Kabanata 8

49.3K 1.3K 217
                                    

Warning: Spg

Kabanata 8

[ Aliyah's point of view ]

"How are you? You look good tonight." hindi ko alam kung paano mag rereact sa papuri niya.

Lalo't medyo kinakabahan ako dahil sa malamig at baritono niyang boses. Malayong malayo sa boses niya dati dahil lalo itong lumalim at lumamig.

"Ayos lang, salamat." tipid ko siyang nginitian. Ang tingin niya sakin ay nalipat sa hawak hawak kong platito bago sa chocolate fountain.

"You like chocolate?" mabilis akong tumango bago kumuha ng marshmallow at dinip sa chocolate.

Patuloy lang ako sa pagkain ng maalala ko na nasa tabi ko pa pala siya. Kumuha ako ng marshmallow na may chocolate na at inalok sa kanya.

"Gusto mo?" ang mga mata ko na nakatingin sa kanya ay biglang nanlaki nang hapitin niya ako sa bewang bago isubo ang marshmallow na inalok ko.

"Preferisco mettere il cioccolato sul tuo corpo." muling kumunot ang noo ko dahil sa ibang lengwahe na sinabi niya.

"Ano?" kumurba ang kakaibang ngisi sa labi niya. Lumapit pa ang mukha niya kaya lalayo sana ako ng dumapo na ang labi niya sa pisngi ko.

"Nothing, enjoy the party babe." hindi ko narinig ang huli niyang sinabi pero nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang makaupo sa table ng mga pinsan nila.

"Aliyah!" nakaupo ako sa table namin nila Mama ng tawagin ako ni Cassey. Lumapit siya sakin at hinatak ako bago dalhin sa table nila ni Hercules at iba pa niyang pinsan.

Pati ang mga sikat na actress ay nasa table nila at mga kapwang nakakandong sa mga lalaking pinsan ni Cassey.

"Hey guys I want you to meet my bestfriend, Aliyah." saglit akong napatingin kay Cassey bago nahihiyang tumingin sa kanila at bahagya pang yumuko.

"Hi, nice to meet you all." casual kong bati kahit sa loob loob ko ay gusto ko na lang himatayin sa hiya. Mga sikat at mayayaman na tao kaya ang nasa harap ko.

"Such a beautiful lady." napatingin ako sa lalaking nag salita at bahagya pang nanlaki ang mata ko ng makita si William na nakangiti sakin.

"Tha-thanks." tumingin ako kay Cassey at nakatingin siya sakin habang nakangisi. Yung parang sinasabi niya na 'Go girl! This is your time to shine!' Pinaupo niya ako sa tabi ni William bago siya nag salita.

"William, I know na wala ka pang girlfriend. Mahilig ka ba sa pilipina?" gusto kong lakihan ng mata si Cassey dahil alam ko na yung ginagawa niya.

Binubugaw niya ako kay William at nakakahiya!

Tumawa si William bago niya tinugon yung tanong ni Cassey "Why?" saglit siyang tumingin sakin at nginitian ako.

"Well, hanggang ngayon wala pang boyfriend 'tong bestfriend ko. Baka gusto mo itake out?" namula na ang pisngi ko sa hiya kaya nilakihan ko na siya ng mata.

"Cassey!"

"What?" natatawa niyang anya. Hindi ako makatitig ng deretsyo sa kanila dahil pareho sila ni William na tumatawa at tila natutuwang nahihiya ako.

Hercules Obsession (Chavilire Series #1)Where stories live. Discover now