Kabanata 3

47.7K 1.4K 123
                                    

Kabanata 3

[ Aliyah's point of view ]

"Wow." namamangha kong sabi habang nakatingin sa mga burol na nasa baba ng lupa na inaapakan ng kabayo ni Hercules kung saan kami nakasakay.

Sobrang ganda at napakaaliwalas ng itsura nito, idagdag pa ang mabango at sariwang hangin na nasa buong lugar.

"Grabe, ang ganda dito." ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko bago nag salita.

"Mas maganda ang talon d'yan." nilingon ko siya at tila mali ang ginawa ko na yun dahil nakatungtong nga pala ang baba niya sa balikat ko at sa ginawa kong pag harap sa kanya ay sobrang nag lapit ang mukha namin. Isang maling galaw ay mag tatagpo talaga ang labi namin.

Nakita ko siyang napatingin sa labi ko kaya mabilis akong humarap at tumikhim. "Pwede mo ba akong dalhin dun? Hehe gusto ko sana tignan." pag iiba ko ng usapan.

Hindi ko alam kung ano ang naging reaction niya basta ay pinaandar na lamang niya ang kabayo niya.

Ilang minuto lang din ang lumipas ay narating na namin yun, ang talon pala nila ay nasa gitna ng kagubatan.

Inalalayan niya akong bumaba sa kabayo habang ako ay napako na ang tingin sa napakagandang ilog. Sobrang linaw ng tubig nito kaya naman kitang kita ang mga magaganda nitong bato sa ilalim.

Yun nga lang sa medyo malayo kung saan rumaragasa ang tubig sa talon ay medyo malabo na ang tubig dahil siguro sa malalim na ito.

"Wow.." mabilis akong lumapit dito at nilublob ang kamay sa tubig. Napangiti ako dahil tila ang sarap maligo dahil ang temperature ng tubig ay medyo malamig na mainit.

Maligamgam kung baga. "You want to swim?" nilingon ko si Hercules na nag hubad ng puting polo kaya nakita ko na naman ang makalaglag panty niyang katawan.

Kahit na ang sarap ng view ng katawan niya ay pinili kong mag iwas nang tingin at ngumiti na lang "Gusto sana kaso wala akong damit na dala." nakasuot lang kasi ako ng bistidang puti.

Tumango lang siya bago lumapit sa tabi ko at lumangoy na sa ilog. Gusto ko maingit habang pinapanood siya kasi mukhang sarap na sarap siya sa pag ligo.

Kung alam ko lang na isasama niya ako dito ay sana pala nag dala ako ng extrang damit. Sa lalim ng iniisip ko ay biglang nawala si Hercules sa mga mata ko.

Nilibot ko ang tingin sa buong ilog ngunit hindi ko siya magawang makita. Ang ilog ay malaki at sa parting malalim sa dulo ay medyo malabo na ang tubig kaya hindi ko siya matanaw kung nandun ba siya o wala.

"Hercules?" kinakabahan kong anya habang nililibot ang tingin sa paligid. Imposible naman na malunod siya 'di ba? Marunong at magaling naman siyang lumangoy?

"Hoy akala mo nakakatuwa yang ginagawa mo? Lumabas ka nga!" malakas kong sigaw ngunit wala pa rin umaahon.

Lumusong ako sa tubig at nag lakad habang lumilinga. Nang hanggang bewang ko na ito ay napatigil ako at unti unti ng nag tubig ang mata ko dahil sa takot at pangamba.

"Parang tanga kasi ayaw pa lumabas!" naiinis kong anya. Pinunasan ko ang luha ko at napahawak ako sa bibig ko ng lumabas ang hikbi dun.

Hercules Obsession (Chavilire Series #1)Where stories live. Discover now