03

203 14 0
                                    

Chapter 3

"Ma kain na po"aya ko kay mama at inilapag ang afritada at kanin sa bilog na mesa.

Maaga akong gumising para ipagluto siya ng agahan,sabado ngayon at wala kaming pasok,kaya pinagluto ko siya ng paborito niyang afritada.

Kada sabado ay ganito ang ginagawa ko.

"Lumayas ka sabi sa harapan ko!" pagtataboy niya sa akin,"Total,ikaw naman ang nagluto,ikaw na din ang kumain niyan!"kinuha ni mama ang mangkok na may lamang afritada,at mabilis pa sa alas kwatro na itinapon iyon sa'kin bago nagmamartsang umalis sa kusina.

At ganito din ang nangyayari kada sabado ng buhay ko.

Isang patak ng luha ang lumabas mula sa kaliwang mata ko,ngunit kaagad ko iyong pinahid gamit ang palad ko, saka humugot ng mahabang hangin saka ibinuga iyon.

Umupo ako at sinimulang linisin ang nagkalat na sauce at karne ng afritada na itinapon ni mama.

Ang afritada na pinaghirapan kong lutuin,itinapon lang sa'kin,at hindi man lang 'yon pinahalagahan.

Minsan,napapaisip nalang ako kung ano ba ang dapat kong gawin para kahit papaano ay pahalagahan man lang nila ako,para kahit papaano ay maranasan ko naman ang mahalin ng mga taong pinapahalagahan ko.

Alam kong bunga ako ng kasalanan, pero hindi ko naman 'yon ginusto, hindi ko naman ginustong maging bunga ng kasalanan,dahil kung may choice lang ako,ay pinili ko nalang na hindi ipanganak sa mundong 'to.

Baka sakaling hindi ko mararamdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon,baka sakaling hindi ako nsasaktan ng ganito ngayon.

Nang matapos kong pulutin ang nagkalat na karne ay inilagay ko iyon sa mangkok saka ipinatong sa ibabaw ng mesa.

Kinuha ko ang map para sana linisin ang nagkalat na sauce ng afritada, pero napatigil ako ng pumasok si manang Emelia.

Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang kalagayan ko sa kusina,bakas parin ang gulat at awa sa mga mata niya,I hate this feeling,pakiramdam ko ay kaawa-awa ako.

Hindi ko nga maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya nasasanay sa lagi niyang nadadatnan sa kusina kada sabado eh.

"Iha ako na diyan"at kagaya ng laging ginagawa ni manang Emelia,siya na ang naglinis ng kalat.

Dinala ko nalang sa labas ang nasayang na afritada,lumapit ako sa dog house ng alaga kong si Max.

"Max,baby where are you?"tawag ko sa kanya,kaagad naman siyang lumabas mula sa dog house niya at masiglang tumakbo palapit sa'kin.

Sinalubong ko kaagad siya ng yakap, sinimulan niya ding dilaan ang kamay ko pati paa ko,tumakbo din siya paikot sa'kin,halatang gustong makipaglaro.

Mahina akong natawa bago hinawakan siya sa noo niya at hinimas himas siya doon.

"Seat boy"utos ko sa kanya at agad naman niya 'yong sinunod.

Ngumiti ako bago kinuha ang dog bowl niya malapit sa dog house niya, nang magtangka siyang sumunod ay kaagad ko siyang sinabihan ng 'stay', at nanatili naman siya.

Inilagay ko sa dog bowl niya ang karne ng afritada at ibinigay sa kanya, nagsimula din naman siyang kumain.

Napangiti naman ako dahil sa katalinuhan niya,baby palang kasi siya ay napunta na siya sa'kin,nakita ko siya sa daan habang bumubuhos ang malakas na ulan.

Naawa ako kaya kinupkop ko nalang siya,at dahil nang mga panahong iyon ay marami pa akong oras,tinuruan ko siya ng iba't-ibang tricks.

At kahit ako man ay nagulat dahil sa isa o dalawang beses lang na turo ko sa kanya ay nakukuha niya kaagad.

"Aalis muna ako ha baby,g-gusto ko kasing u-umiyak,pero hindi dito pwede,k-kasi baka makita nila ako" nauutal kong sabi kay Max habang hinihimas ang ulo niya.

Pinigilan ko ang sarili kong mga luha na tumulo,tumayo ako at sa isa pang beses ay hinimas ang ulo niya, tumahol naman siya sa'kin at sumiksik sa may paa ko.

Napangiti naman ako,"Babalik din agad ako Max like I always do okey?" pagkausap ko sa kanya,at kaagad naman siyang tumahol.

Bumalik siya sa pagkain ng karne, lihim akong ngumiti bago kinuha ang susi ng motor ko galing sa bulsa ng pantalon ko.

Agad kong sinusian ang nakaparada kong motor sa labas ng gate, kagagamit ko lang kasi nito kanina kaya hindi kona ipinasok sa loob.

Nag-wave ako kay Max bago isinuot ag helmet ko at pinaharurut ang motor,nagsimulang tumulo ang mga luha ko habang nagmamaneho.

Nagsimulang lumabo ang paningin ko habang naririnig ko ang tunog ng mga bumubusinang sasakyan sa likod ko, dahil sobrang bilis ng pagpapatakbo ko.

Mapait akong ngumiti habang naaalala ko ang mga masasakit na sinasabi ni mama sa'kin.

Malas ka!

Wala kang kwenta!

Malandi ka!

Hayop ka!manang mana ka sa tatay mo!

Sana hindi nalang kita pinanganak!

Ikaw ang sumira sa mga pangarap ko!

Habang naaalala ko ang masasakit na salita na sinasabi sa'kin ni mama, patuloy ang pag-agos ng mga luha ko, ramdam ko ang pagkabasa ng foam ng helmet ko dahil sa mga tumutulo kong mga luha.

Drink to forget bar.

Nang makita ko ang pangalan ng bar ay kaagad kong ipinara ang motor ko sa tapat ng bar.

Tinanggal ko ang helmet ko bago tinanggal ang susi ng motor,bumaba ako at pinahid ang mga luha ko gamit ang likod ng palad ko.

24 hours open.

Humugot ako ng malalim na hininga saka pinakawalan 'yon.

Ito ang unang beses na iinom ako ng alak,ito ang unang beses na pumunta ako ng bar kung saan naroon ang mga makasalanang tao.

Mahina akong natawa dahil sa iniisip ko,totoo naman kasi,kasalanan ang uminom at maglasing,pero siguro maiintindihan naman ni Lord kung hindi kona talaga kinakaya ang mga problema ko kaya ako nandito.

"Pasok ma'am"sabi ng lalaking guard, tinanguan ko naman siya bago pumasok.

Halos sumabog ang taenga ko dahil sa ingay at malalakas na tugtug sa loob ng bar,aakalain mo talagang gabi na kapag pumasok ka sa loob.

Maraming iba't-ibang makukulay na ilaw,maraming lasing na tao ang nagsasayawan at nag-iiyakan.

Well I guess,problemado din sila kagaya ko kaya adito sila.

Umupo ako sa upuang kaharap ng counter,ipinatong ko doon ang bag ko saka tumingin sa waiter.

Halos lumuwa ang mata ko ng makilala ko kung sino ang lalaking nasa harapan ko.

It's him!the guy who comforted me!

❦︎

Against A Cruel World (Book 1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz