Kabanata 12

46.5K 1.2K 88
                                    

Warning: Spg

Kabanata 12

[ Aliyah's point of view ]

Nag kwe-kwentuhan kami Mikael o ni Mikaela habang tinutungo namin ang daan pauwi samin.

"Grabe teh ang laki na kinaganda mo ngayon ah, dati chaka doll ka lang ngayon pwede ka na sa miss universe." tumawa ako at hinampas siya sa braso.

"Tigilan mo ang pambobola sakin dahil wala akong perang maibibigay sayo." umasta naman siyang nasaktan.

"Hoy sarreh ka, dati gipit na gipit aketch dahil sa aking amang nilulublob ang lola
mo sa drum pag walang perang naibigay but now I'm a different na." maarte niyang lintanya.

Dati kasi nung college kami ay lagi siyang nangungutang para sa pambaon at pang kain niya dahil ang ama niya ay lasingero at hindi tanggap na bakla siya.

Pero ngayon sa pagkakaalam ko ay ayos na sila dahil nagawa na rin naman tanggapin ni Tito kung ano talaga siya ng makita nito ang kasipagan at taglay nitong kabaitan.

Nandito na kami sa highway at madilim na, malayo layo pala ang hotel na pinuntahan namin. Hindi ko kasi nagawang pag masdan ang paligid dahil mas tinuon ko ang atensyon ko kay Hercules kanina na parang ahas na nakalingkis sakin.

"Ay teh bat parang may sumusunod ata satin?" biglang tanong ni Mikaela. Napatingin ako sa likod at hindi nga siya nagkakamali.

Dalawang itim na van ang nasa likod namin. Agad na naipreno ni Mikaela ang sasakyan ng mauna ito samin at humarang sa daanan.

Nakaramdam ako ng matinding kaba at pag tingin ko sa kanya ay mukhang natatakot din siya.

"H-hala te baka kidnaper yan tapos nangunguha ng maganda, wag ka mag alala dahil ligtas ka kung ganoon." pagbibiro niya pa kahit halata na ang kaba sa kanyang mukha.

Hindi ko naman maiwasan kabahan rin habang nakatingin sa labas.

"A-ako muna lalabas ah, dito ka lang at pag may nangyaring masama tumakbo ka para humingi ng tulong." nag aalala kong tinignan ang paligid at nasa gitna pa kami ng madilim na highway.

Bumaba na sa Mikaela at nag sibabaan rin ang mga lalaki na may hawak na baril. Agad akong napatakip sa bibig ko habang nangangatal ang aking mga labi.

"Anong problema niyo at bakit niyo kami hinarang?" tanong ni Mikaela pero wala na dun ang pagkabakla niya.

Hindi sumagot ang mga lalaki at nagulat ako nang suntukin nila si Mikaela sa sikmura bago pinaluhod at tinutukan ng baril sa ulo.

"B-bitawan niyo ako!" sigaw niya. Ang natatakot at naiiyak kong tingin ay nawala sa kanya ng bumukas ang isa pang pintuan ng van.

Lumabas dun si Hercules na may madilim na mukha. Sunod sunod akong lumunok ng lumapit siya kay Mikaela at sinabunutan ito.

"Where is she?" tanong niya gamit ang baritono, marahas at malamig na boses.

"Sino ba tinutukoy mo? Bitawan mo 'ko!" sinubukan mag pumiglas ni Mikaela at nanlaki ang mata ko nang suntukin siya ni Hercules kaya napahiga siya. Hindi pa ito nakontento at sinipa ng malakas ang mukha niya na kinadugo ng ilong niya.

Hercules Obsession (Chavilire Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat