Kabanata 10

49.3K 1.3K 84
                                    

Kabanata 10

[ Aliyah's point of view ]

Nasa kusina ako ng office ni Sir Hercules at tinitimplahan siya ng black coffee. Ilang araw na rin ako nag tatrabaho sa kanya bilang secretary at maayos naman ang pagtatrabaho ko at pakikitungo niya sakin.

Hindi ko lang maiwasan mainis sa kanya minsan dahil sa pang lalandi na ginagawa niya ngunit wala naman ako magawa dahil tuwing susuwayin ko siya ay lagi niyang sinasabi na kanya na ako at may karapatan siyang gawin ang ano mang gusto niya.

Kahit pa na angkinin ang katawan ko ay kaya niyang gawin ng hindi ako nakakalaban. Nakakatakot, natatakot ako kaya hinahayaan ko na lang siya kahit na minsan ay labag sa loob ko.

"Hm, where's my coffee?" napaigtad ako nang yakapin niya ako mula sa likuran at amuyin ang leeg ko na siyang kinakilabot ko.

"Sandali lang po Sir." bulong ko dito at nag madaling nag timpla. Mabilis kong kinalas ang kamay niya na nakapulupot sa  bewang ko at humarap sa kanya pero tila mali ang pag pasya kong yun dahil mabilis niya akong sinalubong ng halik sa labi.

Mariin kong tinikom ang bibig ko ng maramdaman na gusto niyang ipasok ang dila niya sa loob ng bibig ko. Kinagat niya ng madiin ang pang ibabang labi ko at sinabayan yun ng pag pisil ng madiin sa kaliwa kong hita na kinanganga ko dahil sa sakit.

Sinipsip niya sandali ang dila ko bago humiwalay at tinignan ako ng mariin sa mata habang walang nababasa na emosyon sa kanya.

"Hanggang ngayon lumalaban ka pa din." ang dalawang kamay na nasa bewang ko ay nag taas baba dun na tila dinadama ang korte ng katawan ko.

"But it's okay, kahit naman anong gawin mong panlalaban ako pa din naman ang masusunod." mabilis niya muna akong hinalikan sa labi ng mariin at kinagat pa ng mariin ang pang ibaba kong labi bago bahagyang hinatak na siyang kinadaing ko sa sakit na kinatawa naman niya na tila inaasar ako.

"Come with me later, I have a party to attend at 7 pm sharp and I want you to be my date. Got it?" tanong niya at dahan dahan lang ako tumango sa kanya kaya umalis na siya sa harap ko.

Nanghihina akong napahawak sa lamesa at hinawakan ang labi kong nag dudugo. Hanggang kailan niya ako magiging pag mamay-ari? Ayoko na habang buhay ko na lang babayaran ang utang ko sa kanila kapalit ang buhay at kalayaan ko.

5 pm pa lang ay sabay na kaming umalis ni Sir Hercules sa company niya. Ang sabi niya ay dapat makapag ayos na kami sa loob ng dalawang oras.

Ngayon ay nakasakay ako sa kotse niya habang siya ay nag mamaneho. Tahimik lamang ako at nakatingin sa labas ng bintana ganoon rin naman siya na nakapokus sa pag mamaneho.

Ilang minuto pa ang lumipas ng huminto ang saksakyan kaya nilingon ko siya pero lumabas na agad siya sa kotse kaya sumunod na 'ko.

"Uhm, asan tayo?" mahina kong tanong sa kanya. Hinapit lang niya ang bewang ko habang papasok kami sa isang parang salon.

"Magandang Hapon Senyorito Hercules." mga nakayukong anya ng mga tauhan sa salon at kasabay nun ay ang pag labas ng dalawang magagandang dalaga sa likod ng mga ito.

"Kuya Hercules!" sigaw nito at lumapit samin. Nang madako ang tingin nila sakin ay nginitian nila ako pareho ng matamis na siyang kinahiya ko.

Hercules Obsession (Chavilire Series #1)Where stories live. Discover now