Kabanata 9

47.4K 1.3K 367
                                    

Kabanata 9

[ Aliyah's point of view ]

Kagaya ng sinabi ko kay Hercules ay kinalimutan ko na kung ano ang nangyari samin dalawa.

Hindi na din naman kami nag kita sa isang linggong lumipas. Ngayon ay naka suot ako ng pencil skirt na tinirnuhan ko ng white off shoulder na blouse.

Nilugay ko ang straight kong buhok na hanggang bewang at nag lagay ng light make-up. Sinuot ko rin ang itim kong flat shoes.

Nang masiyahan sa itsura ay agad akong bumaba. Bumungad pa sakin si Mama at Lily na nag uumagahan.

"Oh Nak, kain ka muna." aya sakin ni Mama pero inilingan ko siya "Hindi na Ma, baka ma late kasi ako at nakakahiya naman kay Tito Hendrick."

"Sige sige, mag ingat ka at galingan mo sa pag sagot sa tanong para hindi nga nakakahiya." natawa ako sa sinabi niya kaya kumaway na 'ko bago nag lakad na paalis.

Mabilis kong pinara ang jeep na dumaan at sumakay dun. Ngayon ang araw na mag a-apply ako sa isa sa mga kompanya ni Tito Hendrick.

Medyo kinakabahan ako hindi dahil sa baka hindi ako matanggap. Kinakabahan ako sa kung sino ang magiging boss ko.

Nung una ay ayos lang sakin kung sino ang maging boss ko pero simula nung may mangyari samin ni Hercules ay nababahala ako.

Paano kung siya? Paano kung siya ang boss ko? Tuwing iniisip ko yun ay parang ayoko na pumasok sa kompanya ni Tito pero nahihiya naman ako.

Silang dalawa ni Tita Athena ang nag paaral sakin at tumustos sa pamilya ko kaya naman nakakahiya kung tatanggihan ko ang hingi nila na sa kanila ako mag trabaho.

"Ma'am how can I help you?" nakangiting tanong sakin ng receptionist na nasa lobby ng napakalaking kompanya nila Tito.

"Ah isa po ako sa mga mag a-apply ngayon bilang secretary, tatanong ko lang sana kung saan ako pwedeng pumunta?" may tinignan siya sa papel na nakapatong sa lamesa bago ako binalingan.

"Are you Aliyah Villafonso Ma'am?" nakangiti nitong anya na sinuklian ko ng tango at ngiti.

"Yes."

Bumaling siya sa kasama niyang babae at may binulong dito. Nakangiti naman bumaling sakin ang babaeng binulungan niya at mabilis na lumapit sakin.

"Please come with me Ma'am." agad akong sumunod sa kanya. Sumakay kami sa elevator at nakita kong pinindot niya ang 65 floor.

Grabe! Ganito pala talaga kalaki 'tong kompanyang 'to, isipin mo 65 floor.

Nang makarating kami dun ay opisina agad ang bumungad samin. Halos ang kabuuan ng 65 floor ay buong opisina na.

Puro salamin din ito kaya kitang kita ang view sa labas na sadyang nakakamangha.

Mangha kong nilibot ang tingin at huminto ang mata ko sa may itim na sofa dahil may nakatayong lalaki dun at nakatalikod samin na tila pinag mamasdan ang labas na kitang kita dahil sa salamin lang ang pader.

"She's here Sir." hindi sumagot ang lalaki na mukhang magiging boss ko din. Tumingin muna sakin ang babae bago ngumiti at agad ng umalis.

Hercules Obsession (Chavilire Series #1)Where stories live. Discover now