Kabanata 6

44.1K 1.3K 233
                                    

Kabanata 6

[ Aliyah's point of view ]

Dalawang buwan na ang lumipas simula ng mangyari ang mga bagay na yun sa pagitan namin ni Hercules.

Unti unti ko rin naman na yun nakakalimutan at siguro din ay wala lamang yun para sa kanya.

Hindi ko maiwasan mapapunas ng pawis sa noo ko dahil basang basa na ito, kahit na pagod at pawisan ay pinag patuloy ka pa rin ang pag huhugas ng maraming plato na nasa lababo.

Nag tatrabaho kasi ako sa isang karinderya bilang tagahugas ng plato para may pagkain at pambili ng gamot ni Mama.

Sa dalawang buwan kasi na nag daan ay bigla na lamang bumagsak ang katawan ni Mama dahil sa sakit niya dahilan rin para mapatigil siya sa pag ta-trabaho.

Kailangan niya kasi operahan sa atay dahil may bato daw siya roon. Kailangan ko pa mag ipon para dun kaya naman nag stop muna ako sa pag aaral at nag pokus sa pag tatrabaho.

Tuwing umaga ay sale's lady ako sa divisoria at tuwing gabi naman ay tagahugas ako ng plato sa karinderyang ito.

Kahit na doble kayod ako ngayon ay kulang pa rin, hindi ko pa rin mapagawang mapaoperahan si Mama dahil sa gamot pa lang niya ay kulang na kulang na ang sinasahod ko araw araw.

Kumunot noo ako at napatingin sa cellphone ko ng tumunog ito, kinuha ko ito mula sa bulsa ko at sinagot ang tawag ng bunso kong kapatid.

"Oh Lily ba't napatawag ka?" mabilis na bumungad sakin ang mga malalakas niyang iyak.

"A-ate si Mama, sinugod siya sa ospital kasi bigla na lang siyang nawalan ng malay at yung katawan niya unti unti ng pumuputla." halos mawalan rin ako ng kulay dahil sa sinabi niya.

Agad kong tinanong sa kapatid ko kung nasaan hospital sila bago dali dali umalis at hindi na nag abala pang mag paalam sa Amo ko dahil sa pag aalala.

"Lily!" mabilis itong tumakbo sakin habang umiiyak, niyakap ko naman ito bago tinanong "Bakit siya nawalan ng malay? Ano ba ginawa ni Mama?"

"Pinilit niya kasing mag labada, ta-tapos habang nag lalaba siya ay nawalan na siya ng malay."

Mabilis akong napapikit at napaiyak. Hindi ko maiwasan mapaupo sa upuan dahil sa labis na panghihina.

Mabilis naman kaming dinaluhan ni Aling Purita na siyang katulong ni Lily para dalhin si Mama dito.

"Kayo po ba ang kamag anak ng pasyente?" mabilis akong napatayo at lumipit sa doktor.

"O-opo kami po." malungkot ang mga tingin nito samin kaya hindi ko maiwasan kabahan.

"Iha, kailangan ng operahan ang nanay mo dahil kung hindi pa natin maalis ang bato sa atay niya ay maari niya yung ikamatay." muli akong napaluha at napayuko.

"Do-doc mag kano po ba yung kailangan para operahan si Mama?"

"200,000 iha" halos panginigan ako sa tuhod sa sinabi niyang pera na kakailanganin namin.

Saan? Saan ako kukuha ng ganung kalaking pera? Mukhang kahit wag na ako mag pahinga kakatrabaho buong araw at gabi ay hindi ko kikitain yun.

Hercules Obsession (Chavilire Series #1)Where stories live. Discover now