin ko? Na isa kang Santo?!” Depensa ni mama.

Parang dinudurog ng paulit ulit ang puso ko dahil sa pag-aaway nilang dalawa. Unti unti na namang tumulo ang aking mga luba pababa sa aking pisngi,dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Bago kami umalis ng bahay ni Nathan,ilang beses niya akong tinanong kung kaya ko na ba daw,at ang lagi kong sagot ay oo. Kaya ko.

But now... Facing the both of them,para akong tinatakasan ng katinuan. Ang pag-aaway nila sa harap ko. Hindi ko maiwasang masaktan,dahil hindi man lang nila inisip ang mararamdaman ko.

“Ma walang galang na po,” singit naman ni Nathan,dahilan para matigilan pareho si mama at ‘papa.’ Maging ako ay napatingala kay Nathan nanh magsalita siya.

“Kung pwede po. Isa isa lang po. Dahan dahanin niyo po,kasi hindi naman simpleng bagay ang sasabihin niyo kay Sinister. Sana po maging mahinahon kayo sa pagpapaliwanag sa kanya.”

Natahimik naman si mama at si ‘papa’.

Maging ako'y humanga sa sinabi ni Nathan. Maswerte nga talaga ako sa lalaking 'to. Lagi niyang iniisip ang mararamdaman ko.

“Inaamin ko anak,” si ‘papa’. “Malaki ang kasalanan ko sa mama mo dahil sa ginawa ko sa kanya nang gawing 'yon. Pero pinagbayaran ko na 'yon sa ng kalungan sa loob ng labinlimang taon! Humingi na din ako ng tawad sa Diyos dahil sa ginawa ko. Araw araw kong pinagsisisihan ang mga kasalanang nagawa ko.”

“B-bakit mo'ko p-pinabayaan?” my voice cracked.

“Anak mani—”

“Wag mo akong tawaging anak! Hindi pa kita tinatanggap na tatay ko. K-kaya wala ka pang karapatang... t-tawagin akong anak...”

“Hindi kita pinaba—”

“Fifteen years kang nakulong 'diba? B-bakit hindi ka agad bumalik?! Bakit hindi ka agad nagpakita sa'kin?! Kung totoong mahalaga ako sa'yo bilang anak mo! Dapat ay bumalik ka agad!” I felt Nathan's hand held my arm, stopping me. “D-dapat nagpakita ka kaagad sa'kin! Hindi 'yong nagpapakasaya ka samantalang ako dito hirap na hirap dahil walang nagmamahal sa'kin nang mga panahong iyon!”

“Sinadiya kong hindi magpakita sa'yo dahil iyon ang kagustuhan ng mama mo!”

Bigla akong natahimik. Natigilan ako sa sinabi niya ay pakiramdam ko ay tuluyan na akong masisiraan ng bait kung hindi pa nila sasabihin sa akin ang buong katotohanan.

Napailing iling ako,hindi makapaniwala sa sinabi niya. Luhaan akong tumingin sa gawi ni mama. Tahimik din siya at nakatungo. I can see the small drops of tears dropping from her eyes down to her hands.

“M-ma? A-anong?...”

Napaatras ako habang ang kamay ni Nathan ay nasa baywang ko. Pilit niya akong pinaupo sa kanyang tabi,habang hinang hina na nakatingin kay mama.

“Bakit hindi mo sabihin sa kanya ang totoo Tanya?” tanong ni ‘papa’ habang nakatingin kay mama,ang kanyang mga kamao ay nakatikom.

“M-ma? M-ma sumagot ka...” Pagmamakaawa ko.

“S-sinabi ko sa kanya na... k-kapag nagpakita pa s-siya sa'kin o-o kapag bumalik pa s-siya sa bahay natin. S-sasaktan kita.”

Muling nayanig ang aking mundo nang marinig ang sinabi ni mama. Nanghihina akong napasandal sa sofa. Hindi kona alam ang gagawin ko o kung anong iisipin ko.

“Hindi kita pinuntahan dahil ayokong saktan ka ng mama mo. Tiniis ko ang pangungulila ko sa'yo anak dahil ayokong saktan ka ng mama mo.”

“Pero sinaktan parin niya ako...”

Hindi nagpakita si papa sa'kin dahil tinakot siya ni mama na kapag nagpakita siya, sasaktan niya ako. Pero ang totoo, magpakita man siya o hindi,sasaktan parin ako ni mama.

“Anak... Patawarin mo si mama...”

Naramdaman ko ang kamay ni mama na humawak sa aking kamay at ang kanyang mga braso na nakayapos sa akin.

“How could you ma?...” naramdaman ko ang kamay na humihimas sa aking likod. “All those years...”

“I'm sorry nak...”

“G-gusto ko pong... m-makausap ang ‘papa’ ko,n-nang kaming dalawa lang.” Buong tapang kong sabi.

Pansin ko ang gulat sa mukha ni Papa at tumingin pa siya kay mama. Si mama naman ay panay ang iling,tila ayaw akong ipakausap kay papa.

“H-hindi! Hindi pwede! Ilalayo ka niya sa 'kin anak! Ayokong malayo ka sa'kin anak! Patawarin mo si mama...”

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang lumuhod si mama sa harap ko at patuloy akong niyayakap,habang nagmamakaawang patawarin ko siya.

Agad kong hinawakan ang kanyang dalawang kamay at pinatayo siya. Niyakap ko siya nang mahigpit habang patuloy ang aking mga luha sa pagbuhos.

“Hindi kita i-iiwan ma... Gusto ko lang.. n-na magkausap muna k-kami ng papa ko. I promise,ikaw parin ang pipiliin ko.” Bulong ko bago hinalikan siya sa pisngi.

“Tita... h-hayaan po muna natin silang mag-usap. Mahal na mahal ka po ni Sinister,hinding hindi ka po niya iiwan.” Dinig kong bulong ni Nathan habang papaakyat sila sa hagdan.

Nang tuluyan ng makaakyat sila mama sa itaas. Doon ko na ibinuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Kinuha ko ang unan sa couch at itinakip iyon sa mukha ko,to cover up my cries.

“Anak...” Dinig kong tawag ni papa.

Luhaan akong nag-angat ng tingin. “B-bakit n-niyo po pinakulong a-ang sarili niyo?”

May tumulong mga patak ng luha sa kanyang mga mata,ngunit kaagad din niya iyong pinunas gamit ang kanyang kamay.

“Kasi,iyon ang gusto ng mama mo.”

“P-po?”

“Tinanong ko siya,I asked her kung anong gusto niyang gawin ko,para mapatawad niya ako. And then she answered,gusto niyang ipakulong ko ang sarili ko. And then I did.”

Mas lalong lumakas ang buhos ng mga luha sa aking mga mata. “B-bakit niyo po sinunod ang gusto ni mama?”

“B-because I love your mom. Nagawa ko siyang gahasain ng gabing iyon,dahil sa kinain ako ng selos,nang malaman kong ikakasal na ang mama mo kay Jerick. I know what I did was wrong,but I was too drunk that night to even think about it. Nang malaman kong buntis ang mama mo sa'yo, I was the happiest man alive that time. Dahil kung gaano ako kasaya nang araw na 'yon, ganoon naman kagalit ang mama mo sa'kin.”

“H-hanggang ngayon ba... m-mahal mo parin si m-mama?”

“Yes. I still do. Kaya ako bumalik para buuhin ang pamilya natin.”

“B-bumalik ka ba d-dahil lang kay mama?”

He chuckled. “Ofcourse not darling,ikaw ang rason kung bakit ako bumalik. Kasi kung hindi ka kayang i-trato ng maayos ng mama mo,kukunin na kita.”

❦︎

Against A Cruel World (Book 1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें