Kabanata 17

40.1K 1.1K 127
                                    

Kabanata 17

[ Aliyah's point of view ]

Ilang minuto pa at lumabas na si Hercules na basa ang buhok, nakabihis na rin siya ng plain white t-shirt at black jeans.

"Saan ka nakakuha ng bagong damit? Nag dala ka ba?" buti nalang may extra siyang damit sa kotse niya, naisip ko kasi kagabi kung paano siya makakapag palit ng damit kung wala siyang dala.

"No, I ask my butler to bring this to me." hindi ko naman maiwasan matigilan at napatingin ako sa hawak din niyang malaking paper bag.

"I-ibig sabihin hindi lang si Mama ang nakakita ng position natin kanina kasi tinawag mo din ang butler mo?" hindi ko maiwasan mahiya sa naisip ko. Grabe Aliyah, binaba mo pa kasi siya kagabi, ayan tuloy nakatulog ka sa ibabaw niya.

Hindi ko maiwasan matigilan ng lumapit sakin si Hercules at hinapit ako sa bewang "Why babe? Ano ba ang position natin kanina? Want to demonstrate it to me?" sinamaan ko naman siya nang tingin bago siya tinulak palayo.

"Heh! Masyado kang maharot." pinaikot ko pa ang mata ko bago siya tinalikuran at padabog muling umakyat sa kwarto ko.

Pag dating sa taas ay kumuha ako ng simpleng damit dahil maliligo ako, muli na 'kong bumaba dala dala ang damit ko at tuwalya.

Hindi ko na nakita si Hercules sa sala pero naririnig ko ang boses niya mula sa kusina, may pinag uusapan ata sila ni Mama.

Hindi ko na sila pinag tuunan pa ng pansin at pumasok na lang ako sa banyo para maligo.

Makalipas ng ilang minuto ay pinupunasan ko ang buhok ko habang papalabas ng banyo.

Bumungad sakin si Hercules na nakadewaktro sa upuan namin sa sala habang nakatitig sakin ng madiin "Asan sila Mama tsaka si Lily?" tanong ko.

"Lily already go to her school while mama go to your neighbour house."

"Ahh ok." tumalikod na 'ko sakanya at inilagay na ang tuwalya sa hanger, habang sinasampay ko ito ay hindi ko maiwasan magulat ng bigla akong yakapin ni Hercules.

Inamoy amoy niya ang basa kong buhok maging ang leeg ko "Damn babe! You smell so good, nakakagigil ka." sabi niya gamit ang nang aakit na boses.

Hindi ako kumibo pero nung masampay ko ang tuwalya ay agad akong humarap sa kanya at tinaasan siya ng kilay "Tigilan mo 'ko sa kalandian mo at baka samain ka sakin." pag susungit ko dito.

Nakahawak pa din siya sa bewang ko bago ngumuso, hindi ko maiwasan matulala saglit sa kanya ng mag simula na siyang mag pacute sa harap ko "You're really mean babe, ok I already know you dont love me that's why you're being so mean." hindi ko alam kung parte pa ba ng pag iinarte niya ito pero habang sinasabi niya yun ay may nabasa akong lungkot sa mata niya.

Para naman akong nasaktan dahi dun, ayoko mabasa yun sa mata niya dahil nasanay na 'ko sa malanding Hercules at mapag laro.

Sa iisipin na masasaktan siya sa trato kong ganun ay halos gusto kong sapukin ang sarili ko "Hmm, so-sorry." bulong ko bago ko siya hinawakan sa batok at pinag lapat sandali ang labi namin.

Ramdam kong nanigas siya sa ginawa ko ganoon din ako, mabilis akong humiwalay sa kanya bago ko siya binigyan ng pilit na ngiti.

Hercules Obsession (Chavilire Series #1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora