Kabanata 14

43.4K 1.2K 82
                                    

Kabanata 14

[ Aliyah point of view ]

"I love you" nanatili akong gulat na nakatitig sa kanya. Kung hindi ako nag kakamali ay ito ang unang beses na sinabi niya ang salitang yun sakin.

Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o matatakot ako, magiging masaya dahil mahal niya ako at hindi lang puro lust ang nararamdaman niya sakin o matakot para sa sarili ko dahil kung mahal niya ako ay wala na akong kawala pa sa kapit niya sakin.

Umiling ako ng bahagya at inalis ang mga yun sa isip ko, hindi ko na dapat pa iniisip ang ganoong bagay dahil marahil ay sobra lang ako mag isip kay Hercules.

Tingin ko naman ay mabait siya pero dahil sa mga sinasabi niya ay dun ako natatakot at nababahala " Speechless?" tanong niya at ngumisi pa.

Hindi ko mapigilan na irapan siya "Wala naman akong sasabihin." kita ko ang pag taas ng kilay niya habang nakatingala sakin.

"Where's my I love you too?" automatikong tumaas din ang kilay ko sa kanya.

"Kailangan ba may I love you too? Eh hindi naman auto yun na porket sinabihan mo ako nun ay dapat sabihan na rin kita nun." kita ko ang pag tiim bagang niya at pag sama ng titig niya sakin na kinatawa ko ng mahina.

"Are you happy making fun of me? You're rude, I just want to hear your I love you." napailing ako habang namamanghang nakatingin sa parang bata niyang mukha na nakabusangot.

"Tsaka mo na yun pakinggan pag mahal na din kita." bulong ko na hindi iniisip kung ano magiging reaction niya at ibig sabihin ko dun.

Kita ko ang panlalaki ng mata niya na maging sakin ay nanlaki rin "What did you say? Are you planning to love me?" halata sa boses niya na bigla yun naging masigla, lihim ko tuloy kinurot ang sarili bago nag isip ng palusot.

"Hi-hindi noh, sabi ko tsaka mo na yun pakinggan pag nag mahal na ako ng iba, sakanya ko sasabihin yung i love you." napakagat pa ako sa labi dahil dumilim ang reaction ng mukha niya.

"Don't you dare Aliyah, I'm pretty sure na makakapatay ako oras na iba ang mahalin mo at hindi ako." nag iwas ako ng tingin sa kanya bago umalis na sa bintana at ayusin ang kurtina.

"Sige na pagod na ako, bukas na lang tayo mag usap." agad ko ng pinatay ang tawag at pabagsak na humiga sa kama.

Rinig ko ang pag alis ng sasakyan niya kaya muli akong napapikit ng madiin dahil mukhang nagalit ko na naman siya sa huli kong sinabi.

Kinabukasan, maaga ako nagising dahil may pasok pa ako sa kompanya. Kagaya ng nakasanayan ay ginawa ko na ang morning routine ko at bumaba na sa baba.

"Good morning teh." tinanguan ko si Lily bago naupo sa tabi niya "Si Mama?" tanong ko dito.

"Ayun, nag titimpla pa ng kape niya." mabilis akong tumango bago kumuha ng sinangag at tuyo na siyang nakahain sa lamesa.

"Tagal din hindi nag luto ni Mama nito ah, namiss ko itong isawsaw sa sukang maanghang." tumatango tango kong anya.

"Oo nga e, puro karne na lang umagahan natin. Buti na lang sinaggest ko yan sa kanya." hindi na ako sumagot at nag patuloy na lang sa pag kain.

Hercules Obsession (Chavilire Series #1)Where stories live. Discover now