Kabanata 26

41K 1.2K 119
                                    

Kabanata 26

[ Aliyah's point of view ]

Hindi ko alam kung tama ba 'kong mag tiwala kay Yno pero kahit may pag aalinlangan sa loob ko na magtiwala sa kanya ay pinilit ko.

May party na magaganap na siyang ihahanda ng pamilyang Chavilire at para makapasok ako sa loob ay kailangan kong sumabay kay Yno dahil meron siyang invitation card.

Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin matapos akong ayusan ng make up artist na pinatawag niya para pagandahin ako.

Ito na ang huli na pupuntahan ko si Hercules para mag paliwanag. Kung sakaling hindi niya ako paniwalaan o kung sila na ba ni Cathy ngayon ay maluwag ko yun tatanggapin at aalis na lamang ng tahimik kasama ang anak namin.

Ayokong lumaki ang anak ko na walang ama o hindi buo ang pamilya pero natatakot ako na baka hindi siya tanggapin ni Hercules.

"Are you ready?" napatingin ako sa pinto nang pumasok si Yno suot suot ang puting tuxedo. Napaka gwapo niya sa ayos niya ngayon. Bagay na bagay ang kulay ng tuxedo niya sa moreno niyang kulay.

Tumango ako bago umiwas nang tingin sa kanya "Aalis na ba tayo?" tanong ko. Tumango siya sakin bago ako ayain kaya naman sumunod na 'ko sa kanya.

Sumakay kami sa sasakyan niya at habang nag mamaneho siya ay nakatingin lamang ako sa labas ng bintana "What will you do if Hercules refuse to believe you?"

"Aalis ako, hindi ko siya pipilitin kung ayaw niyang maniwala sakin."

Ramdam ko ang pag buntong hininga niya "Atleast, let me give you a money. I want to help you financially." tinignan ko siya bago ako umiling.

"Nakokonsensya ka ba sa ginawa mo sakin? Kasi kung oo hindi mababayaran ng pera mo ang pag sira na ginawa mo saming dalawa." hindi ko maiwasan magalit.

Alam ko na may malalim siyang dahilan ngunit kung ano man ang ginawa ni Calculus sa pamilya niya ay labas na kami ni Hercules dun pero sa kabilang banda hindi ko maiwasan na makonsensya at malungkot para sa kanya.

Tinignan ko ng palihim si Yno na natahimik. Alam kong mabuti siya, mabait siya dahil kahit saglit lang kaming naging mag kaibigan noon ramdam ko na hindi siya masamang tao. Siguro kailangan ko siyang patawarin.

Hindi man agad agad pero susubukan ko ng paunti unti para mawala ang galit ko sa kanya. Ilang sandali lamang ay nakarating na kami sa isa sa mga villia na pag aari ng Chavilire.

Sobrang laki ng mansyon na 'to, doble ang laki kesa sa mansyon nila sa Hacienda.

Lumabas na 'ko habang nililibot ang tingin sa paligid. Napakadaming mamahaling kotse ang nakaparada maging ang mga paparazzi na abala sa pag kuwa ng litrato ng mga sikat na artista at negosyante na dumalo sa pag diriwang nila.

Tahimik kaming nakapasok ni Yno sa loob ng party, nakasuksok ang kamay ko sa braso niya. "Anong meron? Bakit may party silang hinanda?" tanong ko kay Yno habang namamangha akong nakatitig sa paligid.

"This is Hendrick's birthday party." nanlaki pa ang mata ko dahil tama, birthday nga pala ni Tito Hendrick. Nakalimutan ko na dahil sa dami ng nangyari.

Humanap kami ni Yno ng pwesto bago niya ako inalalayan para maupo "Anong gagawin mo dito?hindi ba galit ka sa kanila? Bakit umattend ka pa din sa party na 'to?" hindi ko maiwasan na tanong.

Hercules Obsession (Chavilire Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt