Kabanata 23

34.7K 906 222
                                    

Kabanata 23

[ Aliyah's point of view ]

Nanatili lamang akong nakatitig sa kanya ganun din siya sakin. Tinitignan kong mabuti ang mukha niya kung siya ba talaga si Yno o hindi.

Maya maya lamang ay nilagok niya ang isang alak na nasa basong hawak hawak niya bago siya tumayo at naglakad palapit sakin.

"Can you tell me your name?you look like the girl I know from the past." medyo nagulat pa 'ko ng magsalita siya ng engles.

"A-ako si Aliyah, kung hindi ako nagkakamali ay Yno ang pangalan mo hindi ba?" alinlangan kong tanong. Kita ko naman ang pagdaan ng gulat sa mata niya bago siya natawa.

"So that's explain why you look familiar to me, yes I'm Yno, Aliyah." hindi ko din maiwasan mapangiti dahil sa galak.

"Wow, kung ganoon bigatin ka na ngayon? English kana magsalita e." biro ko na siyang kinatawa muli niya. Naupo siya sa upuan na nasa harapan ko.

Habang ako ay tinitignan lamang siya dahil hindi pa din ako makapaniwala na magkikita pa kami at dito pa talaga sa bar na ito.

Nung nag birthday kasi si Cassey sa hacienda ngayong taon ay nakalimutan kong hanapin siya dun dahil nagmadali agad akong umuwi matapos ng nangyari samin ni Hercules.

"So how are you? Many years had past but you're still beautiful." hindi ko naman maiwasan ngumiti sa papuri niya "Ayos lang naman ako, ganoon pa din ang buhay ko. Eh ikaw?kamusta ka naman? Nandun pa din ba kayo nila Bella at Lola sa hacienda nila Cassey?" sa aking sinabi ay pansin ko na nag iba ang reaction ng mukha niya.

Hindi ko alam kung nagkamali lamang ako ng nakita ngunit tila dumilim yun. Pagkaraan ay umiling iling siya "No, we left there when I graduated highschool. Dito na kami nakatira sa maynila simula nun." napatango tango naman ako.

"Siguro maganda na ang trabaho mo? Sobrang dami na kasing nagbago sayo." ang sinabi kong yun ay totoo.

Ang dami ng nagbago kay Yno. Mukhang naging mayaman na din siya kagaya nila Hercules. Aaminin ko din na mas naging gwapo siya ngayon kumpara noon.

"I'm a professor now, nagbunga ang lahat ng pinaghirapan ko dahil maganda na ang buhay ko ngayon." halata naman sakanya yun.

At dahil nasa iisang table na kami ay sabay na kaming uminom ng alak habang nagkwe-kwentuhan sa mga naging buhay buhay namin.

Hindi din nag tagal ay dumating sila Wella kaya naging lalong maingay ang table na kinauupuan namin. "So you guys are dating?" tanong ng isang babae na kasama ni Wella. Kung di ako nag kakamali ay Abrilla ang pangalan niya.

"No, ngayon lang ulit kami nag kita pero baka dumating din kami d'yan." makahulugan na tugon ni Yno sa kanila. Kita ko naman na kilig na kilig sila dahil sa sinabi nito.

Samantalang ako ay nanatiling tahimik. Nahihilo na kasi ako kahit light lang naman yung alak na iniinom ko. Nakakainis lang kasi ang bilis kong malasing.

"Here Aliyah drink this." Inabot sakin ni Wella ang isa pang baso ng alak. Agad ko naman iniling ang ulo ko bago ako bumulong sa kanya.

"We-wella nahihilo na kasi ako, baka umuwi na rin ako ngayon. Mahirap kasing bumyahe mag isa lalo na pag lasing." bulong ko na kinakunot noo niya.

Hercules Obsession (Chavilire Series #1)Where stories live. Discover now