Kabanata 11

44.3K 1.2K 162
                                    

Kabanata 11

[ Aliyah's point of view ]

Nakasunod lamang ako kay Hercules at siya naman ay nakahawak sa bewang ko. Kanina pa nga ako nahihiya dahil ang mga matatanda na kausap niya ay kinakantyawan kami kung kailan kami mag papakasal.

At mas naiilang ako sa tuwing sinasabi ni Hercules na hindi naman niya kailangan mag madali dahil kahit ano raw gawin ko hinding hindi ako makakawala sa kanya.

Lihim nga akong natatakot dahil parang totoo yun, kahit anong gawin ko hindi ako makakawala sa kanya.

"What's the matter babe?" malambing niyang anya bago hinalikan ang sintido ko.

"W-wala, iniisip ko lang kung saan ako kukuha ng pera para makabayad agad ako sayo."

"Tsk, umaasa ka ba na mababayaran mo ang utang mo sa dalawang buwan na binigay ko?" umiling ako.

"Please Hercules bigyan mo kami kahit na isang taon para makabayad kami, masyadong malaking pera ang hinihingi mo at hindi ko kayang kunin yun sa dalawang buwan na palugit mo." hinawakan ko pa siya sa kamay at nag mamakaawa ang mga mata kong nakatingin sa kanya.

"No, business is business Aliyah. If you can't pay it then don't pay it. Just marry me." hinawakan niya pa ang kamay ko at hinalikan yun.

Nag iwas naman ako nang tingin sa kanya bago hinatak ang kamay kong hawak niya.

"Ayaw kitang pakasalan dahil hindi naman kita mahal." mahina kong usal.

Sunod sunod akong napalunok ng maramdaman ang pag bigat ng presensya niya. Hindi ko siya maiwasan tignan at kitang kita ko sa gwapo niyang mukha ang pandidilim dun.

Hindi na siya sumagot at dumistansya sakin na kinahinga ko nang malalim.

"Hey Ate Aliyah, kumain ka na?" tanong ni Carmilla habang nakangiti. Ngumiti ako pabalik at umiling.

"Hindi pa eh."

"Tara Ate sama ka sakin, gutom na 'ko pero ayoko naman pumunta dun mag isa." nakanguso niyang anya.

Tinignan ko si Hercules na mukhang galit pa rin "Ah, gusto mo ba kuhanan kita ng pagkain? Kukuha kasi kami ni Carmilla." mahina kong usal.

"Go ahead, I don't want to eat." tumango ako at tumayo na kaya naman pumunta na kami ni Carmilla sa kainan.

Kaunti lang ang kinuha ko dahil karamihan sa nakahanda ay hindi ko alam kung anong klaseng pagkain.

Sabi kasi ni Carmilla ay Italian at spanish food ang mga nakahanda kaya naman kung ano yung kinuha niya yun lang din kinuha ko.

Bumalik na kami sa table ni Hercules at medyo nagulat pa 'ko ng hindi na siya nakaupo dun "Asan kaya si Kuya?" tanong ni Carmilla.

Nag kabit balikat lang ako dahil hindi ko din naman alam, wala naman siyang sinabi kanina na aalis siya.

Kumain na lang kami ng sabay. Maya maya ay nilibot ko ang tingin sa paligid "Oo nga pala, asan si Bettina?" tanong ko sa kanya.

"Baka kasama yung ex boyfriend niya Ate? Nakita ko rin kasi na nandito si Senator Arcadio at ang buong pamilya nila." tukoy niya sa isa sa mga senator.

Hercules Obsession (Chavilire Series #1)Where stories live. Discover now