Kabanata 16

41.8K 1.1K 115
                                    

Kabanata 16

[ Aliyah's point of view ]

Pag tapos ng nakakahiyang pangyayari na yun ay sumunod na rin sakin si Hercules. Sabay kaming pumasok sa kusina at inaya ko na siyang maupo sa hapag.

"Iho, kumakain ka ba nito? Pasensya kana at hindi ako marunong mag luto ng mga japanis, italyan stayl na yan." natawa ako sa sinabi ni Mama dahil sa uri ng pag sasalita niya.

Nginitian naman siya ni Hercules kaya itong Mama ko ay kala mo kung napano na dahil natulala pa siya at bahagyang nakaawang din ang bibig.

Ma, alam kong napakapogi ni Hercules pero sana wag ka naman mag pahalata!

Sa isip ko lang yun sinabi dahil baka lumaki pa ang ulo ng manyakis na katabi ko "Actually Mama caldereta is one of my favourite dish, I'm glad you cook it."

Sus, binobola pa nito si Mama.

"Madami akong alam na pagkaing lutong bahay talaga at halos lahat din yun ay natutunan na ni Aliyah kaya naman nakakasiguro ako na hindi ka mag sisising pakakasalan mo ang anak ko dahil wife material na yan." mabilis akong napakamot ulo ng dahil sa sinabi ni Mama.

"Yun oh, kinikilig si Ate." dagdag na tukso pa ni Lily bago sila sabay na nag sabi ng 'ayie' ni Mama.

Bwiset! Ang lalakas mang asar!

Tinignan ko si Hercules at nakita ko itong nakangisi sakin "Siguro nga tama po kayo, pero kahit hindi naman marunong mag luto si Aliyah ay hindi pa din ako mag sisisi na pakasalan siya." halos maihi sila Mama at Lily sa kilig dahil sa sinabi ni Hercules.

Yumuko na lang ako bago lihim na ngumiti at tumikhim. Plastik ng lalaking ito. "Ang daldal niyo masyado, kain na tayo at gutom na 'ko." pag iiba ko na rin sa usapan bago nag simulang kumain.

Handa ko na sanang isubo ang nasa kutsara ng tapikin ako ni Mama sa kamay "Aliyah! Asikasuhin mo muna ang kakainin ng asawa mo!" mabilis na nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Ma hindi ko siya asawa!"

"Ganun na din yun, saan pa ba kayo tutungo 'di ba sa simbahan? Mag papakasal kayo kaya magiging asawa mo rin siya." tinignan ko ulit si Hercules at naka cross arm lang siya at tila natutuwa pa dahil mas pinapaboran siya ni Mama.

Hindi na 'ko sumagot pa at nilagayan na lang ng kanin at ulam ang plato niya "Kain kana." aya ko.

Tumango lang siya sakin kaya nag simula na kaming kumain. Habang kumakain ay patuloy pa din sila sa pag uusap ng mga bagay bagay.

Nakikinig lang ako pero minsan ay sumasabat din. Umabot na ng alas nuebe ng gabi at kanina pa kami tapos sa pagkain.

Napatingin ako sa bintana at malakas pa din ang ulan kaya hanggang ngayon hindi pa din makauwi si Hercules.

"Breaking News! Mag kakaroon tayo ng masamang panahon dulot ng bagong bagyo na siyang paparating sa bansa na si bagyong Ando, ang mga ilang lugar ay makakaranas ng malakas na pag ulan at hangin na siyang dulot nito kaya kung maari ay manatili na lamang sa bahay para maiwasan ang disgraya sa daan dulot ng bagyo."

"Paano ka makakauwi n'yan? May bagyo?" tanong ko sa kanya. Nakaupo kaming pareho sa sofa at nanonood ng TV.

"I'll go now, baka lalong lumakas mamaya ang ulan at hindi ako makauwi." nag ayos na siya ng sarili niya habang ako ay nanatiling nakatitig sa bintana.

Hercules Obsession (Chavilire Series #1)Where stories live. Discover now