Kabanata 5

48.5K 1.4K 251
                                    

Kabanata 5

[ Aliyah's point of view ]

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang ibig sabihin ng pag halik sakin ni Hercules.

Kinuha niya ang first kiss ko na walang sapat na dahilan. Isa pa wala siyang karapatan gawin yun, bata pa ako at dahil sa pag halik na ginawa niya sakin ay pwede ko siya kasuhan ng sexual harrassment.

Huminga ako nang malalim at tumayo na sa kama, binuksan ko ang pinto ng guestroom na tinutuluyan ko ng bumungad agad sakin ang lalaking ayokong makita.

Mabilis akong nag iwas nang tingin at akma sanang isasara muli ang pinto nang hawakan niya yun para pigilan ako "Come with me, ipapasyal kita sa bayan." mabilis akong umiling sa kanya.

"Wag na, napasyal naman na ako ni Yno dun at isa pa may usapan kaming pupunta kami sa kanila." nakita kong nag dilim ang mukha niya at bahagyang nag igting pa ang panga niya.

Kahit na sa galit na expression ay ang gwapo gwapo niya pa rin, kaso minsan may saltik lang talaga at ang hirap intindihin.

"Didn't I told you to stay away from him?"

"At bakit naman kita susundin? Sino ka ba sa buhay ko ha?" laban ko pa, simula nung pumunta ako dito ay nag titimpi lang akong sagutin siya sa masama niyang trato sakin.

Iniisip ko na isa siya sa Chavilire, na baka pag sumagot ako sa kanya ay may gawin siyang masama sakin at sa pamilya ko lalo na at makapangyarihan sila.

Pero hindi ko na kasi mapigilan, kung makapag dikta at makapag salita siya ay para bang dapat ko talagang sundin ang sinasabi niya.

Masama niya akong tinignan bago sinabunutan ang buhok niya at sunod sunod na nag mura ng malutong sa harap ko.

Tahimik lamang ako dahil ngayon ako nakaramdam ng takot sa kanya. Imbis na may gawin na masama sakin ay umalis siya ng padabog at muli akong iniwan na nakatulala sa kanya.

"Hello po, Magandang umaga po." nakangiti kong anya sa isang matanda na nasa labas ng kubo nila Yno.

Siya si Nanay Meding, ang lola ni Yno at ni Isabella na kapatid niya. "Oh apo sino itong magandang dilag na kasama mo." mabilis akong namula dahil sa papuri nito sakin.

"Lola siya po si Aliyah, yung bisita ni Senyorita Cassey po." inabot ko ang kamay nito at nag mano.

"Napakabait na bata, ikaw ba ay nobya na ng apo ko o nililigawan niya?" parehong nanlaki ang mata namin ni Yno at agad na umiling kay Lola na siya namang kinatawa nito at ng kapatid niyang si Bella na nakatingin samin.

"Kung makailing naman kayo ay parang mababali na ang leeg niyo." biro niya samin na tinawanan lang namin ulit.

"Lola pakainin na po muna natin sila, mukha kasing gutom na si Kuya at si Aliyah." ngumiti ako kay Bella at pabirong hinawakan ang tyan ko.

Gaya ni Yno ay maganda din ang itsura ni Bella, hindi halata na laking probinsyana siya dahil sa kinis at puti ng balat niya.

Idagdag pa ang maganda at maamo niyang mukha, para tuloy siyang Belle sa beauty in the beast.

Hercules Obsession (Chavilire Series #1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora